Natapos na ang semestral break ay hindi ako mapakali na makapasok na sa school dahil siyempre gusto ko nang makita si Taylor.
Bukod doon ay ipapakita ko na rin ang manuscript niya na natapos ko ng na-edit. Panigurado akong aapurahin niya ng i-computerize at ipa-book bind.
"Nakita mo ba si Taylor?"
Tanong ko kay Maureen at pagkuwan ay itinuro ang dalawang mag-asawa na kalalabas pa lamang ng principal's office. Anong ginagawa ng mga magulang ni Taylor dito?
"Tita, tito? Anong ginagawa niyo rito?"
Tanong ko na naging dahilan ng pagbaling nila sa isa't-isa. Kasunod non ay ang pagdukot ni tita Lani sa bag niya at pagkuwan ay isang notebook ang inilabas niya. Diary ni Taylor?
"Ipinapabigay nga pala ito ni Taylor sayo. Sabi niya alagaan mo raw ito ng mabuti, alam mo naman siguro kong gaano niya ito pagtuunan ng pansin diba? Sige Gus, mauna na kami"
Aniya at mabilis na umalis sa lugar na iyon habang ako naman ay naiwang nagtataka at nakatingin sa diary na ibinigay sa akin ni tita Lani.
Hindi ko alam pero parang may iba sa inasta nila, hindi ko nga lang maipaliwanag kung ano.
"Hi Diary! Today you're gonna welcome Agustine Faren, he's going to be with us everyday. Try to calm down because he's my best friend and will forever be my best friend. You know what, I will never forget him even the slightest personality he had since the day we met. I am so thankful that he became a part of my life which also leads to gratefulness because finally, I met my idol, the novelist who never gets tired of telling all the good things about writing. Years haven't been so fun since I met him, Gus is one of a kind and I will never get tired of telling the whole world that he's such a great novelist.
Gus, I'm sorry if I didn't tell you that I was diagnosed with cancer. Before the semestral break, we did a lot of operations and check ups if there's any solution for this. But the doctors said, it's too late! Cancer has already eaten large parts of my body, sooner or later I will be just a dust mixing with the wind. I am now here at the ICU and I cannot say if it takes a day or maybe later, my life will ended.
Please Mr. Faren don't think that you lost the will to write because I could feel that it's still inside of you. The fire is still burning and you're just afraid to find it because you think you're not good enough for writing those stories. Yes, you're gonna get tired of doing what you love, actually everyone of us gets tired, but don't give up because I didn't. I believe that writing stories is your passion, it's kind of talent that God has given you so don't try to ruin that.
Keep the fire burning. Keep the blood flowing. Keep the passion live inside of you. See you again, Mr. Agustine Faren! My favorite novelist!"
2:30 ng umaga nang bawian ng buhay si Taylor. Gustuhin ko man na pumunta sa ospital at magpaalam sa kanya kahit sa huling sandali ay ayokong biguin ang pangako ko sa kanya. Oo at mahal ko siya higit pa sa kaibigan, binago niya ako, binago niya ang pananaw ko bilang isang nobelista. Dahil sa kanya ay bumalik ako sa dating ako at dahil doon ay walang kahit na sino ang mas lalagpas pa sa ginawa niya.
"Pupunta ka ba sa libing ni Taylor?"
Tanong sa akin ni Ace kasunod non ay ang pagsakay ko sa kotse niya.
"Pakidalian nalang baka nagsimula na ang ceremony"
Mabilis niyang pinaandar ang kotse at sa ilang minuto nang pagbiyahe namin ay nakita kong tapos na nga ang ceremony at halos nagsisialisan na ang mga tao. Nagpalipad na rin sila ng mga puting lobo na mataman lang naming tinitigan ni Ace. Aktong lalakad na sana ako papunta sa pinaglibingan kay Taylor ay siya namang pagsalubong sa akin ni tito Rony, may hawak-hawak siyang puting lobo at nakangiting ibinigay iyon sa akin.
BINABASA MO ANG
The Triumphant ✔ (Episode 1)
NouvellesTHE NOVELIST SERIES # 1 Isang manunulat si Agustine pero bigla na lamang nagbago ang lahat ng iyon sa isang kisapmata. Napagdesisyunan na rin niyang huwag ng ipagpatuloy pa ang nasimulan pero sa pagdating ng isang kaibigan ay nagbago ang takbo ng ta...