(#ZOMBIE)
AE'S POV:
"Goodmorning sunshine!!"
Ang tangi kong nasabi ngayong umaga. Napakaraming gagawin sa bahay, maglilinis, maglalaba, mag-aalaga ng pamangkin. Simula kasi nung umalis ako sa pinagtatrabahuhan ko, kinuha na ko ni ate. Nangako sya na pag-aaralin nya ko ng highschool.
Aba.! Ok yun! Kahit parang late na nga lang.
Sa kalagitnaan ng pagmumuni-muni ko, biglang nag ring yung phone ko.
(Royal by Lorde ringtone)
"Hello.?"
"Hey girl!"
Sagot nung nasa kabilang line.
"Ahhh... Sino, toh.?" Nagtataka kong tanong.
Kung maka "hey" kasi parang kilala ko. Sino kaya toh.?
"Ano ba Ae!, si Jo toh.!"
"Jo?! Pano mo nalaman yung cellphone number ko.?"
"I have my sources, Duhhh?? Eh, kasi naman, friends nga tayo pero parang hindi., hindi mo naman sakin ibinibigay yung number mo."
Parang nagtampo pa ang bruha.
"Eh pano naman po kasi, kakapalit ko lang ng sim, saka isa pa kaya ako nagpalit ng sim dahil din naman sayo, kung kani-kanino mo kasi ibinibigay yung number ko, sinabi ko naman sayo na AYOKO NG KATEXTMATE."
"Sus! Parang yun lang eh. Kasi naman, napakamanang mo., or should I say parang kang tomboy. Kung manamit ka, malaking t-shirt tapos nakashort ka pa na parang sa lalaki. Kung hindi lang mahaba yang buhok mo at nagpupulbo ka, iisipin kong tibo ka talaga."
Ang haba ng litanya ng babaeng toh. Simula ng tumira ako dito sa ate ko, sya na yung unang tao na nag-approach sakin. Na naging friend ko naman. Mabait naman sya., may pagka maldita at pakialamera nga lang minsan.
"Ok fine, sorry kung hindi ko kaagad naibigay sayo yung bago kong number. Alam mo namang andami kong ginagawa dito sa bahay., saka lilinawin ko lang sayo, HINDI AKO TOMBOY! Mas madali lang kumilos kapag ganito yung suot ko, mas kumportable ako. Baka mamaya isipin mo pang may gusto ko sayo."
Bigla akong natawa sa sinabi ko na ikinatawa rin naman nya. Mga adik lang.! :D
"Ewan ko sayo.! Praning ka nanman, nga pala, hindi ako tumawag para makipagchismisan."
Dagdag pa nya.
"Eh ano.?"
Mejo naguluhan ako sa sinabi nya. Ano kayang pakay nito.? Naku.! Kapag ito kalokohan, papatayan ko sya ng phone,
"May mga friends kasi ako na tumutugtog.
Mejo bitin pa nyang sabi.
"Sooo???...."
Naghihintay ako ng susunod nyang sasabihin, pa-suspense pa kasi eh.
"So gusto ko sanang isama ka.. May practice kasi kaming 5:00 pm .. Ano sama ka.?"
"Kami? Ibig sabihin kasama ka sa mga tutugtog.?"
Kelan pa matutong tumugtog ang babae na toh.? Saka anong instrument? Parang di ko pa naman sya naririnig tumugtog.?
"No.. Isa ko sa mga kakanta. Oh diba, ang cool?!"
Ahhh.. Yun naman pala.. Sabagay, may boses naman talaga tong si Jo, mas mabuti na yun kesa lagi syang nakatambay sa labas.
"So ano.? Sasama ka ba.?"
Tanong ulit nya.
"Ahhh.. Ang dami ko oa kasing gagawin eh, saka wala pa si ate, walang magbabantay kay princess."
Totoo naman yung sinabi ko, wala pa kasi si ate, nasa trabaho pa.
Saka isa pa, wala naman akong gagawin dun, malamang nga-nga lang.
"Naku tigilan mo ko sa ganyan mo Aeriel Sophia ah.! If I know tinatamad ka na naman. Sabi naman ng ate mo kapag tapos ka na sa mga gawaing bahay, pwede ka ng gumora., iwan mo si princess sa isa pa nyang tita. Wala namang ginagawa yun."
Tingnan mo tong babae na toh, akala mo pinapaswelduhan ako kung makapag-utos.
Pero sabagay, bet ko din namang makapanood ng liveband.. Ang cool siguro nun.
"Sige na.! Sasama na ko.! Pero kapag ako nabore jan, uuwi ako!"
"Sure.!" Hehehe.! Dont worry baby, matutuwa ka, maraming papables dun.!"
Kahit na hindi ko sya nakikita, alam kong kinikilig sya. At para malaman nyong lahat, nakakairita yung itsura nya kapag kinikilig. Yung tipong hindi mo alam kung may maasim ba syang nakain o uminom ng mapapait na bagay.
"Sabi ko na nga ba, may balak ka nanaman., parang ayoko na tuloy."
Nagdadalawang isip kong sabi.
"Che! Tumigil ka.! Nag-OO ka na. Kaya wala ng bawian.! Sige na, see yah later.!! Bye.!"
Biglang namatay yung linya., talagang hindi nya ko titigilan.
Wala naman akong magagawa., siguradong kukulitin lang nya ko kapag hindi ako pumayag.
Wala na rin naman akong gagawin, ok na sigurong maglaboy naman ako paminsan-minsan.
---------------------------------------------
5:00 pm..
Tok! Tok! Tok!
Si Jo na siguro yan. Excited masyado. Pagbukas ko ng pinto, nakita ko kaagad ang malawak na ngiti nya na halos pumunit sa muka nya.
"Ano yun.?"
Patamad kong sabi, di ko na binuksan ng maige yung pinto, sumilip lang ako sa kanya.
"Hello din!."
Tinulak nya yung pinto para makapasok.
"Ano ba yan.?! Bakit naman ganyan yang muka mo.? Lagi ka na lang nakasimangot.!"
Bungad nya sakin.
"Nakakatamad kasi."
Maikli kong sagot. Tinaamad talaga ko, feeling ko di naman ako mag-eenjoy dun eh.
"Tumigil ka nga Ae.! Lagi ka na lang tinatamad! Magbihis ka na bilis.! Para makaalis na tayo. Si Princess naibigay mo na ba sa kabila.?"
Yung "kabila" na sinasabi nya, is yung mga relatives ng asawa ng ate ko. Pwede ko namang iwan si Princess dun kapag may pupuntahan ako.
"Opo.! Hindi ko na kailangang magbihis, kasi hindi naman ako nakahubad."
"Ayy.. Aba.. Tingnan mo toh., pinilosopo pa ko. Ganyan ka pupunta dun.?"
Tiningnan nya ko mula ulo hanggang paa, na para bang isang malaking kasalanan ang magsuot ng t-shirt at maluwag na short.
"Whaatt.??"
Naiirita kong tanong.
Tinitigan lang nya ko ng masama. Arrgghh.!! I have no choice, kailangan kong magpalit.
"Fine.!"
Padabog akong naghanap ng maisusuot., nakapili naman ako kaagad., yung favorite kong maong pants na may punit sa legs, t-shirt na white hindi masyadong fit, hindi rin masyadong maluwag, sakto lang na v-neck; then my favorite black chuck tailor na sapatos.
After kong maisuot at masatisfied sa suot ko, nagpulbo lang ng konti, konting lipbalm at sandamakmak na pabango. Tinali ko rin ang buhok, nagsettled na ko sa bun-style-ponytail. Saka lumabas ng kwarto, baka maghisterical na yung babaeng yun eh.
Mejo nagulat pa sya nung makita nya ko.
"Oh? bakit ka ganyan makatingin? Sobrang ganda ko na ba.?"
Pabiro kong tanong.
"Duhhh?? Hindi noh., panay kasi iyan ang suot mo kapag umaalis tayo."
Sabay talikod, minsan natatawa na lang ako sa babaeng toh, suplada. Well, suplada din naman ako, pero hindi ako maldita katulad nya. Haha.! Hard.!
______________to be continue..
