HEART POV'SSATURDAY MORNING..
Tok..
Tok..
Tok..
Nagising ako dahil sa magkakasunod na katok ang sarap ng tulog ko bakit ba istorbo sila. Bumangon ako para pag buksan ng pinto kung sino man ang kumakatok nayun.
" Tita." i said. Si tita kapatid siya ni mama si tita ang kasama ko dito sa bahay dahil si mommy ay nasa korea para mag trabaho si papa naman ay may iba ng pamilya. Bukod kay tita may apat na katulong pa kameng kasama dito at isang driver.
"Buti naman at nagising kana maligo kana at mag ayos dahil ngayon darating ang kuya mo." tita said.
"Shocks. I forget tita what time po ba ang dating ni kuya."
"10am ang dating niya. It's already 8am kaya dalian mo na diyan para bago kayo umalis ay makakain kamuna." pagtapos sabihin ni tita yun ay bumaba na siya.
Ngayon nga pala ako susundin ni kuya. Mabilis akong kumilos at nag ayos Jeans Black shirt and converse shoes ang suot ko. Mahilig ako sa ganitong suot nakasanayan ko nato hindi tulad ng iba na mahilig sa dress. Hindi rin ako nag lalagay nang kung anong colorete sa mukha ko dahil feeling ko nangangati ako.
Pagtapos kong mag ayos bumaba na ako at naabutan ko si Tita na nasa dinning area na at kumain.
"Umupo kana at kumain." tita said habang kumakain.
Umupo ako at nagsimulang kumain. Bacon egg hotdogs Friedrice and bread lage ganito ang nakaahin tuwing umaga hindi ba sila nag sasawa.
"Heart wag kang pasaway doon. Baka gumaya ka sa kuya mo alam mo namang pasaway yun kaya ka doon mag aaral dahil gusto ng mommy mo ay mabantayan mo siya" sabi ni Tita.
"Tsk malaki na si kuya hindi na kailangan bantayan tita. " sagot ko habang kumakain ng Bacon.
"Malaki na nga ang kuya mo pero hanggang ngayon pasaway parin." sasagot pa sana ako pero biglang may nag busina ng malakas sa labas.
"Maam nandiyan napo si Sir."sabi ni yaya.
"Buti naman. Yaya pakikuha nga ang mga dadalhing gamit ni Heart sa kwarto niya."utos ni tita kay yaya.
"Goodmorning lady's" sigaw ni kuya pagpasok niya. Lumapit siya sakin at ginulo ang buhok ko.
"Ano ba kuya! Kainis naman to e." nakasimagot kong sabi sakanya habang inaayos ang buhok ko.
"Aba si tomboy consious na sa buhok niya." lumapit siya kay tita at humalik sa pisngi.
"Yah! Hindi sabi ako tomboy." sigaw ko sakanya
"Hindi daw pero yang porma mo pang lalaki hindi pa ata kita nakitang nag dress." sagot niya saken.
"Hindi porket hindi ako nag susuot ng ganoon ay tomboy nako mas komportable lang talaga ako sa ganitong suot." sigaw ko ulit sakanya.
"Tumahimik na nga kayo. Magsasama kayo sa isang apartment at school baka mag away lang kayo palage. Ikaw Yce wag mong tinatawag na tomboy ang kapatid mo ganyan ang gusto niyang pananamit hayaan mo siya at ikaw naman Heart wag mong sinisigawan ang Kuya mo." suway samen ni tita.
Tinignan ako ni kuya at dinilaan kaya sinamahan ko siya ng tingin umupo nadin siya at nagsimulang kumain. Bumaba na si yaya bitbit ang isang malate. Pagtapos namen kumain pumunta na kame sa sala nagpahinga saglit at saka lumabas para umalis inilagay ni yaya ang malate ko sa likod ng kotse ni kuya Yce. Buti pa siya may kotse niya samantalang ako wala pa unfair talaga si mama. Tsk.
BINABASA MO ANG
Complicated Love
Ficção AdolescenteIsa.Dalawa.Tatlo.Apat.Lima.Anim at Pito. Yan ang bilang ng mga lalaking magiging parte ng buhay ko. Pero sila nga ba ang Lucky Charm ko o Magdadala ng Bad Luck sa tahimik at simpleng buhay ko. Isa.Dalawa. Dalawang babaeng inakala kong hindi ko kail...