Chapter 3:

0 0 0
                                    

Bihira lang yung ganitong opportunity, yung makakasama mo yung ultimate crush mo tapos may bayad pa at the same time.

Kakaiba talaga pag mayayaman eh ano? Okay lang kahit gumasta ka nang maraming pera makuha lang ang gusto mo. Sana kasi katulad nalang nila ako diba?

Walang hinahabol na grades para sa scholarship kasi kayang kaya naman na bayaran yung tuition fee.

Yeah, Sa Saint Therese Academy ako nag-aaral. Hindi dahil pasikat ako kundi isa sa mga pangarap ko na makapag-aral sa private school kaya naman eto, sa scholarship ako kumakapit.

Matagal nakong naghahanap nang trabaho eh, ang dami ko nang na-apply-an at kalat na kalat na ang resume ko sa lahat nang fast-food chain dito sa pilipinas, hanggang sa sales lady willing kong pasukin. Ewan ko ba kung bakit hindi ako mapasok, basta pag binasa nila yung resume ko nangingiti pa sila na nagpapataas nang confidence ko. Ang kaso, once na mag-angat sila nang tingin sa picture ko... Ayon! Major simangot! Kaasar talaga! Kailangan ba talaga yung physical appearance sa trabaho? Ang aarte!

   Akala yata nila porket di ako maganda eh wala nakong kayang gawin, psh. Kaya ko kayang magtrabaho nang all around! Leche sila!

"So? Okay lang ba sayo na maging tutor ko, miss?"

Hindi naman porket magaganda at gwapo sila eh pwede na silang manlait ng mga tulad kong... Mabait.

"Yes, she's very much willing, right cess?" Pinanlalakihan ako nang mata nitong bakla na to.

"Huh? Ah. Eh."

"Uh, vincent. I don't think she want to. Hmm?" At tiyak! Isa akong malaking tanga kung tatanggihan ko pa itong offer na to.

"No, no. I will." Sabi ko at pinakita sa kanya ang pinaka-maganda at sweet kong ngiti. Oh yeah. Maganda kaya ako! Sabi ni mama.

  Pero si mama nga labg talaga ang nagsabi sakin na maganda ako. Wala pa kong narinig na nagsabing maganda ako bukod sa kanya.

  Kahit si barney hindi manlang ako sinabihan kahit minsan.

"Okay then. Let's discuss about your payment." *smile* "do you want it monthly or every half of a month?" Bakit naman ang gwapo niya ngumiti, guys? Pwede pakisilip yung panty ko? Baka nalaglag na eh. "Is ten thousand a month okay with you? Or you want me to make it fifteen?" Promise hindi na talaga ako bibili nalang tig-kinse pesos na panty sa palengke. Eh paano naman kasi, pag bumili ako nang mahal baka hindi ako makakain ng tatlong linggo.

"HOY BRUHA! NASA EARTH TAYO!" Gosh? Nakakahiya! Natulala na naman pala ako sa kanya.

"Uh? Miss? Okay ka lang ba? Namumula ka, are you okay? Do you want us to take you to the hospital?" He said worried.

"Ha? Hindi okay lang ako! Ikaw na ang bahala sa sahod ko. Ikaw boss eh. Hehe." Okay? Bakla? Bakit ang sama mo tumingin, okay ka lang ba?

"Ah, drew. Pahiram muna kay cess huh? Batukan ko lang saglit para matauhan."

"Okay. Go ahead." *smile*

Hinila naman ako ni vince sa kitchen at doon binatukan. Ugh! Masakit ah.

Vince ang tawag ko sa kanya kasi ayaw niya nang iba. Yeah, bakla siya pero ayaw niyang patawag nang ibang name. Hindi siya katulad nung iba na may iba pang pangalan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 10, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Teenage Dream LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon