Upon hearing that word, biglang dumilim ang paligid. It was like Lay's words were a cue para magsimula ito. I saw my life flashed in front me. Wala na sana ako sa mundong ito kung nahuli lang ng konti ang paghila sa akin ni Lay.
"Protect the President! Blair, sumunod kayo kela Bliss, mageexplain ako mamaya. Just please, make sure that the President is safe!" Natatarantang usal ni Lay.
Gusto kong manlaban, ngunit parang nahigop ang buong lakas ko. Wala akong ibang magawa kundi ang magpatianod kay Blair.
Samu't-saring amoy ang naghahalo sa paligid. May dugo, may bomba may masangsang na amoy. Inilibot ko ang aking paningin upang matingnan kung anong kababalaghan ang nangyayari sa aking paaralan.
Nagtitiliang mga estudyante. Natatarantang guro, at mga guards na nagsisitakbuhan palapit sa akin para masigurong ligtas ako. Tatakbo na sana ako ngunit bigla akong natigilan nang makita ko ang kalaban nila Lay. How on Earth is that even possible?! Mga nilalang na ngayon ko lang nakita. May pana at palaso, ngunit para silang anino na nakalutang sa hangin. Deep and scary eyes, kita na ang mga buto at nanghihigop ng kaluluwa ng mga tao.
I started trembling, bat may mga gantong nilalang sa mundo?
"Zainne, let's go"
Wala na ako sa huwisyo kaya nagpatianod nalang ako kay Blair. Di ko alam kung saan kami patungo, di ko alam kung ano ang plano ni Blair, basta ang alam ko lang takot na takot ako.
"Shit"
Blair's cuss dragged me into reality. My eyes widened at the fact na nasa harapan namin ang limang nakakatakot na nilang. Kung si Cupid ay may pana at palaso na ginagamit para sa love. Samantalang, ang pana at palasong dala nila ay ginagamit nila panghigop ng kaluluwa ng mga tao.
My knees are trembling, and I'm sure Blair's feeling the same too. We are both scared and seeking for help.
One of the creatures aimed at us. Di ko alam ang gagawin ko. Parang nakikita ko na ang kahihinatnan naming dalawa. I'm just 18. Ang bata ko pa para mawala sa mundong ito.
"Clarity!"
The last thing I heard before falling into deep sleep.