Kabanata 4

1.1K 33 6
                                    

Kabanata 4: The New Environment

---DEANNE'S-POV---

New day, Yehey! Maaga akong nagising para magawa ko ang lahat ng kailangan kong lakarin.

I washed up for a bit and then I prepared my laptop. I need to finalize some things para maging maayos ang pag-aaralan ko.

I filled up some forms and send it to their email. Mabilis din naman akong nakatanggap ng reply kaya agad ko itong binasa.

It says that I could choose my date of entrance exam and that's it.

I chose it today para matapos ko na rin agad. I'm really passionate with my studies, I don't wanna be a burden for my parents. Gusto ko rin namang tumayo sa sarili kong mga paa.

Oh pak! Ang mature ko dun. I giggled on that thought.

Nag-ready muna ako ng breakfast nang matapos ako. Good thing that my mom taught me how to cook, kaya easy lang ito sa akin.

Maya-maya rin ay bumaba na si Ate na nagkukusot pa ng mga mata. Nanlaki ang kanina niyang singkit na mata nang makita ang nasa hapag.

"Did you made this?" gulat pa rin siya.

Tumango lang ako rito at ngumiti. I went to the kitchen again to get some mugs. Milk ang iniinom ko sa umaga at siya naman ay coffee.

Nakakabata mang pakinggan, I more like milk than coffee. I always told myself that milk is better than milk. Pero ang totoo, gusto ko lang talaga tumangkad.

Hindi naman ako pandak. Sakto lang, ang pangit naman kung sobrang tangkad ko ta's payat. Ano, walking toothpick lang? A laugh escaped on my lips.

Siguro takot lang ako lumiit kahit na alam kong hindi mangyayari. Ang korni ko.

"Are you sick?" biglang sabi ni Ate sa gitna ng hapagkainan.

I look at her with puzzled look, my brows are furrowed. "Uhh... No?" alanganin kong saad. Ano ba kasing pinagsasabi niya? Why would I be sick?

Hindi pa rin nagbago ang ekspresiyon niya. Dumukwang pa ito at iniangat ang kamay para ilapat ito sa aking noo. "Are you sure?"

Napanganga ako sa pinagsasabi niya. Tinanggal ko ang kamay niya at inilayo sa akin. "I'm not sick, okay? Ang korni mo na, Ate Des," inis kong sabi.

Hinandaan ko na nga siya ng breakfast ta's ganiyan pa siya. Asan ang hustisya dun? E kung matuwa na lang kaya siya?

"Sorry. Nakakagulat lang kasi," she chuckled.

Napa-pout na lang ako at nagpatuloy na sa pagkain. Nagpaalam rin ako kaagad sa kaniya upang maligo na. I need to shower first before going to that university.

Nagsa-snacks na si Ate pagkababa ko. She eyed me curiously.

"Where... are you... going?" she asked while her mouth was full of foods and even munching as in between of her words.

Masarap ba ang luto ko at ganyan siya kumain? Achieve, mga bes! Kung mag-apply kaya ako ng chef?

"In H. University, Ate," simple kong saad habang chine-check ang bag ko. Baka naiwan ko 'yung iPad ko e. Mahirap na, wala akong gagamitin.

"H. University? 'Wag kang baliw, Deanne, sa wattpad lang mayroon ng Hell University. Gising na. Wala ka na sa wattpad world mo," natatawang sabi niya.

"Hindi sa Hell University, Ate. Ikaw 'tong baliw e. Hell University lang ba ang H. University sa mundo? Horus University, Ate, 'Horus'," sabi ko sa kaniya at in-emphasize ko pa ang 'Horus'.

Too Much Crush✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon