Torpe Problems: Group Project
(Playing: Hay Nako! by Lj Manzano)
Bakit pa'g kasama ka'y nahihiya
Di naman ako ganito pag may kasama iba
Ngiti mo lang okay na.
Oras di ko napapansin pa'g katext ka na.
Magka-insomnia na makausap ka lang
Mahal na kaya kita?
Hay Nako, may pag-asa ba ako?
Sabihin mo, ako'y maghihintay sa'yo
Hay nako, may pag-asa ba ako?
Sabihin mo, sakin kung trip mo rin ako
Trip mo ba ako?
Napakaganda talaga ng kantang 'to. Isa 'to sa mga paboritong kanta ko eh. Nakisabay na rin ako sa pagkanta habang nagigitara. 6:00 pa lang ng umaga. Ang aga ko naman atang nagising. Wala naman akong magagawa eh.
.
.
Pagkalipas ng 2 oras. Naligo na ako. Nagbihis na rin ako. Naka white polo shirt, at black jeans. Nagpabango din ako tsaka naglagay ng gel sa buhok. Pagtingin ko sa salamin, nag form ng ngiti ang bibig ko, mas lalo akong gumagwapo ah.
Pero bigla nalang nawala ang ngiti sa bibig ko. Ng naalala kong hindi pala DATE ang pupuntahan ko Group Project. Group Project Bryan! Di Date! Kung makaayos ka naman. Amp*ta!
Malapit na palang mag 10. Tss. Woah! Papunta na ako ngayon sa babaeng gustong-gusto ko. Kela Katie.
*inhale-exhale-inhale-exhale. Para naman akong bading nito.
*dingdong-dingdong (a/n: tunog ho 'yan ng doorbell)
Pagbukas ko ng gate, nakita ko agad si Katie.
"Oh Bryan, pasok." sabi niya, napakaganda niya talaga. Ngumiti na lang ako sa kanya tsaka pumasok sa loob. Huh? Ako palang?
"Ang aga mo naman Bryan, ikaw pa nga lang ang pumunta eh." Mind Reader?!
"Ahh..kasi..ano. M-may p-pupuntahan a-ako mamaya. Oo. Hehe!" sabi ko. Bakit ba nauutal?
"Ahh. so, magsimula na tayo?" tanong niya, sabay upo sa sofa. Umupo na rin ako. Nilagay niya sa lamesa ang mga materials para sa project namin.
.
.
Ilang minuto rin ang nakalipas nagsidatingan na rin yun ibang ka groupmates namin.
.
.
1 pm. Natapos na rin ang project namin. Di pa kami naglulunch. So kakain na kami.
"Haaay! Salamat natapos na din." sabi ni Heidi.
"Kapagod. Sa'n tayo mag lulunch?. Hehe. Sorry guys ha? Wala kasi si mama tsaka wala rin kaming stack ng pagkain dito." sabi ni Katie na nahihiya.
"Ok lang." sabi naming lahat.
So, ang ending sa labas kami kumain.
Sa wakas natapos na rin. Nahihiya talaga ako kay Katie, ni hindi ko siya nakausap nung kami pa lang dalawa eh. Siya lang yung salita ng salita.
Naaaah! Bakit ba ako nagkaganito? Bakit ba nauso ang torpe sa mundo?, at sa'kin pa talaga binigay.
xx-x-x-xx
(a/n: Sa wakas! naka pag update na rin. Wala kasi akong time. Tss. Bakasyon nga, puro naman Utos natanggap ko.)
BINABASA MO ANG
Torpe Problems (HIATUS)
No Ficción(HIATUS) Define "TORPE" -- Marunong mahiya. Marunong maghintay. At higit sa lahat SERYOSO MAGMAHAL. ©ricaaabells