Chapter 3: new guy

6 2 0
                                    

Lorry Pov

"Lorry! Kapag yumaman ka na ha, wag mo akong kalimutan hah!" Wika ni Abby kaya napatawa nalang ako.

Ganito kasi yan. Nasa daan kami papuntang school tapos naging topic namin iyang lost heiress na yan. Kasi may napanood raw siyang movie na ganyan. Ewan ko ba diyan bigla bigla nalang nagsasabi ng kahibangan.

"Ewan ko sa iyo Abby!" Sabi ko nalang. Yang trip ni Abby. Naku!

"Ehh. Sige na kasi. Kunwari lang kasi isa kang nawawalang tagapagmana ng isang mayamang angkan tapos kapag nahanap ka nila ah.. Don't porget me!" Sabi na naman nito. Napa iling iling nalang ako sa kanya. Saang palabas niya kaya yan napanood?

"Oo na po. Hindi ka na po kakalimutan ni Young Lady Lorry! Nah! Hindi bagay!" Sabi ko

Young lady Lorry? The fudge! Kinilabutan yata ako?

"Tsk. Bahala ka nga diyan." Inis na sabi niya saka iniwan ako at naunang pumasok sa gate ng school.

Haist. What a childish human being.

Pumasok narin ako sa gate baka malate pa ako. May trabaho pa naman akong gagawin.

Pumunta na ako ng Library at ginawa ang trabaho ko. Pagkatapos ko doon sakto namang start ng ng schedule ko ngayong umaga.

Habang nasa daan ako hindi ko mapigilang hindi maalala ang dati. Noong nasa high school pa ako. Kung gaano kaganda ng buhay ko noon.Pero sabi nga nila diba 'walang forever!' Asa pa ako na tatagal yon?

Haist! Move on na kasi Lorry. Asa ka pa! Pinaglaruan ka nga lang diba.

"Ouch!" Daing ko ng may nakabangga ako. Sakit ah! Bakit sa ilong pa! Ito na nga lang maipagmamalaki ko,madidisgrasiya pa! Hustisya naman oh!

"Ang sakit ng ilong ko!" Daing ko habang hinimas himas ko ang kawawa kong ilong. Ito nalang maipagmamalaki ko anoh!

"Sorry Miss! Okay ka lang?" Tanong sa akin ng lalaking nakabangga ko. Tumingin naman ako sa kanya at mukhang hindi siya taga dito.

"Ano? Ano yong sinabi mo? Paki ulit nga please!" Sabi ko sa kanya. Mukhang nabingi yata ako eh.

"Sorry...Ayos ka lang ba?" Ulit niya sa sinabi niya. Hindi nga ako nabingi.

"Seryoso? Tinatanong mo ako kung ayos lang ako? Eh Ikaw? Ayos ka lang? Eh kung i-umpog ko kaya yang ilong mo ng malaman mo kung okay lang ako?" Galit kong sabi sa kanya. Ang sakit ng ilong ko. Doon pa tumama sa bakal ng bag niya. Bwiset!

"Sorry na nga diba? Tingin tingin din kasi minsan sa dinadaanan miss!" Pangaral nito sa akin kaya sumingkit ang malaki kong mata sa sinabi niya.

"Aba! Ang kapal din naman pala ng pagmumukha mo ano! Ako pa ngayon ang may kasalanan? Eh ikaw? Tingin tingin din kasi sa dadaanan, akala mo naman kung sino kang hari na dadaan nalang dito. Grabeh! Galing! Ang galing galing galing mo bwiset ka!" Inis kong sabi saka iniwan na siyang nakatunganga doon. Aba! Hindi din naman siya tumitingin sa daan ah? Eh kung tumitingin siya,sana iniwasan niya na ako diba?

"Ms. Lorraine De leon. I'm sorry okay!" Tinaasan ko siya ng kilay ng tawagin niya ako sa buo kong pangalan

"Bakit mo alam buong pangalan ko. Stalker ka anoh?" Sabi ko sa kanya. Holy cow! May stalker ako? Nakakatakot!

"What the f----! Okay miss. I'm not a goddamn stalker of yours okay. I just saw your name in you I.D. Wag din maging assuming okay!" Sabi niya ng nakangising aso.

Geez! Nakakahiya ka Lorry. Bago pa niya makita ang pamumula ng mukha ko dahil sa kahihiyan agad agad akong tumakbo palayo. Urgh! Nakakahiya ka talaga Lorry!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 19, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sad Beautiful Tragic: Learn To ForgiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon