Isang luha pa

1 0 0
                                    

Isang luha pa.
Isang luha pa para sa sa'kin.
Isang luha pa, para sa'yo.
Isang luha pa, para sa nakaraan natin.
At Isang luha pa, para sa hindi na maibabalik na tayo.
Alam ko. Alam na alam ko.

Isang luha pa, dahil sa kagagahan na ginawa ko.
Isang luha pa, dahil sa katangahan ko.
Isang luha pa, para sa ginawa ko.
At isang luha pa para sa mga hindi ko na gawa para mapanatili ang tayo.
Oo. Oo mali ako.

Isang luha pa, para sa maling nagawa ko.
Isang luha pa, para sa maling disisyon ko.
Isang luha pa, para sa hindi pinag isipang aksyon ko.
At isang luha pa, para sa isang pagkakamaling hinding-hindi malilimutan sa buong buhay ko.
Oo. Tama ka. Pagkakamaling nagawa ko.

Pagkakamaling hindi kita ipinaglaban.
Pagkakamaling akala mong iniwan kita sa ibang dahilan.
Pagkakamaling itinago kita.
At sa pagkakamaling iniwan nalang kitang bigla.

Pasensya kana. Nadamay ka pa tuloy sa kaduwagan ko.
Kasi natakot ako, takot na takot ako.
Takot akong iwan mo.
Takot ako dahil mahal na mahal mo'ko.
Takot ako sa dahilang hindi ko mapantayan ang pagmamahal mo.
At dahil dun natakot akong maiwan ng isang tulad mo.
At Ng dahil sa pagmamahal nayun napaluha ako.

Kaya isang luha pa, para sayo na iniwan ko.
Isang luha pa, dahil nagsisisi ako.
Isang luha pa, para sa unang babaeng nanakit sayo.
At isang luha pa, dahil sabi nga nilang napaiyak ko ang isang tulad mo.
Kaya ngayon gusto kong lumuha pa.

Lumuha pa, sa dahilang mahal parin kita.
Lumuha pa, dahil hanggang ngayon ikaw parin. Ano ba!
Lumuha pa, dahil hindi ko na maibabalik ang kung anong meron tayong dalawa.
At lumuha pa, para sa huling halik at yakap na may kasama pang katagang "mahal na mahal kita".

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 31, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

my own thoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon