Struggling Balls | Simula

205 18 3
                                    

Date Started / Revised: June 11, 2020

#SBSimula

Fan

Ara

"Go, Torres!" Sigaw ko. I was shouting all over the start.

"Fan na fan?" Si Mika na nakaupo lang at kalmadong nanonuod.

"G na G?" Samantalang, si Cyd walang ibang ginawa kun'di magcellphone at magpost ng story sa IG.

"Torres for three, yes sir!"

Umalingawngaw ang ingay ng buong La Sallian, it's just my first time watching this kind of intense game.

"Ay, wala!" Sigaw ko habang hawak ng kalaba na malapit na sa court nila.

"Yes!" Napapaheadbang ako sa tuwa dahil lamang na ngayon ang team ni Torres.

"Grabe, daig pa ang jowa." Komento ulit ni Mika.

"E, hindi pa naman UAAP Season." Umirap naman si Cyd.

Hindi ko maintindihan kung bakit sila nagpapaka-bitter. Palibhasa mga walang lovelife.

"E, busy siguro 'yong ka-fling niya, ako na lang magchecheer." Sagot ko hawak hawak ang kartolinang green.

We are on the same school. He's a varsity player of our basketball team, 2nd year. That's just what I knew about him. His course? His schedule? Even his personal life... wasn't on the list.

"Happy ka niyan?"  May galit na tanong ni Cyd.

"E, araw-araw mo na 'yang nakikita habang nagpapractice tayo ng volleyball. Hindi mo malapit-lapitan." Biglang inungkat ni Mika ang practice namin sa volleyball.

"Kailangan niya lang siguro ng peace of mind. Wait lang kayo, mapapansin din ako niyan." Buong-puso kong sambit na nakahawak pa sa aking dibdib.

"Ay taray namamanata na!" Tinuro pa ni Cyd ang kamay ko.

"45-32 in favor of Team 1. Congratulations!" Narinig kong sambit ng announcer.

"Sabi ko na sainyo, e. Mananalo 'yong Team ni Torres." Pagmamalaki ko sakanila.

"Die-hard fan ka nga." Mika pulled the little strands of my hair.

"Kapag ako napansin niyan, magkano pusta?"

"I bet you can't." Si Mika na ang nagsalita.

"Medyo sablay ka na nga sa iba mong type. Kay Torres pa kaya?" Parang sinasabi ni Cyd na hindi ko talaga kaya.

Hindi ko pa nagagamit ang alas---este ang karisma ko. E, hindi naman talaga ako nag-iinvest sa mga taong wala lang.

I'm sure of this, kahit player pa siya, o kahit player sa totoong buhay. I don't believe in commiting but I believe in flirting.

"Dare me!" Turo ko sa sarili ko.

"Hingi kang fansign, dali." Utos naman ni Cyd na may hawak ng papel at pentlepen. Oh, Archi nga pala 'tong kaibigan ko.

"Uso paba 'to ngayon?"

"Parang nagdadalawang-isip ka ata." Mika was trailing, she always think of things that I'm not good at.

But for him. I mean it's just a dare. At walang mawawala sa paggawa ng hindi mo naman ikakasisi.

"Wait," mabilis kong kinuha ang papel at pentlepen.

He was holding a white towel given by the staff, and I see him wiping up the bead of sweats falling down to his face.

Sobra sobra ka naman Lord ba't binigyan mo ng gwapong mukha 'tong lalaking 'to?

Struggling Balls (On-Going) | ThomAraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon