(A/N: maraming salamat po sa patuloy na nagbabasa kahit konti lang^_^)
Louisa's POV
Ilang araw na rin ang nakakalipas ng magkakilala kami ng best friend ko.
Kilala na rin siya ng pamilya ko dinala ko na kase siya dun, hindi nga makapaniwala sina mama na may kaibigan na ako baka daw sa susunod boyfriend ko naman ang dalhin ko sa bahay HAHA^^ yun ang pinakamalabong mangyari :D
Nandito nga pala kami sa Mall, trip daw kase niyang magshopping naiinis daw kase siya sa bahay nila nandun daw kase yung mga kabarkada ng kuya niya kaya nagpasama siya since tapos na rin naman ang klase.
Oo nga pala, hindi ko pa nasasabing gangster ang kuya niya pati ang mga kabarkada nito kaya hindi sila masyadong nagkikita ng kuya niya sa school baka daw kase madamay siya sa away ng grupo ng kuya niya at ng grupo ng ibang gang kaya walang nakakaalam na magkapatid sila.
Over protective ang kuya niya nuh ? parang yung kuya ko lang (^_^)
"Oh? isukat mo na 'to Bes :)" nakangiting sabi niya na ikinagulat ko.
O___O
"Ha? as in lahat ito?" tanong ko
Madami kase siyang pinili na mga damit tapos tinatanong niya ako kung maganda daw ba, kaya oo lang ako ng oo kase lahat naman maganda e pero sakin pala lahat ng kinuha niya?
"Oo :)" sagot niya
"Pero Bes wala akong pera , ang mamahal kaya nito" sambit ko
"May sinabi ba akong ikaw ang magbabayad niyan? kaya sige na isukat mo na yan" saad niya sabay tulak sakin sa fitting room.
Wala na akong nagawa kase nasa loob na ako kaya isinukat ko na lang , 20 pieces ata ng ibat ibang klase ng damit ang nasa harap ko ngayon at OMG ha! sobrang mamahalin , pang isang buwang konsumo na namin ang halaga ng isang damit dito e^^
Ganun ba talaga kayaman ang bestfriend ko ? Hindi ko pa kase makikita ang bahay nila pati ang pamilya niya sabi kase niya saka na lang daw , busy daw kase masyado ang parents niya pati ang lolo niya sa ibang bansa, yung kuya niya naman daw laging nasa condo niya o kaya nasa barkada kaya halos katulong niya lang ang nakakasama niya araw-araw pero kahit daw ganon close pa rin daw silang magpapamilya (^_^)
"Bes bilisan mo! May pupuntahan patayo" sigaw ni Bes mula sa labas (malamang nasa loob ka e!) :D
Kaya dali-dali ko nang sinukat yung unang damit, pagbigyan na lang natin ang si Bes wala din namang babagay sakin dito kaya alam kong wala siyang mabibili :)
Pagkalabas ko...
O___O ganto ang mukha ni Bes
"Oh? bakit parang nakakita ka ata ng multo?" tanong ko
"Wow Bes! bagay na bagay sayo^^ ang hot mong tingnan ^_^" saad niya
Ha? ano daw hot tingnan? Sino? AKO? dress na red lang naman ang suot ko tapos medyo above the knee na fitted siya.
"wag mo nga akong binobola bes" Me
"Ano ka ba hindi kita binobola , bagay nga sayo , galing ko talagang pumili :) oh sige na isukat mo pa yung iba" sabi niya at itinulak ulit ako sa loob.
Wala na naman akong nagawa, pagpasok ko nakita ko ang reflection ko sa salamin (malamang alangan namang sa pander! :D). Maganda rin naman pala ang katawan ko. Sus! katawan lang pagdating sa mukha ? BOKYA! haist tama na nga yan, sukatin ko na lang tong ibang damit .
At pa 19 ko nang sukat ito , Hindi ko alam kung totoo ang lahat ng mga sinasabi ni Bes o pinapalakas niya lang self confident ko na maganda daw ako kase sa bawat labas ko ganito lang ang expression ng mukha ni Bes
O___O ganyan
At after a million years natapos din :D
at ang pinakanakakalungkot at halos maiyak ako e ang bilhin ni Bes lahat ng pinasukat niya sakin (T_T) nahihiya kase ako Baka kase isipin ng iba yun lang ang habol ko sa kaniya.
pero wala na rin akong nagawa kase kapag daw hindi ko tinanggap yung mga binili niya para sakin pipilitin niya akong magpamake over, AYUKO NGA! edi lalong nasayang yung pera niya wala din namang magbabago sasakit lang mukha ko sa mga gagawin ng artist (>.< ) lalo na sa kilay kapag binabawasan. (>.<)