Chapter 4

4 1 0
                                    


Bryle's POV

Nung nalaman kong hinimatay si Serenity agad agad akong pumunta sa clinic at pinabili ko sa nurse ang mga pagkain. Sobra akong nag alala, siguro nga dahil sa puyat kaya siya nahilo at nahimatay, pero sana naman alagaan niya ang sarili niya. Napalapit na sakin si Serenity kahit ilang araw pa lang kami nagkakilala. Komportable ako padating sa kanya, kase yung mga ibang babae pag kausapin lang ako nilalayuan ko na o kaya di ko papansinin. Pero iba si Serenity, unang kita ko pa lang sa kanya ang gaan ng pakiramdam ko.

"BRYLE! ANG MOMMY MO!" napabalikwas ako ng bangon sa kama ko at tumakbo pababa dahil sa sigaw ni Manang Helen.

Kinabahan ako ng sobra. Naabutan kong nasa sahig si Mommy at hawak hawak ito ni Manang. Shit shit shit. Wala si Daddy dahil nasa business trip siya. Inihanda ko agad ang kotse at binuhat si Mommy pasakay sa kotse.

Habang nagmamaneho ako di ako mapakali, namamawis ang kamay ko. Alam kong sa bawat segundo na pumapatak maaring mawala na sa amin si Mom, naluluha na ko pero pinipigilan ko lang dahil ayokong maging mahina habang wala si Dad dito ako lang ang pinagkatiwala niya para bantayan si Mommy.

Nang makarating kami sa Hospital agad inasikaso si Mom ng mga nurses at doktor. Lagi na kaseng andito si Mom kaya kilala na siya ng mga Doctor at mga Nurse.

"Mr.Maniego?" napatingin ako sa doctor na tumawag sa pangalan ko. Parang ayaw kong makinig sa sasabihin niya parang hindi kase maganda ang sasabihin niya.

"H-h-how is she doc?" pilit kong hindi mautal nang magtanong sa doctor pero nabigo ako.

" You know naman na may Stage 2 leukemia ang mom mo diba? These past few days mas lalong kumalat ang sakit niya sa katawan niya, at maaring di na niya kayanin sa pagdating ng panahon. Kaya kailangan niya nang magstay dito sa Hospital para mag undergo ng Chemotherapy. Di ko masisigurado kung gagaling pa siya dahil sobrang nanghihina na ang katawan niya..." napabuntong hininga ito sa mga sinabi niya "...Yung mga gamot niya hindi niya iniinom, at masyado nyang pinapagod ang sarili niya kaya mas lalong kumalat ang sakit niya. Mas lalong lumala ito, I'm sorry Mr. Maniego pero we will do our best para mapagaling siya" dagdag nito at umalis na.

Parang nagunaw ang mundo sa mga katagang binitawan niya. Alam kong kakaunti na lang ang oras o araw na natitira kay mommy. Pumasok ako sa kwarto niya, andun si Manang sa may sofa at natutulog mukhang pagod na pagod. Napatingin ako kay mom at di ko na napigilan ang sarili ko na umiyak, kinuha ko ang upuan at inilagay to sa may tabi ng bed ni mom.

Tangina. ang bading ko tangina. wala akong magawa! kung pwede lang ipasa sakin ang lahat ng nararamdaman ni mom para di na siya ganyang nasasakripisyo araw araw, humiga sa kama ng maraming bagay na nakatusok sa katawan niya, at hindi magawang igalaw ang katawan.

Kinuha ko ang kamay ni Mom at pinisil pisil ito, tumingin ako sa mukha ni mom na natutulog.

Para akong tanga na umiiyak at nakatingin sa mukha ni mommy. Akala ko sa pelikula lang na pinapanood naming sabay ni mommy ako makakakita ng ganto, pero di ko akalain na mangyayari din pala sa amin to.

Pinunasan ko ang mga luhang tumutulo sa mga mata ko "Mommy wag ka susuko ha? Matibay ka diba? You're the best mommy in the world! Pano na lang ako pag wala ka?" sinabi ko ito sa kanya, kahit alam kong wala ng pag asa, umaasa akong gagaling siya.

Iniyak ko na ang lahat at nakatulog habang hawak ang kamay ni Mom.

Serenity's POV

Patingin-tingin ako sa labas ng room nagbabaka sakaling dumaan si Bryle pero wala. Tatlong araw na kase siyang absent at hindi siya nakakapag practice ng sayaw. Nalungkot ako bigla, hindi niya din ako sinasagot sa mga texts ko at tawag. Mayroon sa isip ko na siguro busy lang siya. Sa loob kase ng tatlong araw na yun ang daming nangyari, at feeling ko wala akong kakampi.

Flashback

Papasok ako ngayon ng school nang may humarang na tatlong babae sakin. Napatingin ako dito kung sino to, Si Liza kasama ang dalawa niyang manok.

Hindi ko ito pinansin at nilampasan na lang wala kong mapapala sa kanila, at wag nilang dagdagan ang badtrip ko ngayon.

"Bastos ka ah! Wag na wag mo kong lampasan na parang hangin lang!" galit na galit ang mga titig nito at nanlalaki ang mga mata. Umagang umaga jusme naman.

Hinila niya ang braso ko at mahigpit itong hinawakan. Napa-aray naman ako sa sakit at ginantihan ang mga titig nila. Malapit na kong mainis ha

"Ano bang problema niyo?" pinipilit kong maging malumanay dahil pag sa oras na napikon ako baka kung anong magawa ko dito sa tatlong mukhang kampon ng masasamang nilalang sa balat ng lupa.

"Aba sumasagot ka na!" saad nito at dinuro-duro ang noo ko. Bobo amputek tanong yon hindi sagot, ganda ganda wala namang utak.

Itutulak niya dapat ako ng malakas ng makailag ako at tinitigan siya ng masama

"Ano lalaban ka na ha? lumaban ka saka na pag kaya mo na buto mo ha? Chupi, dadaan ang queen." itinulak niya ako dahilan para mapatumba ang mga kaibigan niya ay pinagtawanan naman ako.

Bat ganun? kayang kaya kong saktan sila sa isip ko pero di ko magawa ni pisikal, di ko kayang lumaban. Di ko kaya ang sarili ko. Naiiyak na lang ako sa mga pang aaping ginawa nila sakin. Kayang ko sila saktan pero di ko magawa.

Ngayon ko lang narealize na hindi ko pala talaga kaya mag-isa...


End of flashback....

My Last Dance (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon