0:1

2 0 0
                                    


ULAN




"Hindi ka ba titigil?" naiinis niyang tanong "kanina ka pa eh?! Nakakairita ka na!?" pagtataas niya ng tono.



"Eh ano bang problema mo? Naabala ba kita?" pagtataas niya din ng tono niya sa kanya.


Nagsalubong agad ang kilay niya dahil sa mga sinabi nito.


"Pwede ba, wag mo ng sabayan ng sintunado mong pagkanta ang bagsak ng ulan?! Kasi alam mo mas nakaka-stress ka pa sa ulan!" Paliwanag naman nito.


Isinawalang tabi niya lamang ito at bumalik sa pakikinig niya sa kanta at pagsabay dito. Wala na din siyang nagawa kundi indahin at pagtimpian ang inasal nito.


Kanina ko pa sila pinagmamasdan. 

Napakaliit na bagay pero kung magtaasan sila ng boses parang napakalaki nito. Napakababaw kung iisipin pero isa iyon sa mga bagay kung bakit napaka-misteryoso ng mga tao... Kung bakit sila naiiba.


"Ito na po ang coffee niyo." Sabi nung waitress habang nilalapag niya ang kape ko.


"Thank you." pagpapasalamat ko kalakip ng isang ngiti.


Bigla siyang natameme, hindi ko alam kung bakit biglang namula ang mga pisnge niya. May mali ba akong nasabi?


"W-welcome."mahina at parang nahihiya naman niyang sagot.


Bumalik na siya sa counter pero pansin ko pa din ang pag-iwan niya ng mga titig niya sa akin. Siguro ginu-guni ko lamang ito, matagal na din akong hindi nakakahalubilo sa iba. Halos ilang buwan din akong namalagi sa ospital dahil sa isang aksidente. 

Dalawang buwan akong nasa coma at ng magising naman ako... halos hindi ko matandaan kung sino ako.


Sumailalim ako sa isang theraphy para matulungan akong alalahanin ang lahat; pero kung ako ang tatanungin, ayoko ng maalala ang gabing iyon.

Bumalik sa akin ang mga ala-ala ko pero hindi ang mga memorya ng insidente. Hanggang ngayon bumabalik pa din ako para sa theraphy... 

Maayos naman ang buhay ko kahit na hindi ko na sila maalala.


Simula ng magising ako mula sa coma, kapag tinititigan ko ang sarili ko sa salamin, parang ibang tao ang nakikita ko at hindi ako.

Gabi-gabi, bago ako matulog... pakiramdam ko, may nakalimutan akong gawin, may dapat akong tapusin...may dapat akong balikan, may taong naghihintay sa akin.

 Hindi ako nakakatulog ng maayos sa gabi kakaisip sa sagot sa kung ano ba talagang nakalimutan kong gawin, kung ano bang dapat kung balikan... sino bang naghihintay sa pagbabalik ko.


"Insomia???" pag-uulit ko sa sinabi niya.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 31, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

CLOUDBURSTWhere stories live. Discover now