Chapter 6

9 1 0
                                    

Serenity's POV

Nakalipas na ang dalawang araw pero hindi pa rin ako pinapansin ni Bryle sa tuwing lalapitan ko siya tinataboy niya ko. Ano bang mali sakin? Parang lahat galit sakin eh.

Papunta kami ngayon ni Josh sa Hall nagpatawag ng Announcement ang principal kaya naman wala nang klase ang mga panghapon

"Ano naman kaya yung iaannounce?" Tanong ni Josh na nakahawak pa sa baba niya saka nakatingin sa taas.

"Aba malay ko." Sagot ko dito at hindi na napansin at nauna na kong maglakad. Kalalaking tao kasi napakabagal maglakad.

Ang dami ng estudyanteng nandito sa Hall pero isa lang hinahanap-hanap ko. Nasa may unahan siya na upuan at tahimik na nakaupo. Hinila ko si Bryle sa 3rd row kung saan malapit at tanaw na tanaw ko si Bryle.
Tahimik lang siya at naghihintay nang magsasalita sa stage.

"Okay so, let's start." Natahimik ang lahat nang magsalita ang principal. Ang tatay ni Bryle.

"Goodmorning everyone." Bati nito, at bumati naman din kami pabalik.

"So sana wag kayo mabibigla sa sasabihin ko." Nagbulung-bulungan ang mga estudyante

"It's sad to say but my wife passed away nung nakaraang araw lang, Hindi namin inaasahan ang pangyayari pati ang anak ko ay hindi niya matanggap..." napatingin ako kay Bryle na umiiyak, hikbi siya ng hikbi.

Agad akong lumapit sa kaniya at tinapik-tapik ang likod niya, niyakap naman niya ko saka siya umiyak sa balikat ko. Masakit makita na umiiyak yung mahalagang tao sa  buhay mo.

Hinayaan ko na lang siya umiyak habang yakap yakap ako dahil sa mga oras na to kailangan niya ng masasandalan.

"Let's pray for my wife's soul. Sana manatili pa rin siya sa mga puso niyo kahit wala na siya sa mundong ito. Maraming memories na nangyari sa kanya dito sa paaralan na to..." may mga nag iiyakan na estudyante, napalapit na din kase si Mrs.Maniego sa mga estudyante dahil nung mga nakaraang taon ay palagi siyang andito, andami niyang ginagawang events halos buwan buwan may event.

"Ang mga ngiti niya na hindi ko makakalimutan, mga tawa niya na masarap pakinggan, ang pagsusungit niya sakin araw araw at wagas na pagmamahal ay hinding hindi ko makakalimutan. Honey, sana masaya ka kung nasaan ka man ngayon. Maraming salamat sa lahat. Ang bilis kang binigay ni God sakin pero ang bilis ka din niyang kinuha. Mahal na mahal ka namin." At napahagulgol na ang principal inalalayan naman siya ng assistant niya para maupo.

Umiiyak pa rin si Bryle hanggang ngayon, yakap yakap niya pa rin ako at ramdam kong basang basa na ang uniform ko.

"Bryle, tahan na. Nandito lang ako palagi. Malalampasan mo din yan, cheer up lang." Saad ko at inilayo ang ulo niya sa balikat ko, tumingin siya ng deretso sa mata ko at ngumiti naman ako sa kaniya. Mugtong-mugto na ang mata niya halos wala na nga siyang mata dahil namamaga na ito. Hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi niya at saka hinalikan sa noo.

Yun kase yung ginagawa sakin ni kuya tuwing naddown ako.

"T-thank you.."  nauutal na sabi nito hinahagod ko ang likod niya ay napangiti ako.

Napansin kong kaunti na lang ang mga estudyanteng nandito sa hall, nahimasmasan naman na si bryle at tumayo na. Pilit siyang ngumiti pero may mga luha pa rin na tumutulo sa mata niya. Napatayo na din ako at pinunasan ang mga luha niya.

"Ano, tara na? Kailangan ka na ng mommy mo sa inyo." Ngumiti ako at ngumiti din siya, nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko saka ako hinila papuntang parking.

Dismiss na ang klase hanggang sa pang hapon anunsyo ng Assistang ng Principal,para daw sa mga gustong makiramay kay Mrs.Maniego

"Kaya mo bang magdrive?" alalang tanong ko kay bryle, tumawa siya ng mahina. Aww, i miss those laugh.

"Hindi naman ako pilay o may sakit okay? I'm just fvcking sad." sabi nito at sumakay na sa kotse. Napakibit balikat na lang ako saka sumakay na din sa kotse niya. Di ko kase dala yung kotse ko, sinusundo kasi ako ni Josh.

Nang makabit ko na ang seatbelt ay bigla niyang hinawakanang  kamay ko, hinayaan ko na lang siya kung saan siya masaya. Habang nagddrive hawak niya pa din ang kamay ko,bibitawan niya lang ito kapag kakambyo siya. Napapangiti ako ng palihim, pinisil-pisil niya din ito.

Magiging okay din ang lahat Bryle, malalampasan mo din ang lahat ng to,pagsubok lang to Bryle. Nandito lang ako palagi sa tabi mo.....

..hinding hindi kita iiwan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 06, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Last Dance (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon