Chapter 3

3 0 0
                                    

Masaya kaming nagku-kwentuhan ng may isang grupo ng mga lalaki ang lumapit sa pwesto namin. "Aleinna tara na." Malamig na pagkakasabi niya dahilan para mapahinto kami sa pagtawa. Tinaasan ko siya ng isang kilay. "What do you want?" Inis kong tanong dito. Kahit kelan talaga. Panira sila ng araw. "Let's go home." Ma awtoridad na Sabi ni kuya.

"Look kuya, Hindi pa ako tapos kumain. Susunod na lang ako." Binalik ko na ang tingin sa kinakain ko. Kakagatin ko na sana ang slice ng pizza na hawak ko nang hatakin niya ako patayo dahilan para mahulog ang pizza. Inis kong tiningnan si Lance. "Ano bang problema mo?!" Naramdaman kong tumayo si Zach. "Bitawan mo siya!" Sigaw ni Zach Kay Lance at pilit na tinatanggal ang mahigpit na pagkakahawak sa wrist ko. "Don't touch her." Calmado pero malamig na Sabi niya.

"No!" Mas lalong humigpit ang hawak nito sa akin. "Ano ba Lance, nasasaktan ako!" Pilit kong tinatanggal pero hindi sapat ang lakas ko. "Love, who is he?" Tiningnan ko si Lance na walang expression ang mukha. "He is-" naputol ang sasabihin ko ng magsalita siya. "I'm her boyfriend." Nanlaki ang mga mata ko, pati na rin sila Faye. Agad akong napatingin kay Lance na ngayon ay nakangisi.
"What?! Wala akong natandaan na nanliligaw ka, or so whatever. Nanaginip ka ata ng gising." Nakangisi kong sabi. Tiningnan niya ako sa mga mata ko. "Do you want proof Zachary?" Ngumisi ulit siya ng demonyo. Anong pinaplano ng lalaking ito. "Of course." Mabilis na Sabi ni Zach My ghadddd! Sa isang iglap Hindi ko inaasahan ang ginawa niya. He gave me smack on my lips. Agad ko siyang na sampal sa isang free hand ko at mabilis na umalis ng canteen.

How dare you Lance! Alam mo bang Ikaw ang first kiss ko? Feeling ko maiiyak ako dahil sa ginawa niya. First kiss ko napunta lang sa kanya! Agrr! Ayoko siyang makita. Buti na lang at dala ko ang bag ko, mag ch-check in na Lang sa hotel.



Andrew's POV

"Pare! Lagot ka kay drew." Tiningnan ko ng masama si Mark tawa Lang ang sinukli niya. Lumapit sa akin si JM at umiling nagkibit balikat na Lang ako. "Bro, takot ba sa halik Yung kapatid mo?" Natatawang tanong sa akin ni Lance. "Pasalamat ka nakakapagpigil pa ako Lance." Sinamaan ko siya ng tingin bago umalis sa Cafeteria.


8:00 pm na wala pa rin si AL, kanina ko pa siya kinacontact pero cannot be reached. Nag aalala na ako Kay AL. Humanda talaga sa akin si Lance pag may nangyaring masama sa kapatid ko.

Pumunta ako ng sala at nilapitan si Lance. "Hindi ko siya macontact." Umupo ako sa tabi niya. "Hindi ka na nasanay sa kapatid mo drew." Iling iling na Sabi ng kupal. Tiningnan ko siya ng masama. "What?!" Inosente niyang tanong. "Pag 12 midnight na at hindi pa rin macontact si AL, humanda ka talaga sa akin!" Banta ko dito at umalis sa harapan niya. Baka Hindi ako makapagpigil at masapak ko pa siya.

Hapunan na pero hindi ko pa rin macontact si AL, tinawagan ko na ang mga kaibigan niya pero ang Sabi wala daw dun si AL. Kinakabahan na ako baka may kung anong nangyari ng masama sa kapatid ko, wag naman sana. Hanggang sa dumating ang 12 mn. Hindi pa rin macontact si AL kaya naman dali dali akong lumabas ng kwarto at dumiretso ng sala, Hindi ako nagkakamali nandito silang lahat. Agad na hinanap ng paningin ko si Lance, walang pasabing sinapak ko siya sa mukha. Sasapakin ko pa sana siya ulit ng pigilan na ako ni JM at mike. "Tang Ina mo Lance!" Pilit pa rin nila akong nilalayo Kay Lance dahil kung hindi nila gawin yun Malamang  bugbog sarado na ngayon si Lance. "Tama na Sir Mark!" Pag aawat sa akin ni manang. "Kapatid ko na ang pinaguusapan dito Lance! Kapatid ko na!" Sigaw ko dito at tiningnan siya ng masama. Nakita kong nag Seryoso ang mukha niya. "Hindi ko naman alam na ako pala ang nakakuha ng first kiss niya." Hindi ko alam kung Seryoso ba siya o Hindi eh. Tama si AL dapat Hindi ko na Sila Pina-stay dito sa bahay. "What the-" Hindi na natapos ang sasabihin ko ng may narinig kaming pumalakpak. Napatingin Kami sa babaeng nakatayo at basang basa ng ulan? "May live show palang nagaganap dito, Hindi ako na orient ah! Ang gagaling pa ng mga gumanap, parang totoo. Maniniwala na sana ako kaso naalala ko SCRIPTED Lang pala yan. Kunyari may PAKE sila, Kunyari NAG- AALALA Sila." Nararamdaman kong Galit siya, sa tono palang ng pananalita niya. Mag sasalita pa sana ako ng pigilan niya ako. "Shh... Wala akong panahon para pakinggan yang mga walang kwenta niyong dahilan." At walang pasabing umakyat siya at dumiretso ng kwarto. Sinundan ko siya kumatok ako sa pintuan pero hindi niya ko pinag bubuksan. "AL, please open the door." Pag mamakaawa ko dito. Narinig ko naman siyang nagsalita. "For what? To hear your nonsense apologize, to your nonsense sorry? Well, no thanks. I'm tired in everything, I want to sleep." Wala na akong narinig pa mula sa kanya. Umalis na lang ako at pumasok na ng kwarto ko.

I never heard AL, crying. Mas matapang pa siya kesa sa akin. Naalala ko noong sumemplang siya sa bike ng dahil sa akin. Marami siyang sugat sa tuhod at siko pero imbis na umiyak, tumayo siya at nagbike pa rin kahit tuloy tuloy na tumutulo yung mga dugo. Kaya simula palang hanga na ako sa kapatid ko. Ang swerte ko sa kapatid ko, at ang malas niya Lang kasi ako pa ang naging kuya niya.

Meant To BeWhere stories live. Discover now