Chapter 7

8 0 0
                                    

Chapter 7: Promises

"So, ano ba yung gusto nyong sabihin shaine? Blake?" Tanong ni tita claire na nagpapalipat lipat ang tingin sa aming dalawa ni blake,

"Claire, why don't we eat first? Mukhang importante ang sasabihin nila, let's give them some time." Sabi ni 'papa' na hinawakan ang kamay ni tita claire, eeew.

"Yaya beth, paki-dala na yung pagkain dito."

"Eto po ma'am."

"Salamat." Sabi nya kay yaya beth at nag-ngitian,

"How's school blake? May girlfriend kana ba? Huh! Chiks chiks huh!" naubo agad si blake

"Blake, are you okay? Richard naman kase wag mong binibigla yung bata!"
Sabi ni tita claire, na inabutan ng tubig si blake

"N-no, it's okay lang po tita." 

"How 'bout you shaine? Have you got a boyfriend? Ipakilala mo sa amin ah," Sabi ni 'papa' na kinairap ng mata ko. But i admit may konti akong kaba na nararamdaman.

"Yeah, sure" Sagot ko.

"Please tell your boyfriend that he shouldn't be nervous nor afraid, fourth year kana and i think you're in the right age to have a partner but i hope that you won't forget your responsibilities. Just tell him that he should take care of you, dapat gawin ka nyang reyna hindi kita pinalaki para abusuhin at gawing katulong. If he really loves you, he shouldn't cheat on you.. Just like what i did to your mom, i'm really sorry anak."

Unti unti kong naramdaman ang puso ko, parang dahan dahan syang nabibiyak. Nakayuko ako. Nangingilid ang mga luha sa mga mata ko.

"Fuck!" Hindi ko napigilan ang bibig ko, agad na pinunasan ko naman ang luha ko. Alam kong napansin nila 'yon pero pinili nalang nila na wag magsalita dahil alam na din nila kung anong kahahantungan non.

"Change topic, please.." Pagmamakaawa ko.

Napatingin ako kay tita Claire na nakayuko at malukot na nakangiti habang nakahawak sa kutsilyo at tinidor.

Pag-katapos naming kumain ay dumiretso na kami sa lounge naabutan namin si kyle na naglalaro ng mobile legends sa ipad nya

Umupo na kaming lahat sa sofa, hindi na din masyadong kinakabahan si blake dahil hindi na malamig ang kamay nya at nagagawa nya na ding ngumiti ng hindi akward. Binaba na din ni kyle ang ipad nya

"So, ano na yung sasabihin nyo shaine? Blake?"

"Papa, Tita. May boyfriend na ako." Gusto kong maiyak, nagawa ko syang tawaging papa..

Napatingin ako kay papa na nakangiti sa akin at nangingilid ang luha sa mata nya, tears of joy.

"Really!? Oh shaine that's good! Sino?" Sunod sunod na tanong ni tita

Tiningnan ko si blake at nahuli ko din syang nakatingin sa akin.

"Si blake po." Diretsahang sagot ko

"S-si blake? Seryoso ba kayo?" Tanong ni tita claire

"O-opo tita, g-girlfriend ko na po si shaine." Nauutal na sinabi ni blake, bumabalik na kaba nya hahaha

Umayos kami ni blake ng upo at nakuha agad ni kyle ang atensyon namin ng magsalita sya.

"K-kuya, do you know how to play basketball? Mobile legends? Coc?"

Napa-ikot nalang ang mga mata ko sa sinabi nya, adik na adik talaga sya sa computer games! Pero okay lang naman hindi nya napapabayaan ang mga studies nya.

"Oo, laro tayo?"

Kinunsinti naman ni blake kaya tinignan ko sya ng masama, napayuko nalang sya habang tumatawa ng mahina.

"Hindi muna ngayon kyle, may pasok ka pa bukas kaya matulog kana." Sabi ko kay kyle pero tumawa lang sya

"Ate, walang pasok bukas. Sunday bukas, hahahaha!"

"Shut up kyle." Tipid kong sabi kaya nagpatuloy sya sa paglalaro ng mobile legends.

"So ano ng--"

"MEGA KILL!"

Hindi natuloy ni papa ang sasabihin nya dahil sa babaeng sumigaw sa ipad ni kyle, dahil siguro yon sa game na nilalaro nya. Sinenyasan sya ni tita claire na umakyat na sa kwarto nya

"So, ayun na nga.. Ano ng plano nyo? Bubukod ka na ba sa amin shaine?" Malungkot na sabi ni papa

"Papa what the hell!? Boyfriend ko lang sya hindi asawa ano ba!" Sagot ko na ikinatawa nilang lahat

"Just joking, pero halika muna blake usap tayo. Yaya beth kuhanan mo naman kami ng alak." Sabi ni papa, hindi na ako makatutol dahil nakalabas na sila.

"Shaine, i'm sorry. Hindi ko intensyon na agawin ang papa mo sa mama mo, maiintindihan mo din siguro sa tamang panahon. I'm sorry."

Nakakita ako ng lungkot sa mata ni tita claire, kaya hinawakan ko ang kamay nya.

"It's okay, tita.. Past is past."

Mag-iisang oras na din akong nakaupo dito sa sofa, isang oras na ay hindi pa din tapos sila blake. Umakyat na sa taas si tita claire, mag-babasa pa daw sya ng iba't ibang article.

Sa sobrang inip ko ay pinuntahan ko na si papa at blake, nandun sila sa may terrace at nag-iinuman, nagke-kwentuhan. Paminsan-minsan ay tumatawa.

"Hindi pa kayo tapos dyan? Anong oras na oh. Uuwi ka pa sa inyo blake." Agad na naagaw ko naman ang atensyon nila sa sinabi ko.

"Tingin mo makakapag-drive pa si blake pauwi sa kanila? Lasing na 'to oh."

Tumingin naman agad ako kay blake na tatawa tawa pa, inirapan ko sya.

"Oo nga shaine, di ka ba nag-aalala sa akin? Tsk." Agh!

"Heh! Manahimik ka nga! O sige, saan ka matutulog? Sa sahig?"

"Sa kwarto mo malamang."

Namula ang pisngi ko sa sinabi nya, tumingin ako kay papa dahil ang akala ko ay pagagalitan nya si blake pero tumawa lang sya.

"Agh! Dyan na nga kayo!"

Pag-kagising ko ay katabi ko na si blake na nakayakap sa bewang ko, amoy alak pa. Anong oras kaya sila natapos kagabi?

Hinaplos ko ang malaanghel na mukha ni blake, he was perfect.

Dali-dali kong inalis ang kamay ko nang gumalaw sya at kinusot ang mata niya.

"Goodmorning babe."

"G-goodmorning." Nauutal na sabi ko dahil hanggang ngayon ay nahihiya pa din ako.

"I love you, i made a promise to your dad that i won't hurt you. Please don't hurt me too."

Promises? I don't believe in them. Ginagawa lang 'yon ng mga tao oara paniwalaan sila, kahit nag-promise ay ginagawa pa din ang hindi dapat.

Darkness ♡ (On-Going)Where stories live. Discover now