Fangirl/Fanboy

3.7K 54 3
                                    

Hi! Kamusta ka?
Ako nga pala ang iyong tagahanga
Tagahanga mo sa lahat ng bagay na iyong ginagawa
Pero hindi ko akalaing mamahalin kita...

Mamahalin kita higit pa sa Tagahanga

Alam kong isa lang ako sa milyon-milyong sumusuporta sayo
Isa lang ako sa milyon-milyong tagahanga mo
Isa lang ako sa milyon-milyong taong nagiging inspirasyon kayo
At isa lang ako sa mga Tao na sa ating dalawan na Nagmamahal sayo

Nagmamahal sayo hindi bilang idolo
Nagmamahal sayo hindi dahil gusto ko
Minahal kita dahil yun ang nararamdaman ko sayo
At mamahalin pa kita hanggang dulo

Pero alam mo ba kapag may nangba-bash sayo
Nagagalit ako
Hindi siguro nila alam na Tao rin kayo
Nasasaktan din kayo sa mga salitang binibitawan nila sa inyo

Mga salitang wala namang kakwenta-kwenta
Mga salitang hindi naman kailangang sabihin pa
Mga salitang alam nilang makakasakit pero ipinagpapatuloy pa
Mga salitang hindi niyo na sana sinasabi pa
Dahil nasasaktan din naman sila

Pero alam natin na sa huli ang ating idolo ay magkakaroon ng pamilya
Magiging masaya at makabuluhan ang kanilang pagsasama
Magkakaroon ng mga anak at mamumuhay ng sama-sama
Pero sana...

Sana wag niyong kalimutan na nandito kami kung may problema
Wag niyong kalimutan ang mga taong sa inyo ay sumusuporta
At sana wag niyong kalimutan ang mga taong sa inyo ay nagmamahal at magmamahal pa

Siguro hanggang dito nalang ang aking tula
Nagmamahal ang iyong Tagahanga

Tagalog Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon