Chapter 2

8 1 0
                                    

Dahan dahan akong umakyat sa taas papuntang kwarto. Hmm mukhang tulog na sila ah. Pag lingon ko sa pintuan ng kwarto ko, nakita ko silang lahat naka sandal sa pader at seryoso ang mukha. Nanlaki ang mga mata ko, para silang model.

"At saan ka galing bata." Ugh! Hindi na ako bata -.-

"Ah, diyan lang." kibit balikat kong sagot. Naramdaman kong umiikot na ang paningin ko, mukhang umieffect na ang mga nainom ko kanina sa bar ah.
Bago ko buksan ang pintuan narinig kong nagsalita si Lance.

"Ang tigas talaga ng ulo mong bata ka." Napairap nalang ako at tuluyan ng sinara ang pintuan. Agrrr. Inaantok na ako.







<><><><>

Na alimpungatan ako dahil narinig kong nag ring ang cellphone. Kinapa ko sa side table ang cellphone, Hindi ko na tiningnan pa kung sino ang tumatawag at sinagot agad ito.

"What ?" Bungad ko agad dito.

"Dahil sa kalasingan mo hindi ka na nakapasok." Napairap ako, ang aga aga boses niya agad ang sisira ng araw ko.

"You don't care." Hindi ko na inantay ang susunod niyang sasabihin dahil inend call ko na agad. Nakita kong 200 missed calls na pala. Tss.

Itatabi ko na sana ang cellphone ng tumunog ulit ito. Binasa ko ang text galing kay coach.

From:Mainitin ang ulo(coach)

Hindi natuloy ang practice natin kaninang umaga, so mamayang 3 pm ang practice. Please no late.

Hays! Salamat at makakaattend pa ako sa practice kung hindi malamang bingi na ang tenga ko sa puro sermon niya. Tiningnan ko ang oras, 12: 30 nn tanghali na pala. Bumangon ako sa higaan na sapo sapo ang ulo ko. Ang sakit pa rin, dumiretso ako ng cr ililigo ko na lang ito. Nang nakapag ayos na ako bumaba ako at naabutan si manang sa sala na nag lilinis ng sofa.

"Manang asan si kuya?" Lumapit ako dito, mukang kaming dalawa lang ang nandito ah.

"Ah, si Mark? Umalis, may pupuntahan lang daw." Tumango tango ako dito. Nasanay talaga siyang mark ang i tawag kay kuya.

"Uhm, mag pagkain na po ba?" Kanina pa talaga kumakalam ang tummy ko. Nagugutom na ako.

"Ah meron na po, naka handa na sa table. Iha, eto pala pinabibigay ng isa sa mga kaibigan ng kuya mo, inumin mo daw ito para hindi na sumakit ang ulo mo." Inabot niya sa akin ang gamot. Sino kaya ang nagpapabigay.

"Sino ho ba sa kanila?" Kunot noo kong tanong dito. Sandali itong nag isip at tila inaalala.

"Ah eh, Hindi ko na matandaan. Basta pogi." Nakangiti nitong sabi. Nailing iling akong pumunta ng dinning table, pati si manang kinikilig. Feeling teenager.







"Go Aleinna!" Oh my yan nanaman sila, feeling ko mababasag na eardrum ko. Napa irap na Lang ako at hindi na sila pinansin. Nagfocus ako sa practice namin, onti na lang at matatapos na ang practice namin. I need to focus.



"Inna, nabalitaan mo na bang may nag ta transfer sa atin na pogi?" Tiningnan ko siya at inirapan. Tanga ba siya eh absent nga ako eh.

"WTF Chels, nabalitaan mo na bang absent kanina si Aleinna?" Sarcastic na tanong ni Faye.

"Hindi ikaw ang kausap ko Faye."

"Kahit na, sana naman kasi ginagamit mo yang utak mo." Di ba sila titigil. Ugh!

"Anong sabi mo?!"

"Do you want me-" pinutol ko na ang sasabihin ni Faye kay chels.

"Tama na yan! Nakakarindi na ang mga boses niyo!" Sigaw ko sa kanila dahilan para matahimik sila at hindi na magsalita.

"Canteen tayo, Inna." Sabi ni Ashley, mukang parehas Kami ng iniisip ah. Sumang ayon naman ang lahat. Kaya heto kami naglalakad papasok ng canteen. Pag pasok ko ng canteen may nakabangga sa akin.

"Fuck! Tumingin ka nga sa Dinadaanan mo!" Inis na sigaw ko dito sabay pag pag ng damit.

Hindi siya nagsalita kaya tiningnan ko siya. Oh my gosh! Nandito siya. Ngumiti siya ng matamis at niyakap ako.

"I miss you Love." Dinig kong bulong niya. Niyakap ko siya pabalik.

"Do you know each other?" Saka lang kami napabitaw ng magtanong si Safira. Liningon ko siya at tumango.

"OMG!" Nagulat kami sa biglaang pagsigaw ni Ashley.
"What?!" Sabay sabay natanong namin dito.
"Inna, I'm hungry." Lahat kami napairap sa dahilan ni Ash. Ngayon ko lang napansin na halos lahat ng estudyante dito sa canteen ay sa amin nakatingin, kasama na dun ang mga kaibigan ni Lance. Hindi ko na Lang sila pinansin at nag hanap na kami ng table.

Si Zach na ang nag order ng kakainin namin at treat niya daw kaya naman tuwang tuwa ang mga gaga.

"Aleinna, kelan pa kayo nagkakilala?" Napalingon ako kay Chelsea. "Last night." Hindi ko sana sasagutin ang tanong ni Chelsea kaso hindi sila titigil hanggat hindi nila nalalaman.

"What? Last night? Eh saan naman." Ang dami naman nilang tanong. "Bar" kibit balikat kong sagot. Nanlaki ang mga mata nila.

"What?! Hindi ka manlang nangyaya?" Inis na tanong ni Safira. "Biglaan Lang yon, okay? Tumakas Lang ako kagabi, nahuli pa nga ako ni Lance eh." Inis na kwento ko sa kanila. Nanlaki nanaman ulit ang mga mata nila.

"Yeah, one week sila sa bahay." Inunahan ko na sila, sa itatanong nila. "How? Eh alam ba-" pinutol ko na ang itatanong ni Faye. "Si kuya na nag paalam, ayoko na ng maraming tanong."Irrita kong sabi sa kanila sabay irap. "Ok, last question. Paano kayo naging close? I mean kanina kase niyakap ka niya bigla then may binulong siya sayo tapos niyakap mo din siya pabalik. What was that?" Seryoso kong tiningnan si Faye. Sabi na nga ba at dadating sa point na matatanong niya ito. "We're fucking friends." Sakto naman na pagsagot ko, siya namang pagdating ni Zach na may dala dalang- sino yung kasama niya?

Nilapag niya ang tray sa table ganun ang ginawa ng babaeng may hawak na tray ng pagkain.

"Thank you Dianne." Nakangiti nitong sabi sabay kindat sa babae, nakita kong namula ang pisngi ng babae na agad tumakbo palabas ng canteen. Tumawa ng malakas si Zach bago umupo. "Iba talaga pag pogi." Natatawang sambit nito. Napailing na lang ako sa kahanginan niya.

"Ang hangin sobra." Natawa kami nang sabihin iyon ni Chelsea. Hindi sinasadyang napatingin ako sa pwesto nila Lance. Nakatingin siya sa pwesto namin with his dark aura. Ano nanaman bang problema nang lalaking ito?

"Love, let's eat na." Napatingin naman ako Kay Zach at pilit na ngumiti.

"L-love?" Gulat na tanong nila. Tumango lang si Zach at in-explain niya kung bakit love ang tawag niya sa akin.

Meant To BeWhere stories live. Discover now