Kisame… kisame ang una niyang nakita matapos niyang gumising sa pagkakatulog niya.
“Ancestor Drown.” tawag sa kanya ng mga boses.
Lumingon siya sa kanyang gilid at nakita niya ang dalawang binatang lalake—sina Seph at Stalwart.
“S-sino kayo?” papaos-paos na tinanong ni Drown.
“Kami po si Seph at Stalwart. Ang mga naatasan na magbantay sa inyo.” sabi ni Stalwart.
“Nasaan sila Fade?” tanong niya.
Bumangon siya at napansin niya ang buhok niya na sobrang haba. Mas mahaba pa ito kaysa sa dati niyang buhok. Ang hinihigaan niya ay tila parang isang kutson ng ulap. Tinignan niya ang paligid niya at puno ito ng magagandang bulaklak.
“Tatlong siglo na po ang lumipas. Matagal na pong patay sila Ancestor Fade.” sabi ni Seph.
Nagulat si Drown sa sinabi nila. Pakahawak si Drown sa kanyang ulo. Wala siyang maalala.
“Ta-tatlong siglo? Napakahabang panahon. Wala akong maalala. Paano ako napunta dito? Anong nangyari?” tanong niya.
Nagkatinginan ang dalawa.
“Pinagpasa-pasa ang mensahe na ito mula pa sa henerasyon ninyo, mula kay Ancestor Pipe…” sabi ni Stalwart at inilabas niya ang isang sulat.
Ibinigay niya ito kay Drown. Binuksan niya ito pero hindi niya makita ang mga nakasulat. Ito ay biglang nagliwanag at may boses na lumabas.
“Drown. Ito ay ang huli kong magos. Hindi ko man maibigay ang alaala mo mula sa sulat na ito, pero masasabi ko sa 'yo na ang mga alaala mo ay nakatago sa pinakapuso ng iyong pinanggalingan. Mag-ingat ka Drown, ang mundong ginagalawan mo ngayon ay higit na mas mapanganib kaysa sa atin. Delikado para sa iyo ang gumala mag-isa. Hindi ko maipapaliwanag sa iyo ang lahat pero merong nakita si Risk na pangitain mula sa henerasyong ginagalawan mo ngayon. Kumilos ka na hindi nasasaktan. Laging magmatyag. Katabi ko si Fade at sinasabi niyang mag-ingat ka. Gagabayan namin kayo. Paalam.” at natapos na ang sulat at naglaho ang papel.
Nakatingin lang naman si Stalwart at Seph kay Drown. Hinihintay nila na magsalita si Drown at sabihin ang laman ng sulat. Tama, telepathy ang ginamit ni Pipe.
Tumayo si Drown. Naglakad palabas ng kwarto. Gumala siya sa buong bahay. Naghahanap siya mga bagay na maaaring makakapagpaalala sa kanya ng maliliit na bagay. Sa kabilang kwarto ay napansin ni Feeble ang sobrang haba ng buhok. Tumayo siya sa hinihigaan niya. Napansin naman siya ni Stout.
“Oy. Saan ka pupunta?” sabi ni Stout.
Huli sa nung napansin ni Feeble sina Seph at Stalwart na nakasunod. Hinatak ni Feeble ang buhok na nakita niya. May narinig siyang bumagsak pero nakatitig lang siya sa mukha nila Seph na hindi maintindihan. Sumilip naman sa likod ni Feeble si Stout.
“Tama ba ako ng nakikita?” tanong niya.
Lumingon si Feeble sa may-ari ng buhok. Nakahiga lang siya sa lapag.
“S-si Ancestor Drown ba iyon?” nanginginig na tinanong ni Feeble.
“Heh. Mukhang ganon na nga.” sagot ni Stout sa kanya.
“Uwaaaa!” sabi ni Feeble. Binitawan niya ang buhok, sinapak niya si Stout at dumiretso kay Drown. “Nagmamakaawa po ako. Humihingi po ako ng tawad. Patawarin n'yo po ako sa aking kapangahasan. Patawad po.” sabi ni Feeble.
“Ehh? Hindi ko alam na wala na palang prinsesa rito.” sabi ni Stout habang hinahaplos niya ang pisngi niyang sinuntok ni Feeble.
“Ahaha. Ayos lang. Nagpapasalamat ako at hinila mo ang buhok ko. Medyo natauhan ako.”
“Pa-pasensya na po talaga.” sabi ni Feeble at nagsimula ulit umiyak. “Wala na po talaga akong ginawang tama.”
Nagulat si Drown sa sinabi niya. “May problema ka ba?” tanong niya pa.
Pinunasan ni Feeble ang luha niya. “Wala po ito. Hindi n'yo na po kailangang intindihin ang sitwasyon ko. Ang mahalaga po ay ligtas kayong nagising.”
“Hm.” sabi ni Drown sabay tango. “May dahilan kung bakit maraming masasamang bagay ang nangyayari ngayon pero alam kong may patutunguhang maganda ito.” sabi ni Drown.
Kinuha niya ang espada na nakakabit kay Feeble at pinutol niya ang mahaba niyang buhok. Nagulat ang lahat sa ginawa niya pero mas nagulat ang lahat nung bigla na lang sumabog ang buhok niya at bumalik ang napakahaba niyang buhok. Inulit-ulit niya pa ito at ganon pa rin ang resulta. Sa huling pagkakataon ay puputulin niya ulit sana ito nung sumigaw si Feeble.
“Ancestor Drown!”
Tumigil naman si Drown sa pagputol ng buhok niya dahil puno na ang buong bahay ng buhok niya. Ang iba naman ay pilit inilalabas nila Stalwart.
“Mas maganda po siguro kung itatali ko na lang po ang buhok n'yo ng maayos.” sabi ni Feeble.
Pumunit si Feeble ng tela mula sa damit ni Stout. Pinagmamasdan lang siya ng mga lalake habang ginagawa niya ang tali ni Drown. Inabot siya nang halos dalawa't kalahating oras para lang maayos ang pagtirintas niya sa buhok ni Drown. Ang tirintas ng buhok ni Drown ay halos umabot sa talampakan niya. Himalang may bangs pa si Drown na halos tinatakpan ang kanyang kilay.
“Ohhh. Saan mo natutunan ito?” tanong ni Drown kay Feeble.
“Ah. Hindi ko rin po alam. Bigla ko na lang po siyang nagawa.”
“Hahaha. Mukhang titiisin ko muna ito hanggang sa matutunan kong kontrolin ulit ang magos ko.”
“Ancestor Drown. Nais ko po sana kayong anyayahan na sumama sa aming misyon.” sabi ni Seph.
“Misyon?”
“Misyon na talunin si Ryeth.” sagot ni Stout.
“Ryeth?”
“Siya ang puso ng Frozen Time.” sagot ni Stalwart.
“Frozen Time?”
“Ah. Sanhi kung bakit hindi matuloy ang happy ending ng lahat.” sabi naman ni Feeble.
“At gusto n'yong ialay ko ang buhay kong muli para sa pagbabalik ng kapayapaan at kaayusan.” sabi ni Drown.
“Tatlong siglo nung huli kayong nanalo sa digmaan sa Major Fairy Rings.” sabi ni Seph.
“Tatlong siglo na rin ang lumipas nung unang nagpakita si Ryeth sa Silent City, dito mismo sa bayan na tinutuluyan n'yo. Ang bayan kung saan halos maubos na taong nagbabantay sa inyo.” kwento ni Stalwart.
“Pero bakit n'yo ba ako kailangan protektahan?”
“Dahil naniniwala ang lahat na ikaw ang pinto patungo sa pagkatalo ni Ryeth.” sabi ni Stout.
“Hindi ko man matandaan ang nangyari sa akin noon, alam kong makakatulong ako sa inyo.” sabi ni Drown.
Natuwa naman ang apat at mabilis na lumuhod at nagbigay-galang kay Drown.
“Hindi n'yo na ako kailangan parangalan. Tawagin n'yo na lang ako sa aking pangalan. Baka sakaling makaalala ako.” sabi ni Drown.
“Masusunod po. Drown.” sabi ng apat.
“Pero bago ang lahat, gusto ko sanang dumaan sa Pixie Hollow. Kung saan ako nanggaling.”
* * *
Ang tanging problema nila ay hindi nila alam kung nasaan ang Pixie Hollow. Maski si Drown ay hindi matandaan kung nasaan iyon. Paano nila mahahanap iyon kung tanging Fairy lang ang makakaalam non?
BINABASA MO ANG
Fairies: The Last Mission (Book3)
FantasíaIto ang kanilang huling hakbang patungo sa matagal ng inaasam na kaligayahan.