Chapter 3: Love me Hate me!

121 6 3
                                    

"Good Morning, Miss President! Napahaba ata ang tulog mo? I'm sure ako na naman ang bida sa panaginip mo." Bungad na kantiyaw sa akin ni James ng lapitan ko siya sa Meeting Hall.

As usual he looks great, but everytime na makikita ko siya may something weird akong nararamdaman.

Hindi naman ung JEBS level ha!

"Kapal mo! Kung ikaw ang napanaginipan ko, malamang nasa morgue na ako ngayon dahil sa pagkakamatay sa bangungot!"Bulyaw ko sa kanya.

"Ang totoo namatay ka dahil sa kagwapuhan ko!" Balik niyang sigaw na may kasamang pag-ngisi.

Kainis!

Naisahan niya ako dun!

Bakit ang hilig niyang mang-asar? Hindi na kami batang musmos sa kalye. Hindi pa rin ba siya makapag-move on sa palagian niyang pagkatalo?

"Ano suntukan nalang tayo." sabi ko sabay pose ng ala Manny Pacquiao. Hindi ko siya hahayaan na malamangan ako ng ganun lang. Ang sigurado ako na hindi siya papatol dahil babae ako.

Lumapit siya at hinawakan ang kamao ko sabay tapat nito sa dibdib niya. :Ito na lang ang suntukin mo, sanay na ito sa'yo." marahan niyang sambit with feeling.

Anong arte niya?

Ano ito love story?

I'm sure nang-aasar lang siya!

May something akong na fefeel again, but this time iba na. I need to go to the restroom. Sasabog na ang pantog ko. Tinaboy ko ang kamay niya sabay takbo. Wala na akong paki kung ano ang hitsura ko. Basta run ala Lydia De Vega ang peg ko.

Pero

May nangyari na hindi ko inaasahan.

Lord, Bakit nagyon pa?

Mabait naman ako diba?

Nadapa ako sa isang maliit na bato at napa-upo sa putik. Bakit naman kasi may bato dun. Ang siste pa, maliit lang. Nagmukha tuloy akong tanga.

OMG! 

Nagsimula ng magtinginan ang buong madla sa school. Kitang kita ba naman nila ang pag-dive ko sa mud. 

"Are you okay?" tanong sa akin. Kasalukuyan akong nakayuko at hirap pang tumayo tapos makaririnig ka ng tanong na pang tangga. Mas lalo tuloy nag-init ang bumbunan ko. 

"Sa tingin mo okay ako? Ikaw kaya ang ilublob ko dito!" sigaw ko sabay tingin paitaas sa nagtanong sa akin. Laking gulat ko at napanganga ako. 

NO WAY!

"BHRIX ZARAGOSA!" sigaw ko.

Ito ung moment kung saan gusto ko nang mag-pakain sa lupa at maitago lang ang face ko. Pwede rin namang kunin na ako ng alien at dalhin sa planet nila. Choossy ako kaya si Mateo Do lang ha!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 26, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Vote to Love You (JADINE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon