Chapter 5

18 0 0
                                    

Cynthia’s POV

Kasalukuyan akong nakaupo sa aking kama.. Kaharap ko si..

si Aurellio..

hindi ko maintindihan kung bakit parang kilalang-kilala ko siya.. ngayon ko lang siya nakita sa tanang buhay ko bilang tao.. nagulat nalang ako kanina.. nung nakita ko siya.. naalala ko agad kung sino siya..

tanging katahimikan lamang ang namamagitan sa aming dalawa..

nanatili lang kaming nakatitig sa isat isa

"b-bakit.. bakit naparito ka.."

"Kung iniisip mong may alam ako sa mga nangyayari.. nagkakamali ka.. Marissa.."

"Marissa.. alam mo ang dati kong pangalan?.. pero.. pero bakit? bakit naaalala ko ang mga ito? bakit naalala kita?"

"Hindi ko alam Marissa.. Pinuntahan kita dahil ikaw ang una kong naalala pagkatapos.. pagkatapos kong makita ang prinsipe kagabi.. si prinsipe Adonis"

"Nakita mo rin siya? nag-usap ba kayo?"

"hindi.. papauwi na ako mula sa trabaho nang may madaanan akong lalaking nakasandal sa pader ng eskinita.. naka pulang damit ito at nakayuko.. inakala kong magnanakaw o adik kaya binilisan ko ang paglalakad.. pero sinundan niya ako.. hanggang makarating ako sa gate ng bahay.. nilingon ko siya pero wala na.. nakahinga ako ng maluwag.. papasok na sana ako nang biglang may tumawag sa dati kong pangalan.. ’Aurellio’.. nakita ko siyang nakasandal sa gate ko at hinihithit ang kanyang sigarilyo.. ang sabi niya lang.. ’nakita ko si Marissa kanina.. nag-iba na ang anyo niya ngayon.. bisitahin mo.. mukhang hindi bagay na malayo kayo sa isat-isa’.. at bigla nalang siya nawala.."

hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi ni Aurellio..

"naalala nalang kita kaninang umaga matapos kitang mapanaginipan"

"Ano ba ang napanaginipan mo Aurellio?"

"Hawak mo ang sanggol na si prinsesa Soraya.. ang anak natin.."

***********************

Ryo’s POV

"Class dismissed.."

Dali-dali akong lumakad paalis ng classroom ko.. bakit ba kase Type B ang schedule ng klase ngayon?

anong oras na ba.. shoot.. alas sais na!

mas binilisan ko pa ang paglalakad..

malapit na ang paglubog ng araw..

"ugh.."

nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib..

bumibilis ang takbo ng aking puso..

kailangan kong makarating sa bahay bago pa tuluyang makalubog ang araw..

"Ryo! Sandali lang! naiwan mo research paper mo!"

hindi ko na pinansin kung sino man yung tumawag saken.. ang importante ngayon.. makauwi ako..

hindi ko hahayaang manipulahin niya na naman ang katawan ko..

mabuti nalang at limang minuto lang ang layo ng school sa bahay.. kaya nakarating ako agad sa bahay..

binuksan ko ang pintuan at dali-daling dumeretso sa kwarto ko..

napakapit ako sa hagdan..

nanghihina na ako..

pagkapasok, mabilis kong hinila ang hard wood chair at hinarap sa malaking salamin..

"aaaaaghh!!!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Promises in the SandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon