"At may gana ka pa talagang pumasok? Ganon na ba kapag anak ka ng may-ari ng Gremory University? Dapat kase pinaparusahan ka. Alam mo yung feeling na gumigising kami ng maaga, kase konting late lang mapapagalitan ka na, pero ikaw. Ghad! Unfair ah!"
Kanina pa talak ng talak si Blair, ngunit di ko pa rin siya pinapansin. Blair Wright is my best friend since God knows when. She was my substitute pag wala ako, my partner in almost everything, at ang taong kilalang kilala na ako. Her family owns a chain of restaurants all over the Philippines, she's a spoiled brat. Her oozing hot brother just graduated from our university last year and now working as an Architect.
I was too preoccupied tungkol sa nangyari kanina kaya naman hindi ko napansin na kanina pa pala ako tinatawag ni Blair.
"Uh, I think may gustong kumausap sayo"
Nag-angat ako ng tingin, at nakita ko ang mga kababaihang miyembro ng Dance club.
"President" Sabay nilang sabi at bow saken. Tiningnan ko ang bawat isa sakanila at naghintay ng kanilang sasabihin.
"President, important matter"
Agad akong tumayo at dumiretso sa opisina ng Student Council, and yes I am the President of my own school.
"Ano na naman yan Lay, kung kaartehan iyan wala akong oras"
Lay Buenaventura. Isa sa mga pinakakinagigigilan kong estudyante dito sa Gremory. Maliban sa maarte niyang pananalita, at malditang ugali. I can sense dark aura in her. Parang may tinatago.
"President, your life is in danger. Kung maaari lumayo ka muna"