•Double!•
Mag-iisang linggo na ko sa trabaho ko and I can see improvements naman sa pagsasalita ng tagalog ni Sir Boss.
Sa Thursday narin pala yung uwi ni Papa.
"Ate!" nagulat ako sa pagsigaw ni Harold. "Bubukaka ka na lang ba diyan buong araw at hindi ako tutulungan sa paglilinis?!"
Aba! Ang lakas ng loob ng batang to ah. Kung hindi niya pinaalis si Jenny kanina edi hindi siya ang naglilinis ngayon. Tatanga tanga kasi eh.
"Ako ba sinusumbatan mo? Gusto mong ibuko kita na nasira mo ang headlights ng kotse mo?" pananakot ko lang yan. Birthday gift yun sa kanya ni Papa 4 months ago tapos nasira niya agad. "At sino bang tanga ang nagpaalis kay Jenny kanina?" inirapan lang niya ako.
Pupunta kasi mamaya si Aubrey kaya todo linis siya. Nagpapa-good shot kasi siya naman ang nagkasala ngayon.
"Makita ko lang yang chinu-tutor mo.. Huh! Patay yan sakin." bulong niya na rinig ko naman.
Nung pag-uwi ko nung first day ng trabaho ko kay Thaddeus (si Sir Boss ko), iba na yung suot kong shirt. Shirt kasi yun ni Thaddeus, pinahiram niya sakin kasi natapon sakin yung sauce ng barbeque. Siya narin yung naghatid sakin pauwi kaya ayun, mula noon inaasar na ko ni Harold sa kanya but I don't care kasi wala namang katotohanan yun. I'm not guilty.
"Masyado ka nang nagiging malisyoso Harold." umakyat na lang ako sa kwarto ko.
It's sunday kaya no work ako. May puso pa rin naman yung si Sir Boss kahit papano.
Kinuha ko yung phone ko sa side table kasi may nagtext.
Hi Ms. Same. Remember me?
Nakilala ko agad siya sa text pa lang.
Yes naman. Bat ngayon ka lang nagtxt?
Ang tagal na since nabigay ko yung number ko sa kanya pero ngayon lang siya nagtext. Hindi naman sa nage-expect pero akala ko itetext niya ko that same day.
Busy ako eh. Ms. Same pewde manghingi ng favor?
Sabi na nga ba. Nagiging fc talaga ang mga tao kapag may kailangan.
Go ahead. I owe u my work pa naman.
Kita tayo sa 7/11 ngayon may ipapabigay lng ako kay Thaddeus.
Gesi. Bihis lng ako.
Thanks!
Nagbihis na ko agad then nagtungo na sa 7/11. Nakita ko siya doon na may kasamang girl na mga nasa mid 30's.
"Ms. Same.." sinalubong niya ko sa may pinto then nakipagbeso sakin. Nakakapagtaka naman.
Why all of a sudden ganun yung behavior niya?
Bumulong ako. "Nakikipagbeso ka pala bes?" ngumiti lang siya at hindi na sinagot yung tanong ko.
Wala na ata siyang planong paupuin man lang ako kasi bumalik lang siya sa table nila para kunin yung itim na bag na nasa ibabaw ng table niya then bumalik agad siya sakin.
BINABASA MO ANG
We May Be Better Strangers
Storie d'amoreBakit ba kasi ang hirap maghanap ng trabaho? College graduate naman ako, I have high grades and good personality bonus pa ang pagiging MAGANDA ko, ano pa bang hanap nila? Malalagot talaga ako nito kay Papa pag-uwi niya. Nagyabang ako tapos wala pala...