"Tigilan mo na kasi yang mga pangarap mong wala namang pag-asang maabot mo! Like duh! You're just a very dirty beggar living in this very wonderful world!." Kung kayo siguro ang magkakaroon ng ganitong ka laiterong kaibigan or should i say "laitera"? Myghad! Ganyan siyang kasama!Hindi ko alam kung bakit ko siya naging kaibigan, bukod sa "laitera" na siya malaki pa kung magpatubo sa utang. Kung mangungutang ako ng isang daan baka bukas three hundred na ang babayaran ko. Yeah, tubong lugaw!
"Alam mo ikaw? Sinisira mo pa lalo yung araw ko eh! Dika na nakakatulong, nakakaasar kapa!" Sabi ko sa kanya and i rolled my eyes heavenward.
"Dang! Wag ka ngang umiirap! Mukha kang dinosaur alam mo yon? You're so ugly to the highest level!" Then he slapped me on my very pretty face.
"Insekyoradang froglet to! Ang ganda ko kaya! Inggit ka lang kase mas maganda ako sayo! Barney!" Sabi ko sabay takbo palayo sa kanya. At hinabol naman ako ng baklang dinosaur pero syempre di mawawala sa kanya yung kembot. Tsk.
"Walanghiya ka talagang bruha ka! Sasapakin talaga kita ng gitara ng crush mo pag naabutan kita!" Hahaha oo, sumisigaw siya at naririnig siya ng lahat.
Hindi ko na siya sinagot dahil knowing him, iskandalosa siya. Baka gumana na naman ang bunganga niyang nakalunok ng megaphone.
* * *
Anyway, my name is Princess Margarette Vasquez, Princess ang pangalan ko pero hindi ako prinsesa kundi isang "alila", Alila ng tatay kong walang ibang ginawa kung hindi mamili kung sa Pula o sa Puti, Yeah Sabungero since birth!
Ang nanay ko? Siya ang pinaka martyr sa lahat nang nanay na nakilala ko in the whole wide world. Pero syempre siya pa din ang pinaka maganda sa lahat kahit na na-witness ko ang kalukahan niya in my sixteen years of existence.
Sabi niya, nag stay lang daw siya ka ama sapagkat ako ang dahilan. Pero hindi ako naniniwala kasi ayaw niya talagang iwan. Really.
"Miss Vasquez?" At hindi ko ulit maintindihan kung bakit ayaw niyang humiwalay. "Miss Vasquez?" Peri syempre kiber nalang ako! Hahaha tinamaan ng pana ni kupido eh "MISS VASQUEZ?!."
"HOY SIR!" Sa sobrang gulat ko ay nasigawan ko siya, Oh Em Geeee! Lumilipad na naman pala ang utak ko! Okaay, in 5..4..3...
"WHAT?! Are you shouting at me?! Get out of my class and get a detention slip in the guidance's room!" Sabi niya sakin and swear, maluha luha ako, hindi dahil nasigawan ako, kundi dahil muntik nakong maligo! MALIGO NG LAWAY NI SIR!
"OMG, Sir sorry po talaga. Masama lang po yung pakiramdam ko kaya medyo lumilipad yung isip ko. Sorry po tala--"
"I.don't.care! Go to the councilor's office and get a detention slip, this is not the first time i caught you spacing out! You're physically present but mentally absent!"
"Can you just continue what you are discussing rather than giving your full attention in some dirt in the room?!" seriously?! Ang kapal nang mukha ng taong to! Sinasabi ko na nga ba eh! Hindi pang si barney ang sisira ng araw ko eh!
"And you! Can you just get out of the room so this noisy professor can discuss about the topic and not about you?!"
"Valdez?! How could you?"
"Sir? I'm going out. I'm sorry for " disturbing" your class." I said and get out of the room.
Hays, ano pa bang magagawa ko? Bakit naman kasi ako nag space-out eh. Minsan talaga may katangahan ako eh.
Wait.
Pero tanga din talaga si valdez eh no? Seryoso? Ano kami college? Professor niya mukha niya! Baka teacher! English pa tanga naman!
Akala niya siguro ikinagwapo niya yung pagyayabang niya, eh mukha naman siyang---
*Booooogsh!*
Ugh! Lupa pwede kainin mo na ko? Ngayon naaaaa! Argh!
Yes! Napaka swerte ko ngayong araw! I.am.very.lucky! TO THE HIGHEST LEVEL!
Nadulas lang naman po kase ako, at ang masama pa doon, sa harap pa ng crush kong si Andrew Cortis ang pinaka gwapong lalaki sa balat ng lupa.
"HAHAHA Sh*t man! That's absurd!" - Mark
"Look! Halatang halata na may gusto sayo to. Lakas talaga ng charm mo pare! Tulala oh!" - Van
"Miss? Are you okay? Can you stand? Here, i'll help you" - Andrew
"Miss?" Ang gwapo niya talaga, Abdrew? Greek god ka ba? Pwede bang akin ka nalang?
"Miss?!"
"Huh? Ah Oo okay lang ako. Sorry po." sabi ko at tumakbo na palayo, swear! Napakainit ng pisngi ko. Nakakahiyaaa.
Yung minsan ka na nga lang maka-encounter ng crush mo yung epic moments pa. Teka, dapat pala diko sinabing okay ako para nahawakan ko yung kamay niya. -_- ang tanga mo girl!
Okay lang yan! May next time pa! Muahahaha.
Hay nako, Umiikot na naman ang landi sa katawan ko, Saan nga ulit ako pupunta?
Ah!
Detention Slip!
Kasi naman eh, Ni hindi ko nga alam kung anong itsura nang detention eh. Pano na yung scholarship ko? Oh My God! Wag naman sana makabawas sa grade ko tooooo!
Lord? Please? Di na talaga ko mangangarap sa loob ng klase! swear!
"Uh, good morning po ma'am."
"Oh? Miss Vasquez, do you need anything? What's with the sudden visit?"
"Uh, ma'am kasi po..."
"Yes? What is it?" Okaay? Nakakahiya, Laki ng ngiti niya kasi kilala nila ko bilang pinaka mabait na student dito sa STA eh. Scholar nga kase.
"Ahm, ma'am first time ko po kasi..."
"First time? OMG? May boyfriend ka na ba miss vasquez? Bakit mo isinuko agad?"
"Huh? Ano po yon?"
"First time mo kamo? Oh my god hija, wala kasi akong experience. Dalaga ako diba?"
"Okaay? Ma'am hihingi po kase ako ng detention slip..."
Halatang nagulat siya sa sinabi ako at namula. Bakit kaya?
"Ah ganun ba? Akala ko naman kung ano na eh. Hehe" sabi niya sabay abot ng slip sakin.
"Ah ma'am, ano pong susunod kong gagawin?" First timer nga diba? Kaya tanga-tangahan ang peg ng lola niyo.
Fine. Oo na tanga na kung tanga. Tsk!
"Fill up-an mo lang yan tapos saka mo ibigay dun sa teacher na nakabantay sa detention room. At dahil mabait ka, three hours lang ang binigay ko sayo." Sabay ngiti niya. Wow. Magkakasundo talaga tayo ma'am.
At dahil sobrang bait ko nga, ayon. Tatlong oras akong nagtiis sa detention room na sobrang init. Hays.
BINABASA MO ANG
Teenage Dream Love
Teen FictionThis story is a work of fiction. Names, Places and events are just based on the author's very wild imaginations. xoxo