7. Getting Closer
"OMG. Ang pangit ng eyebags mo, labs. Nakaka-turn-off! Yuck!"
Ngumuso ako kay Vasha pero napangiti din kalaunan. Umupo ako sa mesang may nakahain ng tsaa at pandesal. Hindi ko nga alam sa sarili ko kung bakit ag saya-saya ko. Nagising na lang ako kanina na may ngiti sa mga labi ko. And yes, I won't play hypocrisy, dahil ito sa matamis na halik ni Mr. James Dela Fuente. Oh shoot, tastes so dainty. Napahagikgik ako.
"Aww. Vasha ha!" Daing ko ng naka-ngiti pa din, binatukan niya kasi ako.
"Para kang timang, alam mo yun? Ngingiti-ngiti ka mag-isa mo." Tumigil siya sandali sa pag-sasalita pagkatapos ay nanlaki ang kanyang mata.. "Wait! Anong oras ka umuwi kagabi? O umaga na ata ah? Yung totoo? Anong nangyari sa inyo nung hot mong Boss kagabi?" Sunod-sunod niyang tanong. Mas lalong lumawak ang pagkaka-ngiti ko. "Trina! Ano?" Her voice explains how excited she was on my answer.
Pumikit ako. Nag-flash na naman yung mukha niya nung malapit siya sa akin tapos 'yung hinalikan niya ako. "My goodness Vasha! I'm 26 years young and yet ..." Napatili ako. Bumaba ako sa mesa at nagpunta sa tabi niya habang tuma-talon-talon pa. Niyakap ko siya. Alam kong naweweirduhan na siya sa akin. "KINIKILIG AKO!" I squealed in delight. Sumigaw din siya. Pero after non, binatukan niya ulit ako. "Aray ha? Nakakadalawa ka na mylabs." Nakangiti ko pa ding sabi. "Pasalamat ka maganda araw ko."
Pinamaywangan niya ako. "Hoy! Trina Joyce Acilles na super duper bestfriend kong maganda at sobrang talino! Baka gusto mong magkuwento sa kaibigan mong sobrang ganda at matalino?"
I rolled my eyes at her. Kinuwento ko yung nangyari kagabi at kung saan kami nagpunta. Nakangiti lang siya, mataman na nakikinig. Habang kinukuwento ko iyon sa kanya ay aware ako na tumitirik ang mata ko dahil sa kilig. Mataman siyang nakikinig sa akin. Noong matapos kong ikuwento ang lahat ay ngumiti siya sa akin. Iyong ngiti na masaya siya para sa akin. Alam kasi ni Vasha na no-man woman ako ng maraming taon kaya ganyan ang reaksyon niya.
"Talaga?" I reluctantly nodded. "Pero easy ka lang mahal kong kaibigan ha? Sa panahon ngayon, ang katumbas ng french kiss ay shake hands na lang." Paalala niya.
Napasimangot ako. "Alam mo 'yun? Nangongontra ka pa?" Sabi ko na lang. Siya ang maraming alam sa pakikihalubilo sa mga lalaki. She have flings that's why she knows who are serious and she also know who is just after casual sex. Naalala ko minsan na napag-usapan iyong tungkol sa ka-fling niya.
"Ano ba ang fling, Vasha?" Tanong ko.
She sighed. "Fling is a casual or brief sexual affair. Ibig sabihin, kung walang sex, walang affair. There is no love involved. Lust is the only thing that keeps them together."
Kumunot ang noo ko. "So, may ka-fling ka?"
"Yes, labs. And I am not bragging it. And excuse me, minsan lang ako makapag-sex sa isang lalaki no. Hindi na nauulit iyon. Fling is a brief sexual affair nga di ba?" Napatango na lang ako. Huminga ulit siya ng malalim at minataan ako. "Huwag kang gagaya sa akin, Trina ha? Matalino nga pero tanga naman sa love. I know how demure you are. Lagi mong iisipin iyon. Guard yourself from being played. It's not good. It's not beneficial." Napangiti ako sa kanya.
Napatingin lang ulit ako sa kanya nung hinawakan niya magkabilang braso ko. "You know that I've been with many guys. Playboys pa ha? Ipaparamdam nila sayo na buong puso ka nilang hinahalikan pero sa loob loob nila pure lust lang 'yun." Panimula niya. Nangalumbaba na naman ako dahil maaaring totoo yung sinabi niya. "Sa gwapo ng Boss mo, easy ka lang ha? Hayaan mo na mag-effort siya para sayo kung talagang gusto ka niya. Ano nga ulit yung accounting principle na motto natin?" Nag-isip siya sandali at tumingin sa akin. "Never assume unless otherwise stated. Lagi mo yang iisipin, okay?.. Ito--" Tinuro niya puso ko. "Kapag lumalakas tibok niyan, pakalmahin mo. Hindi yong nagpapadala ka sa bugso niyan. You know Trins, we're girls. Woman. Marupok lang tayo. 'Yang mga lalaking 'yan, tini-take advantage nila kahinaan natin. Kaya dapat ikaw, fierce ka lagi." Tumingin siya sa akin. Parang sinasabi niya na makinig ako sa kanya. "It's alright to use your heart in every decision but always bring with you your brain. Huwag kang gagaya sa akin, okay? I don't want you to be like me. I want you to act like my opposite. Conservative and demure. Aryt, my labs?"
BINABASA MO ANG
Ends With A Bet
General FictionPlain, ordinary, smart, conservative, morena, simple yet elegant -- these are the best words to describe a Trina Joyce Acilles. How can she overcome a bet that is played by her lover?