Sa sobrang toxic sa office nag decide ako na mag lunch out kami ng team ko. Masyado 'kong tinatambakan ni Kuya ng gagawin at wala naman akong choice kundi gawin yon. It was really exhausting, but on the other hand, moments like this will test your patience and abilities.I was busy talking to the waiter for an additional order when Arnie called me. She's part of my staff. After I talked to the waiter, tumingin naman ako kay Arnie. She looks bothered. In fact, all of them looks really bothered.
"Hey, what's the problem guys?" Nagkatinginan pa sila. Tinignan ko naman si Arnie like spill it now.
Nagsitinginan silang lahat sa right side, sa isang table don. Sumunod naman yung tingin ko. Lj's there with some girl on her. Napakunot ang noo ko. I didn't know the girl! Obvious pa na kinikilig yung girl kapag ina eye-to-eye siya ni Lj!
"Don't worry guys, its just a business meeting. Let's eat." Nakinig naman sila sa'kin.
I compose a message for Lj.
Athena
Where are you?
Tumingin ako sa kanya. She's currently busy on her phone. Maya-maya pa my phone vibrated.
My Love
I'm on a meeting po. Why?
Athena
Nothing. Eat your lunch na ha?
My Love
Yup! See you later.
Kumain nalang ulit ako at hindi na inintindi kung sino yung kasama niya. I trust her naman. And sabi ko naman na this time, we're both matured.
Its a friday night and kila Gab naman kami ngayon. Hindi humihiwalay si Liel kay Lj mula pa pagdating namin. Sabi ni Lau, madalas daw kasi magtanong si Liel kung sino daw si Lj since hindi niya masyadong nakikita si Lj at ngayong nakita na niya, sobrang dikit naman ng bata kay Lj.
At si Tiffy naman nasa amin ng girls. Makulit kasi si Tiffy kaya talagang natutuwa kami sa kanya. Wala naman yung newly weds na si Cloud and Shine, nasa Rome yata sila ngayon. Sila Sam and Trish aalis din yan bukas para pumunta sa Puerto Rico. Umuwi lang talaga sila for Cloud and Shines' wedding kaya na delay yung traveling nila.
"Kayo Gab? Wala kayong balak umalis?" Tanong ni Crey.
"Meron naman. I don't know kung kelan yon eh pero siguro malapit na rin. Yung isa kasi jan..." Tas tumingin si Gab kay Lj. Ngumisi lang si Lj.
"Sige na magsi-alis na kayo hanggang next two weeks. Hanggang don lang ha? Or else FO talaga tayo!" Natatawang sabi niya naman.
"Anong meron after that two weeks?" Takang tanong ko. Is it me or nakangisi silang lahat?
"Ano, shempre para ma complete naman tayo. Ngayon na nga lang ako bumalik tas di pa complete diba?" Kumamot pa sa kilay si Lj. Natatawa naman sila pero sinaway sila ni Lj. Ipinagkibit balikat ko nalang yon.
"I think aalis na rin kami kahit yung plan talaga namin sa third week pa. Sayang talaga yon kasi holiday season pa naman. Ang daming no work sched non." Sabi naman ni Alec. We agreed.
"Thanks though." Lj said.
"Lakas mo samin eh. Kung sino-sino pa yung...ehem!" Si Mon na natatawa pa.
Nagtawanan naman sila at ako hindi ko talaga ma gets! Bwisit ano ba yon?! Bahala nga sila.
"Kaya nga thanks guys!" Lj laughs. "I owe you bigtime!" Sabi niya. Hinapit niya ko papalapit sa kanya tsaka hinalikan sa noo. "Buti nalang binakuran nyo 'to kung hindi makakagawa talaga 'ko ng hindi maganda." Mas lalo naman silang tumawa.