Copyright © 2014 MissErsheez. All rights reserved.
Bata pa lang ako, namulat na ako sa katotohanang hindi na anak ang turing niya sa akin.
"Ba't 2nd honor lang?! Pinapaaral kita hindi para maging salutatorian lang!"
"S-Sorry po, papa. T-Talagang magaling lang po kasi yung valedictor—"
"Yan! Lagi nalang yan ang rason mo! Di mo pa kasi aminin na bobo ka talaga!"
Bata pa lang ako, alam ko nang wala akong kwenta sa kanya.
"Oy ikaw! Tapos ka na ba sa gawaing bahay?"
"P-Po? H-Hindi pa po, papa—"
"Hindi ka pa tapos jan?! Wala kang kwentang tao!"
Bata pa lang ako, alam ko nang pabigat lang ako sa kanya.
"Nasasayang lang ang pera ng pamilya dahil sayo!"
"Sorry po, papa..."
"Sorry? Anong magagawa ng sorry mo?!"
Dahil bata pa lang ako, hindi na niya ako mahal.
"Sana hindi na lang kita naging anak!"
Ano bang nagawa ko at ganito siya sa akin? Kasalanan bang nabuhay ako sa mundong ito bilang anak niya? Kung oo, bakit kailangan pang ipamukha na wala akong kwenta? Bakit kailangan pang pahirapan ako ng sobra?
Minsan, tinatanong ko ang sarili ko...
Masama bang humingi ni katiting ng pagmamahal mula sa kanya?
Ako nga pala si Mae Ann.
At ito ang aking kwento.
*****
"Oh? Tulala ka nanaman jan? Kung nagreview ka para sa nalalapit na entrance test mo? Kahit kailan talaga, napakatamad mo." Bungad sa akin ni papa pagdating niya ng bahay. Alas dose na ng madaling araw, pero nandito parin ako sa living room. Hinihintay ko kasi siyang dumating.
"Nandito ka na pala, papa. Nagluto po pala ako ng paborito niyong adobo—"
"Wala akong ganang kumain ng niluto mo dahil panigurado, wala nanaman iyong lasa." He said coldly.
Napayuko na lamang ako sa narinig ko at matamang tinitigan ang aking mga kamay na puno na ngayon ng bandaid. Nakailang paso kasi ako kanina dahil sa pagluto. Alam ko kasing late nanaman uuwi si papa dahil sa trabaho niya at baka nagugutom na siya kaya nagluto ako kahit na alam kong di ako magaling.
"Nasan ang kapatid mo?" tanong niya sa akin.
Ang tinutukoy niya ay si Neil, ang little step brother ko na limang taong gulang pa lamang. Hindi ko siya kadugo, pero para sa akin, kapatid ko siya. Sanggol pa lang siya nang makita siya ng aking papa sa kalsada at hindi na siya nagdalawang isip na kupkupin ito.
"Natutulog na po, papa." Magalang na sagot ko. Tulog na nga si Neil dahil napagod ito sa paglalaro kanina. Nasa business trip si mama kaya ako ang nag-aalaga sa kanya. Wala rin naman si manang dahil may sakit ang anak niya.
Buti pa si manang. Ang swerte ng anak niya dahil inaalagaan siya ng kanyang magulang. Samantalang ako, ni minsan hindi inalagaan ni papa.
"Pakibigay na lang ito sa kanya. Sabihin mo, pasalubong ko." Sabi nya sabay abot sakin ng isang grocery bag na puno ng mga pagkain. Mga tinapay, juice, candies, chocolates, at marami pang iba ang mga laman nito.
BINABASA MO ANG
Mahal Ko Pa Rin Si Papa (One Shot)
Cerita Pendek"Papa... Sorry po kung wala akong kwenta. Sorry po kung pahirap ako sa inyo. Sorry po kung sagabal ako sa buhay niyo. Sorry po kung wala na akong nagawang tama sa harap niyo. Papa, sorry po talaga. Sorry po kung naging anak niyo ako."