Chapter 2: A tutor?

1 0 0
                                    

"Margarette! Hugasan mo na yung mga pinggan! Kakainan na naman ng ng aso yan malason pa tayo!" Okay, si mother lab na lab akong utusan eh.

"Maaaaa, mamaya na. May ginagawa pa ko oh. Nag aaral kaya ako nang mabuti!" Sabi ko sabay nag pout.

"Marami ka pang oras para diyan. Saglit lang naman yung uurungan mo eh"

Ang angas talaga nang nanay ko, diko ma-take, ang bossy! Haha .

As if naman may magagawa pa ko bukod sa sumunod diba? May choice pa ba ko? Edi naglinis nako nang bahay naming umuulan sa loob, yeah. Yung bahay kase namin hindi naman luma na panahon ni kopong-kopong pero parang si magellan pa ang nagtayo dahil sa dami nang butas at anay.

Yung tatay ko civil engineer siya, pero yung bahay namin parang walang nakatirang engineer.

Bakit?

Kase mahalaga sa kanya ang piso, kakulangan sa pang sabong niya yun eh.

Mas prefer niyang magutom ako kasi wala kong baon kesa mawalan siya nang pang sabong, yeah break down yow! Chos!

Pero syempre kahit pano naman binibigyan naman ako ni mama nang baon, hahayaan ba naman niyang hindi ako kumain kahit skyflakes everyday? Hahaha. Kaya love ko yan si mother.

Ang swerte ko sa nanay ko pero ang malas ko sa tatay ko, you'll know why when the time comes. Sa ngayon maglilinis muna ako nang mansyon naming sobrang linis at ganda.

Hays, madrama kase si mother kaya di ako maka-angal pag nag utos na yan.

Di niya yata alam na nag aaral akong mabuti para sa kanya. Dreamer kasi ako.

At sa sobrang dreamer ko pati 'perfect' boyfriend pinapangarap ko na. Kahit alam ko namang never ako magkakaroon nang ganon.

Hindi ako maganda tulad nila, hindi ako mayaman at may pagka luka-luka din ako. Utak lang talaga ang puhunan ko. Medyo purol pa minsan dahil sa katangahan ko.

Dahil sobrang sipag ko, eto at tambak ang labahin ko. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan na labhan yung briefs ng tatay kong may marka. Hahaha

* * *

[2:00 pm]

   Seriously, gutom na gutom nako. Kanina pa ko naglalaba dito eh. Di na yata keribels ng power ng lola niyo. Petmalu sila father at mother magbihis! Dang!

   Wala manlang pa-miryenda si inay!

*kriiiiiiiing*

"Ay pusang gala!" Ano ba naman yan. Kitang di na nga matapos tapos na maglaba yung tao rito tawag pa nang tawag.

"Hello."

"Indaaaaaaay!" Ugh! Lakas nang bunganga ng baklang dinosaur na to!

"Ano bang kailangan mo! Can't you minimize your voice?!" Kairita sobra!

"Ay? Highblood ka teh? Anong drama mo?"

"Ikaw ang anong drama mo! Tawag ka nang tawag! Kung pumupunta ka rito at tinutulungan ako maglaba edi sana natuwa ako sayo kahit ngayon lang!"

"Hoy bruha! Kailan mo pa ko nakitang naglaba?"

"Tsk"

"Dyosa? Paglalabahin mo? Ano ka? Kapal nang kalyo nito." Nyenyenye ang daldal ugh! "Princess lang ang name mo pero ako parin ang tunay na prinsesa! Mwahaha!"

"Tss, ano ba kasing kailangan mo at napatawag kang bakla ka?"

"So ayun nga, bruhaaaaaaaaaa!" Kailangan niya ba talagang tumili over the phone? Ang panget ng boses huh? "Come over here na kase!"

Teenage Dream LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon