Chapter three

3 0 0
                                    



Another day of my life. Tanga na naman ako. Lagi naman akong tanga e. Kailan pa ba ako nadala? 


Nagpeprepare ako ng breakfast namin ni Waze. I'm trying to be a good wife. Kahit isang kontrata lang ito. Malay niyo, baka dahil dito ay mahalin rin ako ni Waze. Wala namang masama, kung umasa ako. Lagi naman akong umaasa kaya sanay na ako. 


"Naku ma'am? Bakit kayo pa ang nagluto? Pwede niyo naman akong tawagin e." Biglang dating ni Manang Cara.


"Ginagawa ko po ito para pag silbihan ang magaling kong asawa." I answered habang naglagay ng dalawang plato sa table.


"Narinig ko po ang away niyo kagabi." Aniya at tinulungan na akong maghain.


"Masanay na po kayo." I faked my smiled. 


"Pero parang concern siya sa'yo e." Kumunot ang noo ko. "Hindi kasi siya mapakali nung di ka pa umuuwe. Tas yung cellphone niya'y binato niya." Napakagat ako sa labi dahil sa sinabi niya.


"Hayaan niyo siya." Sabi ko na lang. 


Impossible namang mag-alala sa akin 'yon. Baka ipapamukha niya lang din sa akin na isang kontrata lang ang kasal namin. Nung una, ipinapamukha niya sa akin na isang one night stand lang iyon. Tapos ngayon, ipapamukha niya rin bang isang kontrata lang ang kasal namin. Bwiset


"Tawagin ko lang po ang magaling kong mister." Ngumiti ako kay Manang Cora at umakyat na't kumatok sa pintuan ng kwarto ng Mister ko. "Mister kong pogi, gising na. Kain na tayo at malelate ka pa sa klase." Wika ko habang kumakatok. Pero parang tulog pa ata siya kaya pinihit ko ang doorknob at binuksan. "Hoy! gumising ka na dyan!" Sigaw ko habang nakapamewang. 


"Labas!" Aba siya pa ang may ganang manigaw.


"Anong labas? Gumising ka na dyan, baka malate ka pa sa klase mo." Hinampas hampas ko siya ng unan kaya naman napaupo siya at sinamaan ako ng tingin. "What? I'm trying to be your good wife kahit dito lang sa bahay." Ngumiti ako ng pagak. "Mag-ayos ka na, at bumaba." Binuksan ko ang closet niya at hinanap ang uniform. Nahanap ko naman iyon. "Nakahanda na ang isusuot mo. Maligo ka na at kumain. Mister kong pogi." Ngumiti pa ko sa kaniya pero nanatiling nakatitig siya ng walang ekspresyon sa akin.


"Sinapian ka ba?" Tanong niya. Natawa naman ako.


"Sinapian nga ako ng mabuting asawa.Kaya dalian mo na diyan." Hinila ko siya hanggang sa makatayo. "Bumaba ka na lang kapag tapos ka na ha." Kinindatan ko pa siya at lumabas na.



I decide that from now on,I will be a good wife to him. Kahit nasasaktan na niya ako ayos lang. Nagbabaka-sakaling mahalin rin niya ako pabalik.


-


"Next!" Sigaw ko. Naghahanap kami ng bagong miyembro sa grupo namin. Umalis kasi 'yung isa, kaya nagdesisyon kaming maghanap ng kapalit niya. Pero nakasampo na kami, wala pa rin akong mapili.Ang sakit na sa ulo. 

DestinedWhere stories live. Discover now