15. The Bet Was Proclaimed

15.4K 204 15
                                    

Today is our 11th monthsary. I am baking chocolate mousse for him, alam ko kasi na ito ang paborito niya. Hindi siya nagtetext o tumatawag sa akin this past three days at hindi ko alam kung bakit. Baka may hinahanda na naman siyang sorpresa sa akin? Ganon naman siya, e. Pero ang pinagtataka ko lang talaga ay kung bakit tatlong sunod sunod na araw na wala siyang paramdam. Wala siyang pasabi. The last time I checked, we just made love.

I sighed. Ayokong pumait ang ginagawa ko kaya iisipin ko nalang na may sorpresa nga siya sa akin. Alam kong busy siya ngayon sa trabaho niya dahil sabi ni Lance ay may malaking kumpanya daw ang nagpasok ng malaking pera sa kumpanya nila kaya tutok muna siya doon. Isa din iyon siguro sa mga dahilan kaya hiindi siya nagpaparamdam.

"Wow! Mylabs, ang sarap niyan." Tinampal ko ang kamay ni Renz nang mag-tangka siya hawakan iyong gawa ko. Napasimangot siya. "Ang damot, ha?"

Ngumiti na lang ako. "Monthsary namin. Wag kang magulo!"

"Asus! Asus! Eh, tinawagan ka na ba?" Tanong niyang nag-palungkot sa akin.

Renz knew about this, sila ni Vasha ang closest friend ko kaya sinasabi ko sakanya ang lahat pero itong problema kong ito ay hindi alam ni Vasha dahil busy siya sa trabaho niya at kay Lance.

"Busy siya." I said as I wrapped the mousse in the box. "Oo, Renz. He’s busy." I repeated.

"Are you convincing me or yourself?" He asked. I looked at him. "Oh! Wala na akong sinabi pero naman kasi, ikaw na ang nagsabi na kahit gaano siya ka-busy bilang CEO ng isa sa pinakamalaking kumpanya sa Pilipinas ay hindi siya nakakalimot na magtext o tumawag sayo. O sunduin man lang." He stated as he munch the excess chocolate I've used.

"Malay mo naman busy siya sa sorpresa niya sa akin!" I cheerfully said. Pati ako ay pinipilit pasayahin ang sarili ko. "Oh! Sige, alis na ako. Bye Renz!" I said and kiss him in the cheeks.

“Wa’g mong kalimutan na pumunta sa 911 mamaya , ah?” Paalala niya. 1st year anniversary kasi ng bar niya.

“Oo, kasama ko si James.” Kinindatan ko siya at napatawa ako nang mag-inarte siyang nasusuka.

Kinuha ko ang bag ko sa mesa at nagpaalam na kila Ella – babalik na lang siguro ako dito bukas. Nag-flats na din ako dahil gusto kong mas matangkad pa din tignan si James kaysa sa akin. Hindi ko dinala ang kotse ko dahil baka ihahatid lang din naman niya ako mamaya.

“TGC po, manong.” I told the taxi driver. Napabuntong hininga ako nang makadama ako ng mumunting kaba sa aking dibdib. Hindi ko na naman alam kung ano ito.

I really missed him so much. Hindi na ako sanay ng wala siya sa sistema ko kahit isang araw lang, pero three days? Kahit pinapaalala ko sa sarili ko na busy lang siya ay hindi ko pa din maiwasan ang pagtatampo. Nagtetext ako sa kanya at tumatawag pero hindi niya sinasagot. Inaalala ko kung may nagawa ba akong kasalanan sa kanya o may nagawa ba akong hindi niya nagustuhan, wala naman akong maalala.

Ends With A BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon