Pansamantala

2K 29 0
                                    

Naranasan mo na bang maging unan kapag malungkot sya?
Maging kumot sa tuwing gusto niyang may kayakap siya?
At maging panyo tuwing umiiyak siya?
In short,naranasan mo na bang maging PANSAMANTALA?

Kamusta ka?
Ako nga pala yung nandyan sayo nung nasasaktan ka
Ako nga pala yung nagpapasaya sayo kapag malungkot ka
At ako nga pala yung "kaibigan" mo na handang damayan ka

Oo kaibigan,,,Kaibigan mo lang ako
Pero diba pag nasasaktan ka sakin ka tumatakbo
Sa tuwing malungkot ka, ako yung Clown mo
Pero nararamdaman mo kaya ang nararamdaman ko???

Nararamdaman mo kayang nasasaktan ako kapag magkasama kayong dalawa?
Nakikita mo ba na pilit ang ngiti ko tuwing sya ang bukambibig mo,
Pero ako yung kaharap mo?
Nararamdamn mo kayang,,,
May gusto ako sayo?

May gusto ako sayo pero bakit ang manhid mo?
Ako yung nandito para sayo pero sya yung nasa isip mo?
Ako yung kaharap mo pero sya yung bukambibig mo?
Ako yung nagmamahal sayo ng to too pero sya parin yung nakikita mo

Hindi mo nakikita yung effort ko para sayo
Dahil yung
kanya lang ang nakikita mo
Ano bang kailangan kong gawin para mapansin mo..?
Mapansin mo yung nararamdaman ko
sayo

Minsan tinanong kita kung ano ba talaga ako sayo?
Sabi mo"Bess ano ka ba naman,diba nga magkaibigan tayo"
Kung alam mo lang, isang daang beses sinaksak ang puso ko non
Nung sinabi mo ang mga litanyang pumatay dito....
Dito sa puso ko

Pero alam mo bang nagsisi rin ako
Nagsisi ako na sana hindi na lang ako nagtanong pa sayo
Nagsisi ako na sana pala sinarili ko nalang yung tanong ko
Dahil alam ko namang Pansamantala mo lang ako

Pero Ito lang ang hihilingin ko sayo
Sana wag mo syang iwan katulad nung iwan mo ako
Wag mo syang saktan
Katulad ng pananakit mo sa damdamin ko

Alam ko namang tanga rin ako
Nagpakatanga ako sayo
Nagpakatanga ako kahit alam kong magkaibigan lang tayo
Nagpakatanga ako dahil minahal kita ng todo

Sana magtagal kayo
At ako magiging masaya nalang siguro ako sainyo
Pero wag mo paring kalimutan na...
Nandito parin ako kahit bilang Pansamantala mo...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 17, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tagalog Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon