His POV~ 2

138 11 1
                                    

Torpe Problems: Textmate

Pagkauwi ko sa bahay. Chinarge ko kaagad ang cellphone, lowbatt kasi kanina nung binigay ko kay Katie ang number ko... Hala! Oo nga pala. Mag tetext nga pala siya.

Nagbihis muna ako ng pambahay.

Anong oras na ba? Tumingin ako sa relos ko. 7:26. Hmp. Ang tagal naman niyang mag text. Nakahiga ako sa kama ko, at tulalang nakatingin sa kisame.

.

.

"Bryle anak, kain na." sigaw ni mama. Mag didinner na pala. Hanggang ngayon wala pa rin siyang text. Bumaba na ako para mag hapunan.

Pagbalik ko sa kwarto. Tiningnan ko ka agad ang phone ko. Ui!

2 unread messages. Binasa ko yung una, galing kay Jade.

Everything happens for a reason.

~GooodEvening! jghfs.

Hayst! Walang kwentang gm. Dinelete ko agad. Yung isa naman, kay Nick.

Brad? Nag text na si Katie. Hehe. Nag text na siya sa'yo?

-8:45 pm.

Nag reply ako agad.

Di pa nga eh. Maya-maya siguro.

Hindi na siya nag reply pagkatapos ng message ko.

.

.

Time Check: 9:24 pm.

Hayst! Wala pa rin?! Kainis ah.

*vibrate-vibrate.

1 New Message

From: <3 Katie.

Hi Bryan :') Sa sunday ah wag kalimutan, sa bahay namin. Mga 10:00 am. See you.

-9:48 pm.

Napangiti ako. Eto na talaga yung pinakahihintay ko. Naka save na yung phone number ni Katie sa phone ko. Siyempre ako pa! Kaya nga lang di ko... wala akong lakas ng loob mag text sa kanya. Hayst! Mag rereply ba ako?

To: <3 Katie.

Hello Katie :)) Okay, di ko talaga makakalimutan. Hehe. Group Project kaya yun. Dagdag grades na rin diba? Ahh. Nga pala ba't gising ka pa?

-9:50

Siyempre! sinend ko agad. After 2 minutes nag reply agad siya.

From: <3 Katie.

Hehe! XD Kasi di pa ako natutulog? Jk. Kasi di pa ako inaantok. Ikaw nga rin eh. Ba't gising ka pa?

-9:52 pm.

To: <3 Katie.

Ahh. Kasi di rin ako inaantok. Ang boring bah. Haha! So? Text text na lang tayo?

-9:51

From: <3 Katie.

Sige2. Na bobored rin naman ako eh.

-9:54

To: <3 Katie.

Anung gawa mo?

-9:56

Buong gabi nag tetext kami.Naabutan na kami ng midnight kakatext.

From: <3 Katie.

Sige Bryle. Good Night thanks sa tym.

-12:12

To: <3 Katie.

Sige Katie. Good Night din :) Sweet Dreams.

-12:14 am.

Hindi na siya nag reply after ng message ko. Tulog na siguro. Makatulog na nga rin. Nag enjoy talaga ako buong gabi. Hanggang hating gabi nag uusap pa rin kami through text. At least may lakas loob na akong kumausap sa kanya. Waaaaah! Nababading na naman ako, pagdating sa kanya.

Ano bang ginawa sa'kin ni Katie, bakit ang lakas niya sa akin?

Bago ako matulog si Katie ang huli kong nakausap, sa text nga lang.

Sana ganito na lang kami gabi-gabi. Haaaaaaay!?

"Good Night Katie." hanggang sa nakatulog na ako.

Best Night Ever

.

.

xx-x-x-xx

(a/n: tinatry ko talagang pahabain ang chapter na'to. maiksi pa ba'to?)

Vote, Comment and be a Fan.

Torpe Problems (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon