Chapter 1

34 1 2
                                    

"Ryo!"

galit na galit na pinaghahanap ni Aling Sita ang kanyang pamangkin dahil tanghali na at hindi pa ito umuuwi..

"Ryo! peste kang bata ka! Ryo!"

samantalang siya ay naghahanap, may dalawang batang naglalaro malapit sa dalampasigan..

"hahaha!! habol mara! habulin mo ko!"

"andaya mo naman kase Ryo! ambilis-bilis mo!"

"kasalanan ko ba yun? edi mas bilisan mo! hahaha.. habol pa Mara!"

at tumakbo ito papalayo..

"aray!"

napalingon ang batang si Ryo at hinihingal na binalikan ang kalarong si Tamara..

"oh, ha-nong nang-ha-yare sa-ha-yo?"

"ang saket Ryo! aray, di ko kase nakita yung bato kaya napatid ako.. aray!"

bumigay si Ryo ng isang malalim na hininga bago magsalita..

"patingin nga! hala.. tamara, dumudugo yung sugat mo! baka ma-impeksyon to at mahimatay ka.."

"ha? talaga?"

"oo, at ang sabi ni mommy, baka mamatay ka dahil sa infection.."

"uwaaaaah!! ayoko pang mamatay Ryo!"

"hahaha.. just kidding! wag kang mag-alala.. hinding-hindi kita hahayaang masaktan okay?"

"promise?"

"yep.. pinky promise!"

"Ryo!!"

nagkatinginan ang magkaibigan at sabay na nagsalita

"si Aling Sita!!"

"dalian mo Ryo! baka mapagalitan ka ng tiyahin mo!"

"sige.. magkita nalang tayo ulet bukas ha!"

"sige! ingat ka!"

"babye Tamara!"

"babye Ryo!"

at pinanood ng batang babae ang kalaro niya habang palayo nang palayo sa kanya..

***************************

Pagkauwi na pagkauwi ni Tamara ay agad siyang sinalubong ng ama niyang kagagaling lang sa palengke..

"O, andito ka na pala anak! Saan ka ba nanggaling at ngayon ka lang naka-uwi?"

"magandang tanghali po itay! galing po sa dalampasigan.. naglaro po kami ni Ryo.."

"Ryo? yun ba yung pamangkin ni Aling Sita? yung galing sa Maynila?"

"ah, opo!"

"o, siya.. tawagin mo na yung Ate Cynthia mo at nang mailuto na 'tong Manok"

"opo!"

agad naman itong kumaripas ng takbo sa bakuran nila at nakita ang kapatid na kausap ang barkada nito..

"Ate, pinapasabi ni itay na lutuin na daw yung manok na binili niya.."

"sige, sige, susunod ako.."

Bumalik si Tamara sa loob ng mumunti nilang bahay na gawa sa nipa at kawayan at hinanap ang itay niya..

"Tay?"

"nandito ako sa kusina!"

"susunod daw po si ate, tay!"

"salamat anak.. napaka-masunurin mo talaga kahit kelan.."

"syempre tay! malakas kayo saken eh.."

Promises in the SandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon