Naranasan niyo na bang humiling na sana Ikaw nalang sya?
Sana ikaw yung kasama niya at hindi siya?
Sana ikaw yung nakakapagpasaya sa kanya at hindi Siya
Pero naisip mo na "Siguro hanngang Sana nalang talaga ako at hindi magiging SiyaSa bawat araw na nakikita ko kayo
Pakiramdam ko nadudurog ang puso ko
Pero sabi ko wala naman akong karapatan...
Karapatang masaktan sayo,at umiyak sayo
Kasi hindi naman tayo...Minsan nga naiisip ko "Napapansin mo kaya ako"?
Yung tipong lilingoin ka lang kahit isang segundo
Tapos siya na ulit yung pagmamasdan mo
Pero alam kong malabong mangyari yon..Dahil sya lang ang nakikita ng mga mata mo
Napapansin mo at higit sa lahat "Minamahal mo"Pero sana wag dumating yung araw...
Yung araw na saktan ka niya at ipagpalit ka sa iba
At yung araw na sisirain mo ang buhay mo dahil lang sa kanya
Dahil nasasktan ako kapag sinasaktan ka niyaSiguro nga masaya ka talaga sa kanya
At wala na talaga akong pag-asa pa
Sana maging masaya kayo at magtagal pa
Sana maging masaya ka kahit hindi ako syaAt ako? Pipilitin kong maging masaya para sa Inyo
Pipilitin kong mag move on kahit hindi naman naging tayo
At kapag dumating yung araw na wala na akong nararamdaman pa sayoSigurado akong magiging masaya na ako sa inyo
Nang wala ng Hinanakit sa Puso
![](https://img.wattpad.com/cover/127143578-288-k260426.jpg)
BINABASA MO ANG
Tagalog Spoken Poetry
PoesíaPara sa mga taong may mga pinaghuhugutan hahaha.. Hope you like it my Spoken Poetry.. Kung may makita man kayong mga typo error SORRY NA AGAD.