Chapter 2: The blonde haired guy

6 1 0
                                    

Lorry pov

Nandito ako sa kwarto ko at kakagising ko lang. Ang bigat ng pakiramdam ko. Well ang tanong kailan ba gumaan? Simula yata noong iniwan nila ako mukhang hindi na naging magaan ang buhay para sa akin.

Tumayo na ako at nagpunta sa C.R para mag-ayos. Pagtingin ko sa sarili ko sa salamin ay mapapansin mo agad ang mata ko. Ang maga-maga ng mga mata ko. Ilang baldi bang luha ang naiyak ko? Hindi ba nauubos ubos ang luha?

Pagkatapos ko sa pag-aayos ng sarili ko dumiretso na ako sa school. Ayaw ko munang makisabay kina Auntie, baka kung ano na naman ang lumabas sa bibig non.

At dahil sa sinabi ko ngang flexible worker ako, dumiretso kaagad ako sa library para gawin ang trabaho ko. Student assistant ako dito sa school kapalit nang half scholarship ko. Laking pasalamat ko nalang dahil may scholarship pala silang binibigay dito. Kasi hindi lang kasi basta bastang skwelahan itong napasokan ko. Kasi this school is only for elites,rich and noble class na mga tao. Kumpara sa akin, isa lang naman akong pisante.

Bakit gusto ko dito at hindi nalang sa simpleng skwelahan? Kasi pangarap namin ito ng lola ko. Noong nabubuhay pa kasi siya ay isa siyang guro dito. Kaya gusto niyang dito raw ako mag-aral. At isa pa, kapag kasi graduate ka sa skwelahang ito,mas maraming opportunity kaya heto nagtitiis ako dito. Tatlong taon nalang naman. Malalagpasan ko rin ito.

"Good moring Mrs.Antonio!" Bati ko sa librarian namin pagkapasok ko dito sa library. Binati din naman niya ako.

"Oh! Aga mo ahh?" Sabi niya

"Ah! Trip ko lang po yatang magsipag ngayon." Biro kong sagot kay ma'am

"Ikaw talagang bata ka. Matagal ka nang masipag. Oh siya, simulan mo na yan para marami ka pang oras. Intindihin mo muna ang sarili mo. Okay.." Sabi ni ma'am kaya napatango nalang ako. At sinimulan ang trabaho ko.

"Nga pala! Lorry, favor naman oh?" Sabi ni Ma'am Antonio kaya napahinto ako sa ginagawa ko at tumingin sa kanya

"Ano po yon?" Tanong ko

"Ahmn.. Ano. Paki daan naman yong baon ng anak ko oh.. please! May sakit kasi siya pero gusto niya paring pumasok. Pagkatapos naiwan niya ang lunch niya. Pwede bang paki daan lang sa kanya!" Sabi niya kaya natawa nalang ako..

"Akala ko po kung ano na. Sus. Yon lang po ba. Sure po. Idadaan ko sa kanya mamaya." Sabi ko tapos pinasalamatan ako ni ma'am.

Habang nasa klase kami kitang kita ko ang paglalandian ng mga kaklase ko.

For Pete's sake! Eskwelahan po ito! Hindi parausan!

Nakaka-irita!

Lalong lalo na itong nasa bandang kaliwa ko. Nakakasura!

"What a python!" Mahinang sabi ko pero mukhang narinig ng malandi sa bandang kaliwa ko kaya sinamaan ako ng tingin. Akmang tatalakan ako pero pinigilan ito ng lalakeng kalandian niya.

"What?..Okay babe!" Dinig ko sa boses ng babae

Mga bwiset!

Natapos ang klase na puro sila landian. Talagang pumasok pa talaga sila! Tsk..mga sawa!

Nang maalala ko ang favor sa akin ni ma'am Antonio ay dumaan ako sa Caf. para bilhan ng makakain si Bliss at pagkatapos dumiretso na ako sa high school building. Junior pa kasi yong anak ni ma'am at ang cute at ang kulit. Pagkadating ko sa classroom niya ay hindi ko agad siya nakita.

"Uhmn.. Excuse me! Do you know if where is Ms. Bliss Antonio?" Tanong ko sa kaklase niya na lalabas sana.

Hinarap naman ako nito at tinaasan ako ng kilay sabay tingin sa akin ulo hanggang paa. Ay grabeng bata ito. Kung maka head to toe. Tirisin kita diyan eh.

Sad Beautiful Tragic: Learn To ForgiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon