Nakapag-mahal knb ng taong kakumpetensya mo sa lahat ng bagay?
Yung tipong lahat ng gusto mo ay yung ayaw niya?
Alam ko yung iba sa inyo ay hindi matitiis na makasama ang taong lagi mong kalaban.
pero paano kung dumating ang araw.....
na maramdaman mong .....
kaya kayo nag-aaway ay dahil mahal niyo ang isat-isa!!
Si Nadine ang laging ClassPresident ng Section A. Matapang, matalino at puno ng lakas ng loob. Sabi nga nila siya ang reincarnation ni Gabriela Silang. Yung tipong papatay at kakainin ka ng buhay.Wala siyang hinangad sa buhay kundi ang lagi maging mataas sa lahat.
Pero sa buhay niya mayroon taong laging nagpapataas sa dugo niya.....
at 'yun ay si....
James ang laging Vice-President. Matalino, mayaman at gwapo. Lahat ng babae ay pwede niyang makuha pero kahit isa ay wala pa siyang napipiling maging GF. Kagaya ni Nadine wala rin siyang iba pang pangarap kundi ang maging Presidente.
Hindi magkasundo ang dalawa simula pa noong elementary hanggang High School, lalo na sa darating na School Presidential Election.
Dadagdag pa ang buhol buhol na takbo ng kani -kanilang buhay at makukulit na barkada.....!!!
Paano pa sila magkaka-aminan?