Chapter six (6) - Ang sketch pad + Date ang pambawi?! -.-

30 2 0
                                    

Chapter six (6) - Ang sketch pad + Date ang pambawi?! -.-

Pumasok na ako sa school. Inaantok pa ako. Kulang yung tulog ko. Tss.

"Jaraaaaa." Sabi ni Shayne nung pagkadating ko ng school.

"Oh?" tanong ko.

"Isip ka ng magandang place para dun sa project." sabi niya ng naka pout.

"Sure." sabi ko.

Pumunta ako sa upuan tapos nilabas yung sketch pad ko. SKETCH PAD?! HALA! Di ko pa naipapasa! Patay!

*snap snap*

"Jaraaa ~" sabi ni Shayne.

"Ah. Wait lang Shayne. Magdiditch ako ng class." sabi ko.

"What?!" sabi niya.

"Iih. Kelangan ko talagang ppumunta sa college department. Puhleasee! Sabihin mo kay mam na asa clinic ako or something." sabi ko ng naka-pout.

"Oo na. Pasalamat ka at maganda at cute ka." sabi niya.

"Okay. Bye." sabi ko.

Kumaripas ako ng takbo. Dinala ko yung bag ko. Lagot na. Pumunta ako sa college department. Ano nga ba first class ni Ate Mimi? Ah. Pumunta ako dun sa first class niya. Nakakapagod! Ang layo kaya ng college sa highschool. Pagdating ko dun medyo sumilip ako ddun sa bintana. Wala siya! Wait. May shooting nga pala siya ngayon! Patay. Pano ako makakalabas ng school eh naka-uniform ako. Aruu.

Pumunta ako sa may parking. Dun sa may gate. Parehas lang parking ng highschool at college. Malawak ito. Ganito kasi plano ko. Pag may pumasok na kotse saka ako lalabas. Sana magawa ko. Huhuhu. Dalawa kasi yung guard eh nag-iisa ako. :3

Binuksan na nila yung gate. Tapos pumasok yung isang kotse. Lumabas ako dun sa tinataguan ko tapos tumakbo palabas.

"Hoy!" sabi ni guard 1. Halaaaa. Nakita ako ng guard. Takbo Jara. Takbooo~

"Huli ka." nahawakan ako ni guard 1 sa braso tapos lumapit si guard 2 at hinawakan yung kabilang braso ko. Nagpupumiglas ako. Help! T.T

"Pakawalan niyo akoooo." sabi ko.

"Magcacut classes ka pang bata ka. Isusumbong ka namin sa principal." sabi ni guard 2. -.- Kilala ko principal koya! Pero pakawalan niyo ako! Nagmamadali akooo.

"Dali na kuya. Kelangan ko lang talaga. nagmamadali ako." sabi ko.

"Hindi pwede bata." sabi ni guard 1. T.T

"Hoy. Bakit niyo hawak yan?" sabi ni... SAM! Buti nandito siya. Tulooong!

"Magtatangka kasi magcut." sabi ni guard 1. Binigyan ko si Sam ng tulungan-mo-ako look.

"Kasama ko yan. May inutos sakin si coach." sabi niya. Thank yooou!

"Sure ka?"  sabi ni guard  2. KAKASABI NIYA LANG!

"Oo. Pakawalan niyo na yan." sabi ni Sam. Pinakawalan nga nila ako. Binelatan ko yung dalawa. haha.

Ng makalayo yung guard.

"Waaaah! Thank you Sam! Thank yoou!" sabi ko. Napayakap ako sa kanya.

"Ah. eh. Bakit ba nagtangka ka magcut?" tanong niya. Hala. Namumula si Sam. Nakayakap nga pala ako. Pasensya na sanay lang.

"May kailangan akong puntahan. Tulong naman oh. Nagmamadali ako eh." sabi ko.

"Sige. Sabihin mo nalang kung pasan ka." sabi niya.

"Thank you!" sabi ko.

Sinundan ko siya papunta sa kotse niya. Medyo kaclose ko na siya kaya ganyan ako kung maka akto. Haha. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Tapos yun. Sinabi ko sa kanya kung pasan ako tapos tinanguan niya ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Mysterious GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon