Chapter 2 : My Life

139 12 0
                                    

 

Pagpasok ko pa lang sa bahay, ibinato ko ang bag sa sofa namin. Naasar kasi ako kay James. Gusto ko siyang ilagay sa sako at itapon sa Pasig River.

"Nadine, what's wrong with you? May naka-away ka ba ulit sa school?" bungad na tanong ni Mama habang may hawak na mixing bowl at naghahalo.

"Ma, hindi ba pwedeng  kumustahin niyo muna ako. Pasaway na talaga ang tingin mo sa akin." himutok ko. Nasanay na kasi siya sa madalas na pagpapatawag sa kanya ng principal sa school. Hindi dahil pasaway ako, kundi sa dami ng ipinaglalaban ko. Ganun 'ata kapag president ka sa buong school life.

Eh sa gusto maging ayos ang lahat eh! Bakit may angal ka?

Ibinaba ni Mama sa mesa ang hawak. "Akuchikuchi baby." lumapit siya at pinisil pisil ang pisngi ko. Sumobra naman siya sa pagbebeybi sa akin. Hindi ako only child pero nakasanay niya na. "Ma, hindi na ako beybi! Baka makita ka ni Nami, mang-aasar na naman 'yun." 

Si Nami ang makulit kong bunsong kapatid. 2nd year na siya at nag-aaral din sa Minhon High. Lagi akong kinukulit nun at inaasar pa. Kung hindi kami magkapatid, iisipin kong may ADHD siya. Lalo ko siyang kinainisan dahil sa BFF niyang si Bryan, na bunsong kapatid ni James.

Tambay sa bahay ang dalawang 'yun. 

Tulad ng kuya niya, gwapo at matalino rin siya. Ang pagkakaiba lang, mabait ito at hindi mapang-asar na kabaliktaran ni James.

"Sige na. Hindi ka na beybi." Bumalik na si Mama sa mesa at muling kinuha ang mixing bowl. "Pagkatapos mong magbihis. Tawagin mo na si Nami para makapag-hapunan na tayo." 

 "Sige po. Ano bang ulam natin?" tanong ko.

"Gising-gising at pritong galunggong." tugon ni mama.

"Eh, ano 'yang hinahao mo sa mixing bowl?" pagtataka ko.

"Ito ba? Para ito sa kapatid mong si Nami. Alam mo namang ayaw niya sa isda at gata." 

Sus, paspecial naman si Nami. Akala mo naman kasing ganda ko.Umakyat na ako. Pumasok sa kwarto at nagbihis na. 

Nakakapagod ang araw na ito. At lahat ng iyon ay dahil sa halimaw na si James. Humilata muna ako sa kama at nag-inat-inat. Pagkayakap ko ng paborito kong unan na si Stacy, nakatulog ako. Pati ang unan ko may name dahil lagi ko itong kausap kapag naiinis ako kay James.

 ----o---

"Ate, gising na!" pinagkukurot ako ni Nami sa braso. Hilig niya 'yan kapag ginigising ako. Ewan? sadyang may pagkasadista siya.

"Ano ba! natutulog yung tao tapos inaabala mo!" sigaw ko sa kanya. 

"Ate, sabi ni Mama. Inutusan ka lang niya para tawagin ako tapos natulog ka na!" nabapangon ako ng maalala na hapunan na pala. Pero teka, bakit maliwanag?  at mataas na ang sikat ng araw. Gabi na, dapat madilim na.

"Nami, bakit maliwanag?" pagtataka ko habang pumupungas-pungas pa.

Vote to Love You (JADINE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon