Wrong Love (Part 2)

489 28 26
                                    

The other side of the story. 💖
--

"Hi." Sabi ko agad pagdating ni Marco. Andito kami ngayon sa coffee shop kung saan kami palagi nagkikita ni Edward. Hindi ko tuloy alam mararamdaman ko. Baka bigla ko kasi masabing nag-uusap at nagmemeet pa kami. Lagot.

"Hello. Kumusta?" Sagot niya. Ang normal naman. Lagi na niyang tanong yan.

"Okay lang. Ikaw?" Sabi ko rin. Wala eh. Ano bang isasagot ko diba? Oo, gusto ko si Marco pero mukha naman kasi siyang bored lagi pag kausap ako.

"Good. Order tayo?" Diba? Parang kinakabahan pa ako sa pag-uusapan namin pero mukhang wala din naman.

"Sige. Ikaw bahala." Ganto lang ba kami buong gabi? Psssshh. Sa text naman at chat okay kami ah? Bakit kaya?

"Friends na pala kayo ni Edward sa Facebook ah? Nagchachat ba?" Tanong niya. Grabe naman, parang pulis! Tama nga yung sabi ni Edward saakin na palaging updated to sakanila nung isa pang best friend nila.

"Ay oo, inadd ko. Chat? Hindi naman. Bakit?" Pagsisinungaling ko.

"Wala lang. Sociable kasi yun eh." Sagot niya naman. "Kabaliktaran ko." Well, totoo naman. Bakit nga ba si Edward ang pinag-uusapan kasi?

Nagpatuloy lang kwentuhan namin tungkol sa mga walang kwentang bagay. Natatawa din naman ako sa mga hirit niya pero napapakumpara ako bigla sa epekto ni Edward saakin. Bakit ganun? Siguro nasanay lang kasi ako na siya ang kasama. Wala lang yun.

"Baka isnabin mo na ako pag nasa abroad ka na ah?" Nagsalita si Marco sa sandaling pananahimik namin.

"Di naman. Baka ikaw. Aalis lang ako saglit tapos wala na." Seryosong sagot ko. Kasi naman, sa totoo lang, natatakot akong sumugal sakanya. Unstable kasi. Minsan andyan ipaparamdam sa'yo na mahalaga ka, minsan wala. Ang gulo niya.

"Kaya naman natin diba?" Tanong niya.

"Ang alin?"

"Long distance." Sabi niya. Nagulat ako ng bahagya. Bakit niya ba tinatanong to? Ano ba kami, ha? Hindi niya man lang nga nabanggit na gusto niya ako. Puro paramdam na hindi naman ako sigurado.

"Ahhh." Sabi ko nalang. Hindi ko alam.

"Lagi kang magmemessage ha? Iaadjust ko body clock ko para lagi parin tayong magkausap." Pagtuloy niya. Hindi parin ako makapagsalita.

"Wag kang mag-alala. Aantayin kita. I'll wait for you. Balik ka agad, ha?"

"Sus, 6 months lang naman. Arte." Sabi ko nalang. Ang aga pa para sabihin yan. Pero sa totoo lang, gusto ko nang maniwala.

Sige, sa pagkakataong ito, susugal ako. Maniniwala ako sa'yo.

"Baka pag wala na ako mambabae ka?" Buong tapang kong sinabi. Tutal mukhang assurance naman ang sinasabi niya, tanungin ko narin siya.

"Ikaw lang, promise yan." Sabay ipinatong niya yung kamay niya sa kamay kong nasa mesa. Kung ano man tong nararamdaman ko, sigurado akong saya to. Masaya talaga.

"Sabi mo eh." Ngumiti ako. Wala man kaming label, alam mo naman na nagkakaintindihan kami. Yun, okay na sakin.

"Late na. Uwi na tayo." Sabay sabi niya bigla. Haynako. Alas-otso palang oh. Sabagay, lagi naman. Gusto ko pa sana siyang makasama pero wala eh, yung oras niya ang kalaban ko. Ilang araw nalang talaga, bye bye na. Mamimiss ko tong lalaking to.

Niyakap niya ako ng mahigpit.

Pag-uwi ko ng bahay, naglog-in ako agad sa Facebook para ikwento Sana sa best friend ko yung nangyari kanina. Gusto ko sanang ibalita na masaya ako, pero imbes na saya, unang bumungad saakin yung message ni Edward na nagdulot saakin ng kaba.

Expectations vs. Realities (MayWard)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon