"I want the words you're afraid to say-- the lonely ones you keep hidden in between the folds of your heart."
Monday // June 13, 2016
First day of classes at hindi na ako makapaghihintay na matapos ang school year!
"Class dismissed!"
Nakasimangot na inayos ko na ang mga gamit ko. I sighed dahil terror talaga mga bagong teachers namin. Biruin mo, first day na first day may recitation?
Like paano po namin malalaman mga topics na iko-cover eh di pa po kayo nagbibigay ng syllabus...
Anyway, imbes na mabadtrip, tiningnan ko na lang ang mukha ko sa compact mirror. Maganda pa din hahaha! Kaso nakaka-oily talaga yung Chemistry...
"Sadie!" Umupo ang friend kong si Aimee sa tabi ko. "Badtrip?" Natatawang tanong niya.
I rolled my eyes. "Yes, because I freaking hate Chemistry..."
"Ha? Eh nasagot mo naman yung tanong ni Sir..."
"Kahit na! I was caught off guard. Akala ko ba naman chill lang first week." Napapailing na wika ko. "Lunch sa caf?"
Tumango naman siya. "I'll just phone up Freya, Lexi and Kara." Nilabas niya ang phone niya. "Oh, nagreserve na pala sila Marx ng table para sa atin." Nakangiting wika niya.
Marx is her... how can I say this nicely? Boytoy.
"Oh sure, I'll be there."
"Aryt. Bilisan mo ah?" Nakangiting wika niya.
'As if'
"Sure."
I checked my phone, 3 message(s). I opened the one from my mom.
"Hi princess! Good luck on your first day."
2 message(s) at ni isa doon walang galing sa boyfriend ko... Napabuntong hininga ako.
Why do I feel like obsessed na ako kay Wes? Di naman ata tama yon...
The other messages were from two Seniors, asking if I'm free tomorrow.
'Assholes, parang di nila alam na boyfriend ko na si Wesley, wala man respeto?'
Tumayo na ako at naglakad palabas ng classroom. Lumingon-lingon naman ako, nagbabakasakali na susunduin ako ni Wes... ganoon naman mga mag-on diba?
Pero as usual, wala na naman.
Napabuntong hininga muna ako bago bumaba sa cafeteria. Marami akong kakilalang bumati at nginitian ko naman sila, wala talaga ako sa mood hay...
Habang naglalakad, nakita ko si Wesley na nakikipagtawanan sa mga kaibigan niya. Malapit sila sa pinto papuntang cafeteria, nakangiting nilapitan ko naman sila.
"Jigz, Miguel, hi!"Masayang bati ko sa mga kasama niya bago ko siya nakangiting nilingon, "Hi Cupcake!"
Natatawang binati rin ako nila Jigz bago ngumisi si Wesley sakin.
"Hi Cupcake..."
Naramdaman ko na naman ang mabilis na pagtibok ng puso ko habang nakatingin sa nakangising mukha niya. Nakakainis! Ako dapat mang-aasar pero parang ako pa din nahihiya...
"Magla-lunch kami nila Aimee, naglunch na ba kayo?"
Tumango naman siya. "Maaga kami dinismiss eh..."
Ngumuso naman ako, "Okay. Una na ako."
Bago pa ako makalayo ay hinila niya ang braso ko, napalingon naman ako sa nakangiting mukha niya.
YOU ARE READING
Rebounding with The Bad Boy
RomanceI've always had the perfect life. Or so I've believed. In my 17 years of existence, I've had everything any girl would have wished for; a wealthy and loving family, a handsome and popular star-player boyfriend, a clique of the wealthiest and snobbie...