Chapter 1: The girl who left behind

5 1 0
                                    

Lorry's Pov

"Lorryyy!" Dinig kong sigaw sa pangalan ko kaya napabalikwas ako ng bangon.

"Mabuti naman at nagising ka nang batugan ka! Bwisit ka! Kanina pa kita ginigising potang inang babae ka!" Sermon ng pinsan kong si Lileth sa akin habang dinuduro-duro ako.

Tsk. Pustahan may ipapagawa na naman ito. Tsk.

"Ano bang kailangan mo?" Mahinahon kong tanong baka mag ala Dragona na naman siya mapagalitan pa ako ni Auntie Jossy, nanay ni Lileth.

"Labhan mo yong mga damit ko,kunin mo sa kwarto ko. Pagkatapos mag-grocery ka,wala nang stock ng pagkain. Kuha mo!" Sabi nito kaya tumango nalang ako saka umalis na siya

Everyone, I'm Lorraine De leon. 18 years old. I'm a college student taking business administration. Isa akong flexible worker. At oo nga pala INIWAN nga pala ako ng mga taong MINAHAL ko.

Bumaba na ako matapos ayusin ang sarili ko. Pagkadating ko sa kusina para kumain ay naabutan ko ang mga gabundok na mga hugasin. Hay! Kailan ba sila magbabago?

Araw-araw na yata silang ganito. Kasali na nga yata ito sa daily routine nilang lahat. Well, maliban sa isa.

"Oy! Good morning Lorry!" Bati sa akin ng kaisa-isang kakampi ko sa bahay na ito. Si Abbigail pero tinatawag siyang Abby. Ang nag-iisang taong hindi ako iniwan. Napangiti ako sa kanya at binati ko din siya. Mukhang kakagising lang din niya. Nagpuyat na naman to sa kakapa ood ng Kdrama.

"Wow!" Bulalas niya pagkakita sa mga hugasin sa lababo. Hay! Ibang-iba siya sa mga tao dito.

"Sabay na tayong kumain." Sabi ko saka kumuha ng pinggan para sa amin.

"Pasensiya ka na ha!" Sabi niya sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya. Halos araw-araw siyang humihingi sa akin ng paumanhin. Ewan ko ba diyan. Wala naman siyang kasalanan.

"Ano ka ba! Okay lang!" Sabi ko nalang sa kanya. Wala naman din akong masasabi dahil hindi ko naman din alam ang sasabihin ko?

Pagkatapos naming kumain nagpresinta siya na siya nalang daw ang maglilinis ng pinagkainan namin. Nagpasalamat naman ako sa kanya at ginawa na ang inutos sa akin ni Leleth. Ang dami pa namang labahin non. Kung saan-saan kasi nagpu-pupunta.

Pumunta na ako sa likod ng bahay nila Auntie para labhan ang mga damit ni Lileth. Pagdating ko doon,isang gabundok ng mga labahin ang bumati sa akin. Wow!

Sa kanya lang ba ito? Baka gusto niya pang magdagdag? Pasensiya na pero hindi ako mareklamong tao,pero hindi ako pinalaki ng mga magu--- ahh basta hindi ako pinalaki para alilain. Hindi ako santo.

Pero sino nga ba ako para tumanggi? Isa lang naman akong palamonin dito. Kung tutuosin,may mabuti namang dulot itong pagtira ko rito kina Auntie. Natuto akong maging matapang. Yon nga lang hanggant sa isip ko lang.

Tama na nga. Dapat ko nang simulan ang paglalaba nito baka abutan pa ako ni Lileth. Tsk. Mahirap na.

"Shoots!" Daing ko ng kumislot ang sugat ko sa dalawa kong kamay. Kailan pa ba ako matatapos dito?

Tsk. Ang dami niyang labahin. Napakabatugan talaga ng babaeng yon. Naku! Kung hindi lang talag----

"Lorry! Haynaku! Hindi na ako magtatanong. Basta pagkatapos mo diyan mag-ayos ka. Sasamahan kita sa paggro-grocery. Okay!" Sabi ni Abby sa akin ng mapadaan siya dito sa labahan kaya binilisan ko nalang ang paglalaba.

Mas mapapadali sana ito kung hindi naka-lock itong washing machine. OO! Naka-lock ang washing machine. Sobrang galante ng Auntie ko diba?

Dapat raw kasing magtipid ng kuryente. Tipid tipid raw. Eh sila nga may pa aircon aircon pa sa kwarto nila eh akala mo naman sobrang yaman. Nangutang nga lang kaya sila ng pera pambili non ng bumisita ang boyfriend ni Lileth noon. Tsk.

Matapos kong labhan ang mga damit ni Lileth ay dumiretso na ako sa kwarto at nag ayos para maka-alis na kami ni Abby.

"Tara na!" Sabi ko kay Abby

Pagkadating namin sa A mall ay dumiretso agad kami sa ground floor para sa grocery station.

~~~

"Lorry!" Tawag sa akin ni Abby

"Hmn?" Tugon ko habang namimili ng bibilhin. Ang mamahal naman kasi ng mga bilihin.

"Kaya mo ba pa ba?" Tanong niya sa akin. Napakunot naman ang noo ko saka tinignan ang mga nabili namin. Kaunti pa naman ah?

"Ah! Oo naman. Kaunti pa naman itong nak----"putol niya sa sasabihin ko

"What I mean. Kaya mo pa ba? Yong pakikitungo ni mama sa iyo." Tanong niya sa akin na nakapahinto sa akin sa pagpili ng mga bilihin. Tumingin naman ako sa kanya at ngumiti ng pilit.

"Of course!" Matatag kong sagot saka bumalik sa pagpipili.

Lies!

What a great pretender!

"Kung may magagawa lang ako para ma----" Putol ko sa sasabihin niya.

"May ginawa ka na Abby!" Sabi ko nalang. Which is true. Hindi niya ako iniwan. Kahit pa pinagtulakan ko siya noong panahon na iniwan na ako ng lahat at siya na lang ang natirang meron ako. Pero hindi niya parin ako iniwan.

"Yeah..yeah.. but it's not enough!" Sabi niya ulit. Haist. Kailan ba matatapos to? Forever topic na siguro namin ito.

"Tsk. Ikaw talaga. Dalian mo na diyan baka hinahanap na tayo ni Lileth!" Sabi ko nalang

"Tsk. Yong bruhang yon! Ang sarap tirisin. Kung hindi ko lang naging kapatid yon. Naku! Pinakatay ko na yon." Salita niya mag-isa. Napatawa nalang ako sa sinabi niya. Magkapatid nga sila pero magka-iba sila ng ugali. Kung si Abby mabait well si Lileth demonyeta yon.

Pagkatapos naming mamili ay diretsyo na kami uwi. Baka mapagalitan pa kami ni Auntie. Mahirap na.

Pagkadating namin sa bahay ay malutong na sampal kaagad ang sumalubong sa akin mula kay Auntie.

"Ma!" Bulalas ni Abby

"Huwag kang maki-alam dito Abby. Pumasok ka na. Pasok!" Sigaw ni Auntie kay Abby. Nginitian ko nalang si Abby at sinenyasan siyang sumunod nalang sa mama niya. Nang maiwan kaming dalawa ni Auntie ay agad na naman niya akong sinampal.

"Saan ka galing? Nasaan ang sweldo mo? Akin na!" Sunod sunod na sabi niya sa akin.

"A-Auntie. Sorry po. Binaya----" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang makatanggap na naman ako ng malakas na sampal galing kay Auntie

"A-Auntie. Tama na po!" Pagmamaka-awa ko kay Auntie.

"Bwisit ka talaga. Bwisit kayo sa buhay ko. Bakit ba kasi ang landi landi ng potanginang nanay mo. Letche!" Sigaw sa akin ni Auntie

"Auntie! Wala naman pong ganyanan. Sige na sampal samapalin niyo po ako. Wag niyo lang po idamay si mommy.!" Pagmamaka-awa ko kay Auntie.

Kahit pa iniwan nila ako ayaw ko paring pinagsasabihan sila ng masama. Lalo na at hindi pa totoo.

"Ah ganun! Sumasagot ka na! Bakit? Totoo naman diba! Inwan ka ng malandi mong ina sa kapatid kong uto-uto!" Sigaw niya ulit sa akin

"Tama na!" Sigaw ko kay Auntie. Puno na ako.

Sasampalin na naman sana niya ako ng pigilan siya ni Abby.

Abby! What the heck are you doing!

"Ma! That's enough! Ito nalang kunin mo!" Sabi ni Abby sabay abot ng sweldo niya kay Auntie na agad din namang kinuha ni Auntie. Pero may pahabol pa siyang sinabi sa akin.

"Tsk. Bwisit talaga. Sa akin pa iniwan ng magaling kong kapatid ang lintek niyang anak. Mga bwisit!" Napaiyak nalang ako. Hindi dahil sa sampal ni Auntie. Kundi dahil sa sinabi niya.

Tama ang sinabi ni Auntie.

Iniwan nga pala ako ng mga magulang ko sa kanya.

What a mess life!

Yels note:

Kamusta? Lame ng first chapter ko. Tsk. Keep reading readers kung meron man. Kamsa!

Sad Beautiful Tragic: Learn To ForgiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon