Chapter 3: UNGENTLEMAN >.<

41 3 0
                                    

(A/N:  salamat po sa mga nagbabasa)

Louisa's POV

     Nandito ako ngayon sa garden, as usual ALONE! Hindi na rin ako naninibago kase alam mo na since birth ata wala na akong naging kaibigan kaya nasanay na rin ako, nasabi ko na bang laging sa mga pangmayayamang school ako napupunta ? sabi kase ni papa di bale na daw na maghirap kami basta maayos ang pag-aaral ko^^ kaso nga lang binlewala ko yung effort nila dati kase naaawa na ako sa ego ko lagi na lang kinakawawa ng mga monster kong kaklase , dapat daw kase hindi ako pumapasok sa school nila kase mahirap lang ako ,kaya ayun tinamad na akong pumasok pero dahil naaawa na rin ako kina papa kailangan kong magtapos ng pag-aaral  kaya mula  ngayon No matter what, kailangan kong magtapos para sa ikaliligaya ng lahat , wala na rin akong pakialam kong buong buhay ko wala akong maging kaibigan basta kasama ko ang pamilya ko masaya na ako dun. haist! emote ko naman masyado.

Siguro nagtataka kayo kung bakit ako naririto? launch time kase namin ngayon, ayuko namang kumain sa cafeteria wala naman akong pambili (XD) at tsaka may baon na rin naman ako e^^ Kaya naisipan kong maghanap ng lugar na pwedeng kainan at dito ako sa garden napadpad.

   Masaya rin naman dito kase tahimik, sariwa ang hangin at ang pinakamasaya e malayo sa ano nga bang pangalan ng group nila Mr. Nasa Unahan? Black Young Devil nga ba yun? bagay na bagay sa kanila yung name ng group nila kase mga Devil naman talaga ang ugali nila. (>.<)

Buti na nga lang nakatakbo ako kanina dahil kong hindi maiissue na naman ako at ang headline MAGANDANG BABAE PUMASOK SA OFFICE NG LALAKI, PATAY! :D edi lagot na sana XD haaay kung anu-ano na naman pumapasok sa isip ko :3

  Katatapos ko lang lang kumain at napagpasyahan kong magsulat ay este magdrawing pala :) wala naman kaseng masyadong ginawa kanina, syempre first day of school palang.

At naalala ko yung mala superman na pagtitig ni Mr. Son of the Devil a.k.a Mr. Nasa Unahan sa marked o peklat na malapit sa pulse ko. Ano kayang meron dito? sabi ni mama nakuha ko daw 'to nung bata pa ako mahilig daw kase akong maglaro ng matatalas na bagay kaya ayon nasugatan ako. Pero bakit ganun na lang ang titig dito ni Mr. Son of the Devil? Ah siguro napangitan siya,HAAY NAKU! hayaan na nga lang . Makapasok na nga, room 4 Math subject ang sched ko ngayon "Teka anong or as na ba?" sabay tingin sa relo HUWAAAAT? 20 minutes na akong late 1:40 kase ang time schedule para sa math e anong oras na? 1:60 kaya tumakbo na ako at last nandito na ako corridor at malapit na sa Room 4 pagdating ko nagkaklase na sila.

"Good Afternoon Ma'am" bati ko sa guro na nasa unahan, alangan namang nasa hulihan? Nagkaklase nga diba ? Bobo mo talaga Louisa. At nagtinginan naman ang mga estudyante sakin O__O ok ! celebrity na ako ngayon :D ASSUMING ?

"Your late Ms. De Guzman!" - ma'am

"Sorry po!" me

"Whatever! Humanap ka na nang mauupuan mo" sarchasm na sagot ni Ma'am.

MALDITA NO. 2 ba 'to? Haaaay! makaupo na nga lang baka hindi ako makapagpigil ilagay ko na 'to sa sako at ihagis sa SUN. Ooooops! Louisa ambad mo na ! wag ganyan.

    Naghanap na lang ako ng mauupuan at ayon may bakante pa sa hulihan, YEEEEH BOY! (:D)

    Pagka-upo ko, tumingin ako sa katabi ko ay Mali! sa tulog na lalaking katabi ko, nakaobob lang siya sa desk kaya hindi ko makita ang mukha niya.

     Gigisingin ko sana baka kase mapagalitan, hello! oras kaya nang klase tapos tutulog tulog lang siya.

     Bigla na lang niyang inangat ang ulo niya pero nakapikit pa rin.

       Wow! anghel ba 'to na pinababa dito sa lupa para paibigin ako? (*^_^*)

"Matunaw naman ako niyan!" sabi ni Mr. Angel.

O___O HUWAAAAT? si Mr. Nasa Unahan pala 'to at sa sobrang gulat ko nahulog ako mula sa 10 palapag ng building (XD) Dejoke nahulog lang naman ako sa kinauupuan ko :D

"OUCH!" sigaw ko nang nasa floor na ako

!TSS! lampa kase" narinig kong sabi niya at naramdaman kong nakatingin lahat ng estudyante sakin pati na rin si ma'am.

"TSS! nandito pa pala ang FREAK NO. 2 na yan ? akala ko ba napatalsik na siya matapos ang ginawa niya kay Zeki kanina" rinig kong bulungan ng dalawang monkey classmate ko.. sarap barahin eh nuh? malamang nandito ako nakalugmok pa nga sa sahig e alangan namang nagpopost lang ako dito? busy kase sa kapapantasya sa Devil na'to (>.<)

"back to your seat Ms. De Guzman, wag kang feeling Cinderella para tulungan ni Mr. Zeki" isa pa tong si ma'am yan tuloy nagtawanan ang mga unggoy kong classmate (>.<)

KAINIS! napaka antipatiko na UNGENTLEMEN PA! Bakla siguro 'to :D bumalik na lang ako sa upuan ko nang hindi pinapansin ang Son of the Devil na Zeki daw pala ang pangalan. (A/N: akala ko ba Mr. Angel na magpapaibig sayo?) wag kang ano Ms. Author, hindi siya pwedeng maging Angel baka isuka 'to ng langit sa sobrang sama ng hangin.

"Sa susunod kase kung pagnanasaan mo ako, magsasabi ka!" narinig kong bulong niya sakin.

Lord, pwede po bang pumatay ng demon? kaaway naman po natin siya diba? Syempre kasama ako mabait naman ako e^^ haaaay naku ! wag mo na lang pansinin Louisa, ANG PUSO MO! hahahahaha..

Naramdaman kong nakaob-ob na naman siya at mukang tulog na. Ayos 'to parang wala na rin akong katabi Whahahaha (evil laugh)

    At last natapos din ang klase! wala naman akong naintindihan dun ah :D Hindi ko na inantay na magising si Mr. Son of the devil , teka! bakit ko naman siya iintayin? ABER! e hindi ko naman siya kaano-ano. Haaay makauwi na nga.

That Mark! (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon