Mga Magaganda't Gwapo na lang ba ang may happy ending at forever love? Kami din kayang mga mukhang gusgusin, nerds at higit sa lahat panget
Tignan at abangan niyo! ang istorya ng pagmamahal ko ay matatawag na True Love.
Hindi kayo naniniwala? Pwes basahin niyo na lang ng malaman niyo, baka sa bandang huli ako ang pakasalan niyo
..
Moreno ako
Malabo ang mata, mataas ang grado ng mga ito
may mga bakal sa ngipin
at may mga peklat ng bulutong sa pisngi
in short
Gwapo ako
hindi kayo naniniwala? Wag kayo mag alala,ako din naman. Nangangarap lang naman, hindi naman masama yun. Hindi katulad ng ibang Gwapo diyan na kilala niyo, gwapo na nga -mayabang,babaero, manyak, at boploks pa ang utak. Buti na lang binawian sila sa mukha kundi baka kawawa naman, baka masapawan ko pa sila ng lagay na yan
Palaging sinasabi sakin ng nanay ko "anak lagi mong tatandaan, wag kang haharap sa salamin, masyado kang gwapo kaya pag tinignan mo ang sarili mo dito ay baka matuwa ka masyado at maging mayabang. Ayaw ni nanay ng ganun, kaya wag na wag ka titingin sa salamin. Gwapo ka anak" ginawa ko naman yung sinabi ni nanay sakin, pero nung nagkakaisip na, natauhan ako, malabo pala ang mata ni mama at inuto niya lang ako simula pa noong una
Naghagilap ako agad ng salamin sa bahay kaso wala, tinapon na ata ni nanay yung mga salamin namin. Dali dali akong lumabas ng bahay at pumunta sa jollibee, malapit lang to samin. Pumunta ako agad sa CR pag pasok ko, may salamin kasi ang mga CR diba? at nagulat ako
Malalalim yung mga peklat ko nang bulutong sa pisngi ko,
ang pangit ng ngipin ko kaya ipinabrace ito ni nanay, may sungki. Hindi siya maganda tignan,
Tapos yung grado ng salamin ko ang kapal masyado kaya parang luluwa yung mata ko
Hindi ko nagustuhan yung nakita ko..simula nung bata ako pinaasa ako ni nanay na magandang lalaki ako
pero nagtiwala ako sa sarili ko. Lumabas na ako ng jollibee ng may makabunggo akong babae, maganda at simple siya
"Araaaay!" sabi neto at lumingon sakin
"Ano ba yan! Hindi na nga gwapo, hindi pa tumitingin sa daanan!" medyo pasigaw niya at umalis na, may ibang nakatingin sakin na nakarinig nung sinabi nung babae, may mga nagbubulungan pero rinig ko naman
"Hindi nga gwapo"
"Ang chararat naman niyan"
"Ew ang panget"
"So nerd"
"Wag ka nang lumabas nang bahay niyo!"
"Imposibleng mag ka girlfriend yang tulad niyan"
Ano kala niyo sakin binge? daig niyo pa naka microphone sa pagcocomment niyo!
kahit gusto ko sabihin yan, hindi ko magawa, first time ko kasi napahiya ng ganto, at tinanong na lang ang sarili ko
"Hindi daw ako Gwapo?" pwes makikita niyo! Papatunayan ko sa inyo na ang isang katulad ko, magkakaron ng madaming chix at magkakandarapa sakin ang mga babae sa itsura kong ito!
Pero guys, hinay hinay lang ha? Ayoko kasi ng na eexpose yung unique face ko, kaya wag niyo ako masyadong tignan ha? Minsan naiilang ako eh, tyaka nga pala, isa isa lang sa pagpapapicture at paghug ha? Alam ko gusto niyo akong tsansingan pero may respeto naman ako sa babae, kaya dapat lay low lang ha?
Wait girls! Magpapakilala pala muna ako
Ako si Gipoto Sebastian, ang gwapo ng pangalan ko no? bagay na bagay sa may ari. Napansin niyo ba kapag nirumble yang pangalan ko ang kakalabasan 'Pogi to' tsk sabi sa inyo guys, ginagawa pa lang ako alam nang gwapo eh, sorry humble ako pero ano bang magagawa ko? Hindi naman mapag kakaila sa mukha pa lang diba? I love you fans!
••••••••
AN: Chapter2 is coming soon (*¯︶¯*)
BINABASA MO ANG
Hindi daw ako Gwapo? (ON HOLD)
Humor"Papatunayan kong hindi kailangan ng Make-over o kung anong operasyon sa mukha ko kasi ako ay isang Tunay na Gwapo" •UNEDITED VERSION• Pardon for the WRONG SPELLING AND GRAMMAR ≧▽≦y