Torpe Problems: PROM
Wala akong choice.
So, ang ending nakapartner ako ng isang babaeng PANGET mas PANGET pa sa PANGET! Jusko! Sang lupalop ba ipinanganak ang taong 'to. Kulang na lang parang...parang... Jusko! Ampanget. Yung two front teeth niya. Missing! Waaaah! Nakakatakot ang itsura. Pwede namang magpa pustiso siya diba. Tsaka madami siyang pimples mas madami pa sa pimples ni Eya. Naknang T*teng!
Wala na talaga akong choice! Kami lang namang dalawa ang walang kapartner, so kami ang pinagpartner. Tsk. Sabi ni ma'am dapat may partner daw lahat. Kainis!
Matapos kong laitin ang kapartner ko.
"HAHAHAHA! Nakakatawa brad." tawang-tawang sabi ni Nick. Ganyan talaga siya, kanina pa nga 'yan eh. Tatawa tas tatahimik tas tatawa ulit. Hay Nako! "Ikaw naman kasi, ba't ang torpe mo? Yan tuloy. Pfft-- Hahaha!" at nagsimula na naman siya.
"Wow! Imbis na tulungan mo ako tumatawa ka lang diyan. Ang bait mo talaga." sarcastic kong sabi.
Humagalpak na naman siya sa kakatawa. Ampucha!
.
.
.
.
.
.
After 2 weeks.
Prom na namin ngayon. Ready na ako! Kaso... kinakabahan ako. Ang potek! Pagka minamalas nga naman oh. Panget na nga naka date ko! T_____T
Well, nakasuot ako ng suit. Aba? Mas lalo akong gumagwapo ah.
Papunta na ako sa school. Sa school lang naman iheheld ang JS Prom namin, para tipid daw. Psh. Di ko ihahatid yung panget na yun no. Tsk! Baka magpakamalan pa kaming mag boypren-girlpren.!
Ahh. Nga pala ang pangalan pala ng kapartner ko ay Beauty. Pssh! Sa'n naman nakuha yung pangalang Beauty eh ang Panget panget niya. Mas bagay sa kanya UGLY! HAHA! XD Ang sama ko ba? Pasensya, pasensya.
Pinark ko na ang kotse ko. Nakita ko agad si Nick at yung partner niya.
"Brad!" sabay high-five.
"Oh? Asan yung partner mo? Pfft-" sabi niya, halata namang pinipigilan niya ang pagtawa eh.
"Ah. Di ko alam. Psh."
"Sige Brad. Pasok muna kami."
Pumasok na sila. Buti pa 'tong si Nick ang ganda ng nakapartner. Samantalang ako... Haaaaaay!
Speaking of kapartner. o_O Nakita ko agad si Beauty.
"Fafa, Bryan. Halika na, pasok na tayo. Ha?" sabi niya sabay kapit sa braso ko. Nako! Kung wala lang talagang nakatingin sa'min ngayon kanina ko pa 'to inupakan.
Well, wala rin naman akong magagawa. Sumunod na rin lang ako. Kainis! kapit ng kapit sa braso ko! Baka mabali na ang buto ko eh.
Umupo na kami sa aming naka assign na upuan. Nag simula na ang program.
"Let the party begins!.." sabi ng EmCee.
Agad namang nagsi tugstugan ang mga Junior at Senior.
Ako a-este kami nakaupo pa rin. Wala akong planong maisayaw siya no, si Katie lang ang gusto kong maging first dance. Bahala siya diyan!
Nag-iba na yung music, slow na. So eto na siguro yung time na ayain ko si Katie.
Teka!?
Asa'n nga ba si Katie? Hinanap ko si Katie... Wala ba siya? Hindi ba siya pumunta?
Bumalik na lang ulit ako sa upuan ko...
"Uhm.. Fafa Bryan, ano.. uhm.. Pwede ba tayong mag sayaw?" tanong niya.
"Lul! Fafa ka ng fafa diyan, ka ano-ano ba kita!? Anak ba kita?! Tsaka! Heh! Di ikaw ang gusto kong maisayaw! Sinong namang gustong makipagsayaw sa'yo, eh ang pangit pangit mo!! Kahit na maglagay ka pa ng kolorete sa mukha, di yan matatakpan ng napakapanget mong mukha! Sapilitan na nga lang kitang nakapartner, gustong mo pang makipagsayaw! Kapal ng mukha mo! Ulol!" sabi ko sa kanya, with all my force?. HEHE!
Nakita kong may tumulong tubig sa kanyang mata. o_O Umiiyak siya?!
Suminghot siya. "Di mo na kailangang ipamukha sa'kin na panget ako! Alam ko naman yun eh. Na PANGET ako! Wa'g mo akong laitin ng laitin. Ikaw!" habang dinudoro niya ako. "Di dahil gwapo ka, pwede mo ng laitin ang lahat ng panget sa mundo. Gwapo ka sana, kaso ang sama ng ugali mo!" sabay alis. Ang lakas naman ng sigaw ng babaeng 'to pinagtitinginan tuloy kami.
Ang sakit ko namang magsalita. May pinaiyak akong babae. Hala!
Pumunta ako sa garden ng school. Buti pa dito tahimik! Na'san nga pala si Katie? Di ko pa siya nakikita eh.
o_O Agad namang sinagot ng tadhana ang tanong ko. Nakita ko si Katie, nakaupo sa ilalim ng puno.
Nilapitan ko siya. Nagkasalubong yung mata namin. Ngumiti ako sa kanya, ngumiti rin siya pabalik. Hayst! Eto na namang puso ko oh! Tumabi ako sa kanya.
"Kaya p-pala di kita n-nakita sa l-loob. N-nandito ka lang pala. Bakit k-ka pala nandito ng m-mag-isa?" tanong ko.
"Ang ingay eh, di kinaya ng eardrums ko. Ikaw bakit nandito ka rin?"
"Hehe! Ang ingay din kasi eh. Di ko kinaya. Di kasi ako mahilig sa maingay na places."
"Pareho pala tayo." Okay, so. Meant to be tayo? After a minute ng katahimikan.
"Sa'an nga pala si Kevin?" tanong ko.
"Ahh. Umuwi na siya. May importante lang daw siyang lalakarin."
"Ahh. Wala naman palang kwentang partner 'yan eh, iniwan ka lang."
"Ha?"
"Wala.."
"Ikaw rin, asan rin si Beauty?"
"Ahh. Iniwan ko."
"Ha? Bakit mo iniwan?"
"Kasi.. Di ko kinayang tingnan siya eh."
"Pfft-- Hahaha! Kaya pala."
"Katie, may boyfriend ka ba?"
"Ahh? Wala.." o_O Narinig niya yun? Binulong ko lang yun eh. Pero sabi niya diba wala! MYGADS! May chance pa pala ako..
.
.
.
Nakahiga ako sa kama ko, at nakatingin sa kisame ng nakangiti. Wahahaha! May chance ako! I can't believe eat! Eat?Eat?Eat? Gutom na ko. Kakain muna ako ha?
Best day ever!
BINABASA MO ANG
Torpe Problems (HIATUS)
Non-Fiction(HIATUS) Define "TORPE" -- Marunong mahiya. Marunong maghintay. At higit sa lahat SERYOSO MAGMAHAL. ©ricaaabells