Sino bang makapagsasabi na posibleng magbago ang buhay mo sa loob lang ng isang gabi? sa isang maling desisyon? Sa isang maling hakbang paliko sa maling kanto? sa isang iskinita? sa kamay ng huling taong aakalain mong kahit kaylan hindi ka sasaktan?
Sinong makapagpapatunay na mali ako?
Isang gabi...
Isang maling desisyon...
Isang maling hakbang paliko sa ling kanto...
Sa isang iskinita...
... Sa kamay ng taong pinagkatiwalaan mo.
"Tara na... Tapos na ang trabaho natin dito."
Tapos na.
Nagawa na ang dapat gawin. Nakuha na ang dapat kunin.
Wala pang higit sa limang minuto, natapos na ang trabaho.
Nakititig siya sa akin, malamig ang mga titig niya. Nararamdaman ko ang lamig na nararamdaman niya, sobrang lamig...Napakalamig.
"Ano pa bang tinatayo-tayo mo diyan?" Tanong niya sa akin "Kahit titigan mo pa yan... Hindi ka na din tititigan ng patay na."
Naramdaman ko na lang ang mga yapak niya palabas ng bahay. Iniwan niyang nakabukas ang mga ilaw sa kusina pati na din sa sala kung nasaan kami ngayon.
Bago niya siya umalis, ginulo niya ang mga gamit at pinagmukha niyang parang nilooban ito ng mga magnanakaw. Wala siyang iniwang bakas, ng kahit ano... ng kahit awa.
...Hindi ka na din tititigan ng patay na...
Nag-iwan ng mga bakas ang mga salitang sinabi niya bago siya umalis.
Hindi nga ba?
Hindi nga ba marunong tumitig ang patay na?
Hindi niya nga ba ako tinitigan?
Bakit pakiramdam ko, nakatitig siya sa akin? Bakit pakiramdam ko... sa akin talaga nakatuon ang mga mata niya?
Isa na siyang malamig na bangkay...
... pagkain para sa susunod na iba.
Nagsimula na akong maglakad papalayo pero hindi ko pa din mapigilan ang sarili ko. Muli ko siyang nilingon at sa huling pagkakataon...tinitigan ko ang mga mata niyang minsan, minsan sa akin niya lang pinukon.
"Paalam...
...Mahal."
YOU ARE READING
CLOUDBURST
General Fiction"Ikaw... Parang ulan, pabugsu-bugsu. Hindi ko malaman kung kailan darating at kung kailan din aalis. Kung kailan titila, kung kailan titigil o kung talaga bang lalakas at magtatagal. Parang ulap, pabago-bago. Di mo alam kung ang dala bay liwanag o i...