Chapter 5

46 3 0
                                    

#SBCh5

MVP

Ara.

Sandali pa lang ng muli kaming nagsimula para mag ensayo. Samantalang sa kabilang court, kitang kita ko ang tagaktak ng pawis ni Thom. Parang naulit na 'to, a. Deja vu?

I looked at him but he's serious dribbling the ball and looking for someone to catch. Nagtuturo pa siya kung saan pupunta ang team mate niya, and there he passed it to someone in the team.

"Ara!" Sigaw ng assistant coach mula sa likod.

"Sorry, coach." Nagmadali akong pumila para sa linya ng mga magsspike ng bola.

Habang sineset ni Kim, "Ara, angat ko lang."

Sa senyales na 'yon tumakbo na ako at sinet niya above the net, nakuha ko, napalo ko, nagawa kong ibaon sa kabilang parte ng court kung saan nakaabang si Dawn at Cj na siyang Libero ng aming team.

Sunod sunod ang pangyayari. Nagbigay naman ng oras para magpahinga makalipas ang 2 oras na tuloy tuloy na drills.

Tumingin ako sa gawi kung saan malapit ang basketball court, he wasn't there. Kaya kumuha muna ako ng pamunas at hintayin kong tawagin kami ni Coach.

"Next game namin sa Miyerkules, nood ka ha? Kalaban namin U.E." Biglang sulpot ng tao sa likod ko.

He was smiling. Parang hindi siya pagod kung tignan, para naman atang 'di siya nagiging haggard kahit pagpawisan siya. Ewan ko ba, bakit parang nagiilusyon lang ako.

I remain silent after he taps my shoulder, "ah?" Wala sa sarili kong tanong sakaniya.

"Laban namin sa Miyerkules sa U.E. May ticket ako." Habang may kinukuha siya sa kaniyang bulsa.

Napaupo ako, titig na titig lang ako sa ginagawa niya. Parang… 'di pa rin ako makapaniwala sa taong nakikita ko ngayon?

"Oh ticket." Pinitik niya ang hangin sa tapat ko paraan para mabalik ako sa pagtingin ko sa ticket.

Inabot ko 'to kasabay nang paghawak ko sa kamay niya. "Salamat, oo manonood ako."

"Asahan kita. 4 pm last game after ng FEU at UP." Dagdag niya.

"Tawag kana ni Coach niyo. Bye, VSG." He waved. He's still looking at me while running backward.

Nakakakaba naman pala. Parang hindi ko pa rin magets ang lahat.

"Taas ko ulit, a." Senyas ulit ni Kim---setter namin, siya ang pumalit kay Ate Mika Esperanza matapos ang 5th year niya. Rookie setter din si Kim pero freshmen palang siya.

Tumango ako at sinimulang iangat ang sarili ko papalapit sa bola upang atakihin ito. Walang daplis sa net at purong pagbaba mula sa singko.

"Wing spikers…" panimula ni Coach, "asahan niyo lagi ang sarili niyo, hindi kayo palagi ang ginagawang priority, 'pag maganda ang receive doon kayo pumwesto pero pag hindi si Kim na ang gagawa ng play para sa susunod na mangyayare, at be active tignan niyo palagi ang senyas niya, kaya ikaw Mika kahit isang pitik lang dahil Middle ka pwede mong masira ang depensa ng kalaban? Ayos ba?" Doon palang sa moral development na binibigay ni coach at hindi sermon nagsisilabasan na ang energy namin.

"Yes coach!" Sigaw naming lahat.

"Lady Spikers! Animo La Salle." Nagsasama ang kamay namin at kapit balikat lahat para tapusin ang training at nagdasal.

Isang buong araw kaming nagbabad sa paglalaro ng volleyball samantalang ang basketball team ay naunang natapos sa'min.

Pagkabukas ko ng cellphone ko. Someone headed my notification. It's his direct message from twitter.

Struggling Balls (On-Going) | ThomAraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon