Chapter two

0 0 0
                                    

"Hi Eliza." Nginisian niya ako. Ako naman ay tila naistatwa dito. Ano na naman ba 'to?

"Dito muna kayo ha." Hindi na ko nakapagreklamo dahil umalis na sila't kami na lang ni Waze ang natira dito.

"Ikaw? Paano? Kailan mo pa nalaman?" Sunod sunod kong tanong sa kaniya.

"Matagal na. Pinag-uusapan palang nila, alam ko na. Kaya kita gustong makausap kanina dahil dito." Sagot niya.

"Ba't ka pumayag?" Tanong ko ulit.

"Hindi ko alam." Gusto ko siya sampalin dahil sa sinagot niya. "Ikaw? bakit nagbago isip mo't pumayag ka na?" Tanong niya.

"Naawa ako sa Daddy ko." Sagot ko naman.

"Tatlong linggo na kaming naghihintay na pumayag ka. Bakit ba ayaw mo? Ayaw mo na ba sa akin? Paano naman yung nangyari sa atin? Wala na ba sayo yun?" Naningkit ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.

Kasi, What the fvck! Gustong gusto ko siya. Mahal ko na. At ang nakakainis kasi, Dalawang linggo niyang pinamukha sa akin na isang one night stand lang iyon. Pero kung makapagsalita siya ngayon ay parang hindi niya ako nasaktan. Nakakatangina yun di ba?

"Sabi mo na rin na isang one night stand lang 'yon. Isa lang ako sa babaeng pinaglaruan mo." I smiled. Fakely.

"Sinabi ko nga 'yan. Pero binabawi ko na." Talagang napakademonyo ng hinayupak na 'to! Bakit ko ba minahal ang lalaking to? Bwiset. "Asawa na kita sa makalawang araw. Akin ka na." Tumayo siya at tumabi sa akin. Halos hindi ako makahinga. Parang tumigil ang oras. Bakit ganito?

"That's only in contract." I smirked.

"Mahal mo naman ako e." Nang-iinis b talaga siya? Well, congratulation dahil inis na inis na ako.

"Mahal nga kita kaya nga nilulubos lubos mong saktan ako e." Tumayo ako at akmang aalis na pero hinawakan niya kamay ko.

"Stop loving me. Ayaw kong may makakaalam na kasal tayo " Inirapan ko lang siya at tinabig ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Sa paghakbang ko papalayo sa kaniya ay tumulo ang luha ko.

Ano bang rason bakit siya ganyan sa akin? Bakit niya ako pinapatigil na mahalin siya? Gusto ko rin namang hindi na siya mahalin e. Pero ang hirap. Kasi mahal na mahal ko siya.





















-

Isa na akong Eliza Raquel-Lorente. Isang araw na ang nakalipas ng ikasal kami. Hindi ganon ang gusto kong kasal ko. Gusto ko 'yung hindi labag sa kalooban. Yung mahal din ako. Pero hindi e. Ang malas ko nga talaga.

It's already eight in the evening nang napagdesisyunan kong uminom muna sa Padis sa malapit sa seaside dito sa MOA. Dito kasi ako madalas tumatambay lalo na kapag gusto kong mawala yung sakit na nararamdaman ko.

Naubos ko na ang tatlong beer na inorder ko kanina pa at ngayon ay tequila ang iniinom ko. Kalahati palang pero parang ang lakas na ng tama sa akin. May mga music band na kumakanta sa stage. At itong misteryosong nakahoody jacket na vocalista ay ang pinakagusto kong boses

(Matagal ko ng gustong malaman mo
Matagal ko ng itinatago-tago 'to
Nahihiyang magsalita at umuurong aking dila
P'wede bang bukas na
Ipagpaliban muna natin 'to
Dahil kumukuha lang ng tiyempo
Upang sabihin sa iyo)

Nagtama ang mata namin ng misteryosong vocalista na ito kaya napaiwas agad ako bigla.

(Mahal kita pero 'di mo lang alam
Mahal kita pero 'di mo lang ramdam
Mahal kita kahit 'di mo na ako tinitignan
Mahal kita pero 'di mo lang alam)

Kapag talaga siya ang kumakanta, gumagaan ang loob ko. Ang ganda kasi ng boses niya at may emosyon kung kumanta.

(Matagal ko ng gustong sabihin 'to
Matagal ko ng gustong aminin sa'yo
Sandali, 'eto na, at sasabihin ko na nga
Ngayon na, mamaya, o baka p'wedeng bukas na)

Tumungga ulit ako ng tequila. Kasabay ng pagtulo ng luha ko. Bakit ba laging ganito e? Ang sakit sakit.

(Dahil kumukuha lang ng bwelo upang sabihin sa iyo
Mahal kita pero 'di mo lang alam
Mahal kita pero 'di mo lang ramdam
Mahal kita kahit 'di mo naman ako tinitignan
Mahal kita kahit lagi mo na lang akong dinededma)

Uminom ako ng uminom. Habang bumubuhos ang luha ko. Medyo nahihilo na rin ako pero kaya ko pa naman.

"Panyo?" May bumungad sa aking kamay na may hawak na panyo. Tumingala ako para makita kung sino ang nag-alok. Nabigla pa ako dahil nasa harapan ko ang misteryosong vocalista. Ang gwapo niya pala. Kinuha ko na ang panyo niya at ipinampunas sa mukha kong basa dahil sa luha.

"Salamat." Naupo siya sa tabi ko at nakita kong tumunggang rin ng beer.

"Lagi kitang nakikita dito." Aniya.

"Lagi rin kitang napapanood dito." Tugon ko naman at ngumiti ng mapatla. "Kailangan ko na palang umuwe. Salamat sa panyo." Inabot ko ulit sa kaniya ang panyo at tumayo na. "I'm Eliza. And you are?" Inilahad ko ang palad ko sa harap niya.

"Andrei." and he accept my hand. "Nice to meeting you Eliza." He smiled. Tumango na lang ako at umalis na.

Hindi ko na iisipin na magagalit sa akin ang magaling kong asawa dahil umuwe ako ng ganitong oras. Wala naman kasing pakealam sa akin 'yon. May isang kasambahay naman kami kaya wala akong gagawin sa bahay namin.

Yes. Our parents want us to live in one house. Wala naman na kaming magagawa e. Gusto ko naman pero may side akong ayaw ko kasi masasaktan lang ako.

Nagbusina ako ng dalawang beses at bumukas ang gate namin. Yung BOY siguro namin iyon. Parang guard na rin at hardinero. Si Mang Culas.

Bumaba na ako ng kotse at ipipihit na sana ang pinto ng kusang nagbukas iyon. Laking gulat ko ng humarang si Waze. Salubong ang kilay nitong nakatingin sa akin. Halata kong galit siya.

"Anong klaseng asawa ang uuwi ng ganitong oras at lasing pa?" Tanong niya.

I smirked. "Anong klaseng asawa ang nakikipaglandian kung kaninong babae?" Tanong ko naman.

Iyon ang dahilan kung ba't nasaktan na naman ako. Nakita ko siyang nakikipaghalikan sa kung kaninong babae. At parang wala lang sa kaniya 'yon. Nakakainis di ba? Bwiset.

"Tabi!" Hinawi ko siya kaya nakapasok ako. Hinagis ko ang bag ko sa sofa at humiga doon. Nahihilo talaga ako.

"Isang araw palang tayong kasal pero ganyan ka na. Parang wala kang asawa." Kung makapagsalita 'to, akala mo siya perpektong asawa.

"Patas lang tayo." Ngumiti ako. "Sabi mo naman na walang pakealamanan e." Tumayo na ako. "Goodnight asawa kong pogi." Nagflying kiss pa ako at umakyat sa taas. Pagewang gewang pa akong naglalakad hanggang sa matumba na ako sa kama ko at tuluyang pumikit.

Bakit laging ganito? Ang liit ng mundo naming dalawa!

DestinedWhere stories live. Discover now