Chapter 10 - Rainbow Waffles

5.5K 193 75
                                    


P.S. Maikling chapter lang po ito! Kaya na kayong magulat kung bitin sa dulo. Hehe! 

NNAN CHAPTER 10 : Rainbow Waffles

"Saan ba banda?" Tanong ko kay Evan na katawag ko sa telepono ngayon.

"Sunduin na nga lang kita. Diyan ka lang ah?" Aniya.

"Sige.." I ended the call.

I sighed as I looked at the empty road. Ang tahimik dito... nakakatakot. Pakiramdam ko may bigla bigla nalang lalabas sa harap ng kotse ko..

Tumingin ako sa rear mirror para makita kung ano ang nasa likod ng kotse ko. Nag kibit balikat lang ako nang wala naman akong nakita at muling huminga ng malalim.

Feeling ko tuloy nasa movie ako na puro mga zombies.. dahan dahan akong tumingin sa gilid ko.

"WAAH!" nagulat ako nang may nang gulat na isang lalaki sa bintana. Napahawak tuloy ako sa dibdib ko, akala ko aatakihin na ako sa puso eh.

"Ginulat mo naman ako Evan!" Saad ko. Umikot siya sa kabilang side ng kotse at kumatok. Binuksan ko naman yung lock ng pinto. "Pasok na." Akala ko dinala niya yung kotse niya. "Saan ba?" Tanong ko nang pinaandar ko na ang kotse.

Tinuro niya naman ang direksyon. "Naka ready na ba yung mga ingredients?" Tanong ko habang nakatuon pa din ang pansin sa kalye.

"Oo, kanina pa." Natatawa niyang sabi.

"Baka sabihin mong late pa ako ne 'to ah?" Sinulyapan ko muna yung relo ko bago tumingin muli sa daanan. "7:30am palang ng umaga."

"Oo nga eh. May 30 minutes pang natitra, galing mo!" Nakipag apir siya sa akin. Nakipag apir din naman ako.

"We're here." Huminto na ako nang sinabi niyang nandito na kami. Ayos lang naman ang bahay nila. Nandito palang kami sa gate. Lumabas na kaming dalawa at pinapasok niya na ako sa loob ng gate.

"Ito ba ang bahay niyo? Ang ganda ha!"

"Haha, nasa pinaka loob pa." natatawa niyang sabi. "Tara!" Nagulat ako nang hinawakan niya ako sa kamay nang tumakbo siya. Tumingin lang ako sa kamay naming dalawa habang tumatakbo. "Haha, bilisan mo!" Aniya

"Ang dami pa palang pasikut-sikot dito." Nakanganga kong sabi. Napapatulala ako sa mga nakikita kong mga halaman, bulaklak at mga puno sa gilid. Sobrang aliwalas at nakaka relax talaga tignan. Meron pa silang fountain.

"Nandito na tayo." Higit pa pala sa inaakala ko ang bahay nila.

"Woah. Ito pala ang bahay niyo.." nakaka shocks.. sobrang laki, mala mansion sa laki. Akala ko saktong laki lang ang bahay nila base sa nakita ko kanina pero mukhang garage lang nila ang nakita ko sa harap.

"Paki assist Ya." Aniya sa babaeng naka uniform ng kasambahay.

"Halika Ma'am.." nginitian niya ako. Ngumiti naman din ako. Ang daming mga malalaking mga portraits sa gilid ng bahay nila. Kaya pala gusto ni Jhay na dito nalang kami gumawa ng product dahil mukhang kumpleto na sila sa gamit.

"Nasaan nga pala si Jhay?" Tanong ko.

"Late." Aniya

I chuckled. "Siya naman ang late ngayon." Natatawa kong sabi.

Pumunta na kami sa kusina nila. "Kunin mo na yung mga harina sa loob ng cabinet." ani Evan. Hinanap ko naman yung cabinet nila sa kusina. 

"Woah, ang daming harina.." bulong ko sa sarili ko.. talaga palang kumpleto sa gamit 'tong si Evan, at sobra-sobra pa haha!

NNAN Season 2: Payback Time Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon