[One shot story]

135 43 46
                                    


Diba dapat ang nakaraan,

kinakalimutan nalang.

Hinahayaan nalang.

At higit sa lahat hindi na binabalikan.

Madalas sinasabi sakin ng mga kaibigan ko na pag nag break dapat wala ng balikan. Nasaktan ka na eh, uulitin mo pa.

Pero hindi nila alam kung gaano kahirap kalimutan ang mga alaala, lalo na kung paano ka pinasaya nang taong minsan ding naging bahagi ng buhay mo.

Madaling magmahal, madaling mang-iwan, pero hindi madaling makalimot.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Bakit ngayon ka lang? Kanina pa ako naghihintay dito. 5th monthsary na natin ngayon, hangang ngayon ba naman paghihintayin mo parin ako?" Bulyaw ko kay Jace nang makarating siya, dahil mahigit isang oras lang naman niya  akong pinaghintay.

"I'm sorry, may biglaan lang kasing nangyari. Buti pa nga at pumunta parin ako dito kahit napaka traffic." Masakit man, pero nasanay na ako sa ganitong pakikitungo niya sa akin.

"So ano? Dapat pasalamatan pa kita dahil late ka na namang dumating? Kapal."

"Mag cecelebrate ba tayo dito o mag-aaway na naman?" Sagot niya.

"Umorder na tayo" Sabi ko nalang para hindi na lumaki ang gulo.

Lagi nalang ganito yung set up namin. Ako nalang lagi yung naghihintay, ako nalang lagi yung nagpapasensya, at nag-aadjust. Ganito talaga siguro no pag mahal mo ang isang tao, handa kang magtiis wag lang siyang mawala sayo.
 
  

Pumasok na ako sa skwelahan, at nakasalubong ko ang  kaibigan ni Jace, she looks familiar but I don't know her name.

"Hey, you're Jace's girlfriend right?" Tanong niya.

"Yeah, ako nga"

"why didn't you showed up to my birthday last week? Sinabihan ko pa naman Jace na dalhin ka." Sabi niya.

"I'm sorry. I don't know about that, Jace did not told me."  I explained,

"Maybe he forgot, pero pumunta siya with another girl, Glecy ba pangalan non? bakit hindi niya sinabi sayo?" Nagtatakang tanong niya kaya binigyan ko siya ng tipid na ngiti.

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko, sinama niya ang ex girlfriend niya instead of me? Alam kong matagal ang pinagsamahan nila kaya hindi maialis sa akin ang magduda.

"Maybe we had a misunderstanding that time, that's why." I lied.

Naguguluhan ako kung bakit hindi niya sinabi sakin na lumabas sila ng magkasama ni Glecy. May tinatago ba siya? Kailangan ko itong malaman.

Pinuntahan ko siya sa bahay nila, and luckily naabotan ko siya papunta na rin siya sa university kung saan siya nag-aaral.

"Bat ka nandito? Diba may pasok ka pa?" Salubong niyang tanong sa akin.

"Vacant namin ngayon, kaya pumunta muna ako dito." Sagot ko.

"Sandali lang, kukunin ko muna yung research paper ko sa kwarto." Sabi niya at pumunta na sa kwarto niya, naiwan niya ang cellphone sa lamesa kaya kinuha ko ito.

2 unread messages,

Yan kaagad ang bumungad sa akin,  kaya binasa ko ito.

From Glecy:
"I enjoyed our dinner last night"

"Can't wait to go back there, see you soon"

I'm Still In love With My Ex. [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon