(A/N: Pasensya po kung matagal ang update busy lang po talaga)
Mr Villarama's POV
Napakasaya ko nang makausap at mayakap ko ang kaisa-isa kong apo^^ Haaay kailan kaya niya malalaman ang katotohanan ? Bilang Ms. Chandria Villarama?! Sana malaman na niya ang tungkol dito bago pa sumapit ang kaarawan niya.
Biglang nagring ang teleponong nasa harapan ko.
"Hello?"
[Sir, may naghahanap po sa inyo dito sa baba]
"Sino daw?"
[Ayaw po magpakilala e, mahalaga daw po siyang pakay sa inyo]
"Oh sige! baba na ako"
Pagkababa ko, nagulat ako ng makita ko si Mr. De Guzman at ang pamilya nito ngunit hindi kasama si Chandria kaya nakaramdam ako ng lungkot at bakit naman ako mag-eexpect? e hindi naman niya alam ang tungkol sa tunay niyang pagkatao.
"Magandang umaga po Mr. Villarama :)" bati sakin ni Mr. De Guzman
"Magandang umaga rin naman :) bakit parang napagawe kayo rito? may nangyare ba sa apo ko?" pag-aalalang tanong ko
Sa halip na makarinig ako ng sagot sa kanila ay nginitian na lamang ako na siya ko namang ipinagtaka
"Sir kaya po kami naririto dahil may gustong makipagkilala sa inyo :)"
"Ha? sino?" tanong ko
At nakita kong patakbong lumabas ang anak nilang lalaki , sinundan ko siya ng tingin para malaman kung bakit siya pumunta sa labas
O____O
Nagulat ako ng makitang kasama niya si Chandria ang kaisa-isang apo ko, hindi ko napigilang mapaiyak.
"A-Anong ginagawa niya dito ?" putol putol kong tanong
"Nandito po kami para ibalik ang apo niyo :)"